Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KUWENTO 71

Nangako ang Diyos ng Isang Paraiso

Nangako ang Diyos ng Isang Paraiso

MARAHIL ay ganito ang paraiso na ipinakita ng Diyos kay propeta Isaias. Nabuhay si Isaias hindi matagal pagkaraan ni Jonas.

Ang paraiso ay nangangahulugan ng “hardin” o “parke.” Hindi ba ito nagpapaalaala sa iyo sa magandang hardin na ginawa ng Diyos na Jehova para kina Adan at Eba? Balang araw ang buong lupa ay magiging isang paraiso.

Sinabi ni Jehova kay propeta Isaias na sumulat tungkol sa bagong paraiso. Sinabi niya: ‘Ang mga lobo at tupa ay mamumuhay nang sama-sama. Ang mga guya at batang leon ay kakaing magkakasama, at maliliit na bata ang mag-aalaga sa kanila.’

Sa palagay ng iba ay hindi ito maaaring mangyari. Sabi nila lagi daw may gulo sa lupa, at laging magiging ganito.

Pero tandaan, inilagay ng Diyos sina Adan at Eba sa paraiso. Sumuway lang sila kaya nila naiwala ang kanilang magandang tahanan. Nangangako ang Diyos sa mga taong umiibig sa kaniya na ibibigay niya sa kanila ang iniwala nina Adan at Eba.

Sa darating na paraiso, lahat ay magiging malusog at maligaya. Ayon iyon sa layunin ng Diyos sa pasimula. Malalaman pa natin kung papaano gagawin ito ng Diyos.