Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

SIERRA LEONE AT GUINEA

Maikling Impormasyon Tungkol sa Sierra Leone at Guinea

Maikling Impormasyon Tungkol sa Sierra Leone at Guinea

Lupain Maraming latian, sabana, talampas na sinasaka, at matataas na bundok sa dalawang bansa. Ang Guinea ang pinagmumulan ng tatlong pangunahing ilog sa Kanlurang Aprika—ang Gambia, Niger, at Senegal.

Mamamayan Ang Mende at Temne ang pinakamalalaki sa 18 katutubong tribo sa Sierra Leone. Ang Krio—mga inapo ng pinalayang mga aliping Aprikano—ay karaniwan nang naninirahan sa palibot ng Freetown. Ang Guinea ay may mahigit 30 etnikong grupo. Ang pinakamalalaki ay ang Fulani, Mandingo, at Susu. *

Relihiyon Mga 60 porsiyento ng mga tao sa Sierra Leone ay Muslim; karamihan sa 40 porsiyento ay nag-aangking Kristiyano. Halos 90 porsiyento ng mga tao sa Guinea ay Muslim. Karamihan ng mamamayan sa dalawang bansa ay nakikibahagi pa rin sa tradisyonal na mga relihiyon sa Aprika.

Wika Ang bawat etnikong grupo ay may sariling wika. Ang karaniwang wika sa Sierra Leone ay Krio—pinaghalu-halong Ingles at mga wika sa Aprika at Europa. Ang opisyal na wika sa Guinea ay Pranses. Halos 60 porsiyento ng mamamayan ng bawat bansa ay hindi marunong bumasa’t sumulat.

Kabuhayan Karamihan ay nagsasaka para makaraos sa buhay. Halos kalahati ng kita sa pag-e-export ng Sierra Leone ay mula sa pagmimina ng brilyante. Nasa Guinea ang isa sa pinakamalalaking reserba ng bauxite sa mundo.

Pagkain Ang popular na kasabihan ay “Kung walang kanin, parang hindi ako kumain!” Ang fufu ay nilagang kamoteng-kahoy na binayo at kadalasang kinakain kasabay ng karne, okra, at maasim na sawsawan.

Klima Mainit at maalinsangan sa baybayin. Malamig sa bulubunduking mga lugar. Kapag tag-init, humihihip sa loob ng ilang araw ang harmattan, ang tigáng na hangin mula sa Sahara, anupat bumababa ang temperatura at binabalot ng alikabok ang rehiyon.

^ par. 4 Ang ilang tribo ay maraming pangalan.

 

SIERRA LEONE

GUINEA

LUPAIN (kilometro kuwadrado)

27,699 (71,740 sq km)

94,926 (245,857 sq km)

POPULASYON

6,092,000

11,745,000

MAMAMAHAYAG NOONG 2013

2,039

748

RATIO, 1 MAMAMAHAYAG SA BAWAT

2,988

15,702

DUMALO SA MEMORYAL NOONG 2013

8,297

3,609