GEORGIA | 1998-2006
Mga Pagpapala ‘sa Kaayaayang Kapanahunan at sa Maligalig na Kapanahunan.’—2 Tim. 4:2.
Memoryal ng kamatayan ni Kristo.
MULA sa huling mga taon ng dekada ’90 patuloy, napakabilis ng pagsulong ng mga Saksi sa Georgia sa bilang ng mga mamamahayag at interesado. Noong 1998, di-bababa sa 32,409 ang dumalo saGayunman, maraming mamamahayag kasama na ang mga elder ang bago lang sa katotohanan at walang karanasan. Ang karamihan sa kanila ay nangangailangan ng pagsasanay sa iba’t ibang aspekto ng espirituwal na gawain. Pero paano mailalaan ang pagsasanay na iyon?
Higit na Tulong Mula sa Organisasyon ni Jehova
Sina Arno at Sonja Tüngler, mga nagtapos sa Gilead Extension School sa Germany, ay naatasan sa Georgia noong Marso 1998. Nang taon ding iyon, inaprobahan ng Lupong Tagapamahala ang pagbubukas ng isang country office sa Georgia, sa pangangasiwa ng sangay sa Russia.
Isang Country Committee ang nangasiwa sa gawaing pangangaral. Kapag legal na nairehistro ang ating gawain, puwede nang magpadala ng mga literatura sa Bibliya ang sangay sa Germany (tinatawag ngayon na sangay sa Central Europe). Dahil sa legal na pagkilala, maaari nang bumili ng mga ari-arian na mapagtatayuan ng mga Kingdom Hall at mga pasilidad ng sangay.
Panahon ng Espirituwal na Pagsasanay
Maraming mamamahayag ang hindi nakapangaral sa bahay-bahay sa loob ng maraming-taóng pagbabawal noong rehimeng Sobyet. Naalaala ni Arno Tüngler: “Karamihan sa mga mamamahayag ay laging nagpapatotoo sa lansangan, pero hindi lahat ay sanay magbahay-bahay at balikan ang mga nagpakita ng interes.”
Sinabi ni Davit Devidze, na nagsimulang maglingkod sa bagong tatag na country office noong Mayo 1999: “Maraming gawain sa larangan at sa Bethel. May mga nabasa kami pero hindi namin alam kung paano ito gagawin. Kaya nagmasid kami at natuto mula sa makaranasang mga kapatid na ipinadala ng Lupong Tagapamahala.”
Nagsimula ang puspusang pagsasanay para sa mga kapatid sa Georgia. Ngunit gaya ng kadalasang nangyayari sa mga lumilipat kung saan mas malaki ang pangangailangan, hindi lamang ang mga kapatid doon na sinanay ang nakinabang. (Kaw. 27:17) Sa katunayan, marami rin silang natutuhan mula sa mga kapatid sa Georgia.
Nagpakita ng Magagandang Katangian ang mga Saksi Roon
Hindi malilimutan nina Arno at Sonja ang mainit na pagtanggap sa kanila pagdating nila sa Georgia. Ginawa ng mga kapatid doon ang lahat ng kanilang magagawa para tulungan silang maka-adjust sa kanilang bagong atas.
Naaalaala ni Sonja ang pagkabukas-palad nila. Sinabi
niya: “Lagi kaming dinadalhan ng masasarap na pagkain ng mag-asawang nakatira malapit sa amin. Isinama kami ng isang sister sa paglilingkod sa larangan, ipinakilala kami sa aming bagong kongregasyon, at tinuruan kami tungkol sa kulturang Georgiano. Matiyaga naman kaming tinuruan ng isa pang sister ng wikang Georgiano.”Sina Warren at Leslie Shewfelt, mula sa Canada na naatasan sa Georgia noong 1999, ay nagsabi: “Hanga kami sa pagmamahal ng ating mga kapatid sa Georgia. Talagang nasasabi nilang lahat, pati na ng mga kabataan, ang kanilang nadarama at pag-ibig sa isa’t isa.”
Ang mga naatasan sa Georgia mula sa ibang bansa ay nagpokus hindi sa mga problemang nakakaharap nila kundi sa magagandang katangian ng mga tao roon. Agad namang napamahal ang mga misyonero sa mga kapatid doon dahil sa kanilang mapagpakumbaba at maibiging pakikitungo.
Tumutugon sa Katotohanan ang mga May-Takot sa Diyos
Noong dekada ’90, maraming taimtim na tao ang patuloy na tumugon sa katotohanan. Noon lamang taon ng 1998, may 1,724 ang nabautismuhan. Bakit nagkainteres sa katotohanan ang napakaraming Georgiano?
Si Tamazi Biblaia, na naglingkod nang maraming taon bilang isang naglalakbay na tagapangasiwa, ay nagsabi: “Pag-ibig sa Diyos ang isa sa magagandang tradisyonal na katangian na ikinintal sa mga tao. Kaya kapag ibinabahagi namin sa kanila ang mensahe ng Bibliya, tumutugon sila rito.”
Sinabi ni Davit Samkharadze, na naglilingkod bilang instruktor sa School for Kingdom Evangelizers: “Kapag nagsimulang mag-aral ng Bibliya ang isa, kadalasang kumokontra ang mga kamag-anak at kapitbahay niya. Sa halip na mapahinto nila ang estudyante sa pag-aaral ng Bibliya, marami sa kanila ang kadalasang nahihikayat na mag-aral ng Bibliya!”
Habang lumalaganap ang mensahe ng Kaharian, binago nito ang buhay ng marami. Noong Abril 1999, dahil sa espirituwal na pagsulong, isang bagong peak na 36,669 ang dumalo sa Memoryal.
“Maraming Sumasalansang”
May kinalaman sa gawaing pangangaral sa sinaunang Efeso, sumulat si apostol Pablo: “Isang malaking pinto na umaakay sa gawain ang binuksan sa akin, ngunit maraming sumasalansang.” (1 Cor. 16:9) Malinaw na inilalarawan nito ang sitwasyon na nakaharap ng mga Saksi sa Georgia ilang buwan lang matapos ang mahalagang pangyayari noong Memoryal ng 1999.
Noong Agosto ng taóng iyon, nag-rally sa Tbilisi ang
mga miyembro ng ekstremistang grupo ng mga Ortodokso na pinangungunahan ng pinatalsik na paring si Vasili Mkalavishvili, at hayagang sinunog ang ating literatura. Ito ang nagpasimula ng isang yugto ng pag-uusig na tumagal nang apat na taon.Noong Oktubre 17, 1999, nagtipon ng mga 200 mang-uumog ang ilang panatiko sa relihiyon at ginulo ang isang pagpupulong sa Gldani Congregation sa Tbilisi. Gamit ang mga pamalong kahoy at krus na bakal, sinalakay nila ang mga naroroon, anupat ang ilang Saksi ay naospital.
Nakalulungkot, hindi naaresto ang mga sumalakay, kaya nagpatuloy ang mga pagsalakay laban sa mga Saksi. Matinding kinondena ng ilang opisyal ng gobyerno, kasama na si Pangulong Shevardnadze, ang mararahas na pagsalakay na iyon, pero walang ginawang aksiyon. Ang totoo, karaniwang tapos na ang pagsalakay bago dumating ang mga pulis.
Halos kasabay nito, pinasimulan ng isang miyembro ng parlamento ng Georgia, si Guram Sharadze, ang walang-katulad na kampanya laban sa mga Saksi. Inakusahan niya ng pagiging mapanganib ang mga Saksi. Waring lumipas na ang “kaayaayang panahon” para sa pangangaral ng mabuting balita.
Tumugon sa Pagsalansang ang Organisasyon ni Jehova
Agad na tumugon ang organisasyon ni Jehova sa pangangailangan ng mga Saksi sa Georgia. Ang mga kapatid ay tumanggap ng maibiging tagubilin kung ano ang gagawin kapag sinalakay sila. At ipinaalaala sa kanila ang mga dahilan bakit kung minsan ay nagbabata ng pag-uusig ang tunay na mga Kristiyano.—2 Tim. 3:12.
Bukod diyan, kumuha ng legal na mga hakbang ang organisasyon ni Jehova para ipagtanggol sa korte ang ating mga kapatid. Natatandaan ng isang brother na naglingkod sa Legal Department sa sangay sa Georgia: “Sa loob ng apat na taóng iyon, nagsampa kami ng mahigit 800 reklamo laban sa mga ginawa ng grupo ni Vasili Mkalavishvili. Humingi kami ng tulong sa mga opisyal at sa mga organisasyon ng mga karapatang pantao. Ang pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova ay naglunsad ng malawakang kampanya sa publiko, pero hindi rin huminto ang mga pagsalakay.”^ par. 30 Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pakikipaglaban natin sa korte para kilalanin ang ating karapatan, tingnan ang Gumising! ng Enero 22, 2002, pahina 18-24.