Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sierra Leone at Guinea

Sierra Leone at Guinea

MGA 500 taon na ang nakakaraan, isang maliit na puno ng bulak ang tumubo malapit sa bukana ng Sierra Leone River. Sa loob ng 300 taon, nasaksihan ng punong ito ang isang kalunus-lunos na prusisyon. Ipinagbili ng walang-pusong mga mangangalakal ang halos 150,000 lalaki, babae, at mga bata para gawing alipin sa ibang mga bansa.

Ang makasaysayang Cotton Tree sa Freetown

Noong Marso 11, 1792, daan-daang pinalayang alipin mula sa Amerika ang nagtipon sa ilalim ng Cotton Tree para ipagdiwang ang kanilang repatriasyon sa Aprika. Itinatag nila nang araw na iyon ang isang pamayanan na kumakatawan sa kanilang pinakaaasam na pangarap—Freetown. Patuloy ang pagdating ng pinalayang mga alipin hanggang sa mahigit 100 grupo na ng mga Aprikano ang naninirahan sa pamayanan. Para sa mga bagong mamamayang ito, ang Cotton Tree ay kanilang simbolo ng kalayaan at pag-asa.

Sa loob ng halos 100 taon, inaaliw ng mga Saksi ni Jehova sa Sierra Leone ang kanilang kapuwa ng isang mas nakahihigit na kalayaan—ang “maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.” (Roma 8:21) Ang kalayaang ito ay nangangahulugan ng pagpapalaya mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan kapag naibalik na ng Mesiyanikong Kaharian ng Diyos ang kapayapaan at Paraiso sa lupa.Isa. 9:6, 7; 11:6-9.

Sa nakalipas na 50 taon, pinangangasiwaan din ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Sierra Leone ang gawaing pangangaral sa Guinea. Ang kalapít na bansang ito ay nakakaranas ng kaguluhan sa pulitika, lipunan, at ekonomiya kaya marami sa mamamayan nito ang tumatanggap sa mensahe ng Bibliya.

Ang mga Saksi ni Jehova sa Sierra Leone at Guinea ay naghahayag ng mabuting balita sa kabila ng maraming balakid. Kasama rito ang matinding kahirapan, mahigpit na panghahawakan sa mga tradisyon, etnikong pagkakabaha-bahagi, at kakila-kilabot na karahasan. Marami rin ang hindi marunong bumasa at sumulat. Pinatutunayan ng sumusunod na ulat ang di-natitinag na pananampalataya at debosyon ng mga tapat na lingkod na ito ni Jehova. Tiyak na ang kanilang kuwento ay aantig sa inyong puso at magpapatibay sa inyong pananampalataya sa “Diyos na nagbibigay ng pag-asa.”Roma 15:13.

SA SEKSIYONG ITO

Maikling Impormasyon Tungkol sa Sierra Leone at Guinea

Alamin ang tungkol sa Sierra Leone at Guinea, pati na ang tungkol sa kanilang mamamayan, relihiyon, at wika.

1915-1947 Unang mga Dekada (Bahagi 1)

Noong 1915, dumating sa Freetown ang unang bautisadong lingkod ni Jehova. Marami ang interesado sa Bibliya.

1915-1947 Unang mga Dekada (Bahagi 2)

Nagpakana ang klero para patahimikin ang bayan ng Diyos, pero ‘ibinalik sa kanila ni Jehova ang ginagawa nilang masama.’

1915-1947 Unang mga Dekada (Bahagi 3)

Ang Freetown Congregation ay naging “lubhang abala sa salita.”

“Hindi Ka Aabutin Nang Isang Taon”

Dalawang beses kada linggo, akyat-manaog sa bundok si Zachaeus Martyn nang 8 kilometro para dumalo sa pulong. Ano ang nakakumbinsi sa kaniya na ito ang katotohanan?

Tinawag Nila Siyang “Bible” Brown

Nangaral si William R. Brown sa Caribbean Islands at sa Kanlurang Aprika. Alamin kung bakit niya nasabing nakamit niya ang isa sa pinakadakilang pribilehiyong puwedeng maabot ng isang tao.

1945-1990 “Nagdadala ng Marami Tungo sa Katuwiran.”—Dan. 12:3. (Bahagi 1)

Lalo pang papalawakin ang pangangaral. Nagpadala ng mga misyonero para tumulong.

Gusto Nila Itong Mapanood

Noong 1956, ipinalabas sa Freetown, Sierra Leone ang pelikulang The New World Society in Action. May nanood kaya?

1945-1990 “Nagdadala ng Marami Tungo sa Katuwiran.”—Dan. 12:3. (Bahagi 2)

Ang mga Saksi ni Jehova ay kilalang-kilala sa buong Sierra Leone at Guinea bilang mga taong nagpaparangal sa pag-aasawa.

1945-1990 “Nagdadala ng Marami Tungo sa Katuwiran.”—Dan. 12:3. (Bahagi 3)

Bakit naghain ng mosyon sa Parlamento ang mga pulitikong Poro para ipagbawal ang gawain ng mga Saksi ni Jehova?

Mga Lihim na Samahan

Ano ang impluwensiya ng mga lihim na samahan sa buhay ng mga lalaki at babae sa Kanlurang Aprika?

1945-1990 “Nagdadala ng Marami Tungo sa Katuwiran.”—Dan. 12:3. (Bahagi 4)

Para matulungan ang iba sa espirituwal, ang mga kongregasyon ay nagsaayos ng mga klase sa pagbasa at pagsulat. Dahil marami ang natututong bumasa sa kani-kanilang wika, lumaki ang pangangailangan sa gawaing pagsasalin.

Lapel Card ang Naging “Pasaporte” Nila

Paano nakatawid sa hanggahan ng Guinea ang mga delegadong dadalo sa kombensiyon kahit wala silang dokumento sa pangingibang-bansa, o pasaporte?

Tinulungan Ako ni Jehova

Gusto ni Jay Campbell, may polio, na dumalo sa pulong ng kongregasyon. Sinabi niyang pupunta siya gamit ang mga bloke ng kahoy na panlakad niya. Nagawa kaya niya?

1991-2001 Isang “Hurno ng Kapighatian.”—Isa. 48:10 (Bahagi 1)

Kahit digmaan, pinaglaanan pa rin ng materyal at espirituwal na tulong ang mga kapatid at ibang tao. Ano ang nakatulong sa kanila na magpakita ng lakas ng loob?

1991-2001 Isang “Hurno ng Kapighatian.”—Isa. 48:10 (Bahagi 2)

Sa kabila ng kaguluhan, ang mga Saksi ni Jehova ay ‘nagpatuloy nang walang humpay sa pagtuturo at pagpapahayag ng mabuting balita.’

Batang Sundalo na Naging Regular Pioneer

Natatandaan ng isang rebelde ang mainit na pagtanggap sa kaniya sa pulong ng mga Saksi ni Jehova. Bakit nagbago ang rebeldeng iyon?

Nakatakas Kami Mula sa mga Rebelde

Sa gitna ng patayan at kaguluhan sa Pendembu, bakit nakaligtas ang ilang Saksi nang sumiklab ang digmaan noong 1991?

“The Watchtower Man”

Isang Saksi ni Jehova ang naging tagahatid ng liham noong digmaang sibil. Paano niya naihahatid ang mga liham at suplay mula Freetown patungong Conakry, Guinea?

Mas Mainam Kaysa sa mga Diamante

Si Tamba Josiah ay nagtrabaho sa mga minahan ng diamante bago naging Saksi ni Jehova. Bakit niya naisip na nakasumpong siya ng mas mainam kaysa sa mga diamante?

2002-2013 Hanggang Ngayon (Bahagi 1)

Pagkatapos ng digmaang sibil, naitatag ang mga kongregasyon, nagtayo ng mga Kingdom Hall, at nag-atas ng mga special pioneer sa mga lugar na kaunti lang ang Saksi.

2002-2013 Hanggang Ngayon (Bahagi 2)

Sa ngayon, ang mga Saksi ni Jehova sa dalawang bansa ay kumbinsido na marami pa ang tutugon sa mabuting balita.

Determinadong Maglingkod kay Jehova

Tumakas si Phillip Tengbeh at asawa niya nang salakayin ng mga rebelde ang Koindu. Tumulong sila sa pagtatayo ng limang Kingdom Hall habang nasa mga kampo ng mga lumikas.

Nabihag ng Sierra Leone ang Puso Ko

Si Cindy McIntire ay naglilingkod bilang misyonera sa Aprika mula pa noong 1992. Ikinuwento niya kung bakit gustung-gusto niyang mangaral sa Sierra Leone.