BAHAGI 2
Mula sa Baha Hanggang sa Paglaya sa Ehipto
Wawalong tao ang nakaligtas sa Baha, pero sa katagalan ay dumami rin sila. 352 taon pagkaraan ng Baha, isinilang si Abraham. Si Abraham ay binigyan ng Diyos ng anak na lalaki na nagngangalang Isaac. Sa dalawang anak ni Isaac, si Jacob ang pinili ng Diyos.
Napoot ang 10 anak ni Jacob sa bunso nilang kapatid na si Jose kaya ipinagbili ito bilang alipin sa Ehipto. Sa dakong huli, naging mahalagang pinuno ng Ehipto si Jose. Nang magkaroon ng matinding gutom, lumipat sa Ehipto ang buong pamilya ni Jacob, ang mga Israelita. Ito’y 290 taon pagkaraang isilang si Abraham.
Nang mamatay si Jose, naging alipin ang mga Israelita sa Ehipto. Ipinanganak si Moises, at ginamit siya ng Diyos para iligtas ang mga Israelita sa Ehipto. 215 taóng tumira ang mga Israelita sa Ehipto. 857 taon ng kasaysayan ang saklaw ng Bahaging DALAWA.