Ang Pangalan ng Diyos at ang mga Tagapagsalin ng Bibliya
Ang Pangalan ng Diyos at ang mga Tagapagsalin ng Bibliya
MAAGA noong ikalawang siglo, nang mamatay na ang huli sa mga apostol, nagsimula ang paghiwalay sa pananampalatayang Kristiyano na inihula ni Jesus at ng kaniyang mga tagasunod. Ang paganong mga pilosopya at doktrina ay sumingit sa kongregasyon; bumangon ang mga sekta at pagkakabaha-bahagi, at ang dating dalisay na pananampalataya ay nahaluan. Ang pangalan ng Diyos ay hindi na ginamit.
Samantalang lumalaganap ang apostatang pagka-Kristiyanong ito, kinailangan na ang Bibliya sa orihinal na Hebreo at Griego ay mapasalin sa mga ibang wika. Papaano ba isinalin ng mga tagapagsalin ang pangalan ng Diyos? Kadalasan, kanilang ginagamit ang katumbas ng “Panginoon.” Totoong popular noon ang Latin Vulgate, ang Bibliyang isinalin ni Jerome sa araw-araw na Latin. Sa pagsasalin, ang Tetragrammaton (YHWH) ay hinalinhan ni Jerome ng Dominus, “Panginoon.”
Sa wakas, mga bagong wika, tulad baga ng Pranses, Ingles at Kastila, ang bumangon sa Europa. Subali’t hinadlangan ng Iglesya Katolika ang pagsasalin ng Bibliya sa mga bagong wikang ito. Samantalang ang mga Judio na gumagamit ng Bibliya sa orihinal na wikang Hebreo ay tumangging bigkasin ang pangalan ng Diyos pagka nakita nila iyon, karamihan ng “Kristiyano” ay nakinig sa pagbasa sa Bibliya sa mga saling Latin na di gumagamit ng pangalan.
Dumating ang panahon na ang pangalan ng Diyos ay muli na namang ginamit. Noong 1278 ay lumitaw iyon sa Latin sa akdang Pugio fidei (Balaraw ng Pananampalataya), ni Raymundus Martini, isang mongheng Kastila. Ang ispeling na Yohoua a ang ginamit ni Raymundus Martini. Pagkatapos, noong 1303, tinapos ni Porchetus de Salvaticis ang isang akda na pinamagatang Victoria Porcheti adversus impios Hebraeos (Ang Tagumpay ni Porchetus Laban sa Balakyot na mga Hebreo). Dito’y binanggit din niya ang pangalan ng Diyos, at iba’t-iba ang ispeling, Iohouah, Iohoua at Ihouah. Noong 1518, si Petrus Galatinus ay naglathala ng isang akda na pinamagatang De arcanis catholicae veritatis (Tungkol sa mga Lihim ng Pansansinukob na Katotohanan) at doo’y Iehoua ang kaniyang ispeling sa pangalan ng Diyos.
b at sa isang tala sa edisyong ito sumulat siya: “Iehovah ang pangalan ng Diyos . . . Tuwing makikita mo ang PANGINOON sa malalaking titik (maliban kung nagkamali sa paglimbag) ito sa Hebreo ay Iehovah.” Ito ang pinarisan ng kaugalian na paggamit sa pangalang Jehova sa basta mga ilang talata lamang at “PANGINOON” o “DIYOS” sa karamihan ng mga lugar na katatagpuan sa Tetragrammaton sa tekstong Hebreo.
Ang pangalan ay unang lumitaw sa isang Bibliyang Ingles noong 1530, nang si William Tyndale ay maglathala ng isang salin ng unang limang aklat ng Bibliya. Dito’y kaniyang isinali ang pangalan ng Diyos, na ang karaniwang ispeling ay Iehouah, sa maraming talata,Noong 1611 ay inilathala ang Authorized Version, na naging pinakamalaganap na saling Ingles. Dito ay lumilitaw ang pangalan nang makaapat na beses sa apat na teksto. (Exodo 6:3; Awit 83:18; Isaias 12:2; 26:4) Ang “Jah,” isang maikling anyo ng pangalan, ay nasa Awit 68:4. Ang pangalan ay lumilitaw nang buo sa mga pangalan ng lugar na gaya baga ng “Jehovah-jireh.” (Genesis 22:14; Exodo 17:15; Hukom 6:24) Gayunman, sa pagtulad kay Tyndale, malimit na ang pangalan ng Diyos ay pinapalitan ng mga tagapagsalin ng “PANGINOON” o “DIYOS.” Kung ang pangalan ng Diyos ay lumilitaw sa apat na talata, bakit hindi lumilitaw ito sa lahat ng iba pang libu-libong talata na kinaroroonan nito sa orihinal na Hebreo?
Ganiyan din ang nangyayari noon sa wikang Aleman. Noong 1534 ay inilathala ni Martin Luther ang kaniyang buong salin ng Bibliya, na ibinatay niya sa orihinal na mga wika. Hindi niya isinali ang pangalan ng Diyos kundi pinalitan niya ito ng mga salita na gaya ng HERR (“PANGINOON”). Datapuwa’t, may kabatiran siya sa banal na pangalan, sapagka’t sa pagsesermon niya noong 1526 tungkol sa Jeremias 23:1-8, sinabi niya: “Ang pangalang ito na Jehova, Panginoon, ay bukud-tanging taglay ng tunay na Diyos.”
Noong 1543 tahasang isinulat ni Luther: “Na sila [ang mga Judio] ay nagdadahilan ngayon na hindi maaaring bigkasin ang pangalang Jehova, ito’y nagpapakilalang hindi nila alam ang kanilang sinasabi . . . Kung yao’y naisusulat ng pluma at tinta, bakit ba iyon hindi dapat bigkasin, na lalong mainam kaysa pagkasulat ng pluma at tinta? Bakit hindi nila sinasabing iyon ay hindi maaaring isulat, basahin o Exodo 6:3.
pag-isipan? Kung gayon, napakasamâ ang ginawa nila.” Subali’t, sa kaniyang pagsasalin sa Bibliya ay hindi itinuwid ni Luther ang bagay na iyan. Nguni’t, nang magtagal, ang pangalan ay nasa mga ibang Bibliyang Aleman sa teksto ngNang sumunod na mga siglo, ang mga tagapagsalin ng Bibliya ay lumakad sa isa sa dalawang daan. Ang iba’y umiwas sa kahit bahagyang paggamit sa pangalan ng Diyos, samantalang malayang ginamit ito ng iba sa Kasulatang Hebreo, sa anyong Jehova o sa anyong Yahweh. Pag-usapan natin ang dalawang salin na umiwas sa pangalan at tingnan kung bakit ginawa ito, ayon na rin sa mga tagapagsalin.
Kung Bakit Nila Hinalinhan
Nang si J. M. Powis Smith at Edgar J. Goodspeed ay lumikha ng isang modernong salin ng Bibliya noong 1935, nasumpungan ng mga mambabasa na sa karamihan ng lugar ay PANGINOON at DIYOS ang inihalili sa pangalan ng Diyos. Ipinaliwanag ito sa paunang-salita: “Sa saling ito ay sinunod namin ang tradisyon ng mga sinaunang Judio at ang pangalang ‘Yahweh’ ay hinalinhan ng ‘ang Panginoon’ at ‘ang Panginoong Yahweh’ ay hinalinhan ng ‘ang Panginoong Diyos.’ Sa lahat ng kaso na kung saan ang orihinal na ‘Yahweh’ ay hinalinhan ng ‘Panginoon’ o ‘Diyos,’ maliliit na letrang kapital ang ginagamit.”
Pagkatapos, kabaligtaran ng tradisyon ng mga Judio na ang basa ay YHWH nguni’t “Panginoon” ang bigkas roon, ang paunang salita ay nagsasabi: “Sinuman, samakatuwid, na ibig mapanatili ang pinaka-linamnam ANGINOON o DIYOS ay kailangang basahin iyon ng ‘Yahweh’”!
ng orihinal na teksto, kailanma’t makikita niya ang PSa pagkabasa nito, sumasa-isip agad ang tanong na: Kung sa pagbasa ng “Yahweh” sa halip na “PANGINOON” ay napananatili ang “pinaka-linamnam ng orihinal na teksto,” bakit hindi ginamit ng mga tagapagsalin ang “Yahweh” sa kanilang salin? Bakit ‘inihalili’ nila ang salitang “PANGINOON” sa pangalan ng Diyos at sa gayo’y tinakpan ang pinaka-linamnam ng orihinal na teksto?
Ang sabi ng mga tagapagsalin ay sinusunod daw nila ang tradisyon ng mga sinaunang Judio. Matalino ba iyan para sa isang Kristiyano? Tandaan, ang mga Fariseo, ang mga tagapag-ingat ng tradisyon ng mga sinaunang Judio, ang tumanggi kay Jesus at sinabihan niya: “Niwalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos dahilan sa inyong tradisyon.” (Mateo 15:6) Pinahihina ang Salita ng Diyos ng gayong paghahalili.
Noong 1952 ang Revised Standard Version ng Kasulatang Hebreo ay inilathala sa Ingles, at sa Bibliyang ito ay hinalinhan din ang pangalan ng Diyos. Ito’y kapuna-puna sapagka’t sa orihinal na American Standard Version, na dito ibinatay ang rebisadong salin, ang pangalang Jehova ay ginagamit sa buong Kasulatang Hebreo. Kaya, ang pag-aalis sa pangalan ay kapuna-puna. Bakit ginawa iyon?
Sa paunang-salita sa Revised Standard Version, ating mababasa: “Dalawa ang dahilan ng Komite sa pagbabalik sa lalong pamilyar na gamit ng King James Version [ang pag-aalis sa pangalan ng Diyos]: (1) ang salitang ‘Jehova’ ay hindi wastong kumakatawan sa ano mang anyo ng Pangalan na ginagamit sa Hebreo; at (2) ang paggamit ng pantanging pangalan para sa kaisa-isa at tanging Diyos, na para bang mayroong mga iba pang diyos, ay inihinto sa Judaismo bago ng panahong Kristiyano at talagang hindi angkop sa pansansinukob na pananampalataya ng Iglesya Kristiyana.”
Ito ba’y makatuwiran? Binanggit na sa una pa na ang pangalang Jesus ay hindi wastong kumakatawan sa orihinal na anyo ng pangalan ng Anak ng Diyos na ginagamit ng kaniyang mga tagasunod. Subali’t ito’y hindi nagtulak sa Komite upang huwag gamitin ang pangalang iyan at ang gamitin sa halip ay isang titulo na gaya baga ng “Tagapamagitan” o “Kristo.” Totoo, ginagamit ang mga titulong ito, nguni’t bilang karagdagan sa pangalang Jesus, hindi panghalili roon.
Sa argumento na walang ibang mga diyos maliban sa tunay na Diyos, hindi iyan totoo. Mayroong angaw-angaw na mga diyos na sinasamba ang mga tao. Sinabi ni apostol Pablo: “May maraming ‘mga diyos.’” (1 Corinto 8:5; Filipos 3:19) May iisa lamang tunay na Diyos, gaya ng sinasabi pa ni Pablo. Kaya, ang isang malaking bentaha sa paggamit sa pangalan ng tunay na Diyos ay na ibinubukod siya nito sa lahat ng huwad na mga diyos. Kung ang paggamit sa pangalan ng Diyos ay “talagang hindi angkop,” bakit lumilitaw ito nang halos 7,000 beses sa orihinal na Kasulatang Hebreo?
Maraming tagapagsalin ang naniniwala na ang pangalan, na may modernong bigkas, ay may wastong dako sa Bibliya. Kanilang isinali ito sa kanilang mga bersiyon, at ang resulta’y isang salin na nagbibigay ng higit na karangalan sa Autor ng Bibliya at mas malapit sa orihinal na teksto. Ang ilang malaganap na mga bersiyong katatagpuan ng pangalan ay ang saling Valera (Kastila, lathala noong 1602), ang bersiyong Almeida (Portuges, lathala noong 1681), ang orihinal na bersiyong Elberfelder
(Aleman, lathala noong 1871), pati ang American Standard Version (Ingles, lathala noong 1901). Ang mga ilang salin, lalo na ang The Jerusalem Bible, ay magkakatugma rin sa paggamit sa pangalan ng Diyos nguni’t ang ispeling ay Yahweh.Basahin ngayon ang komento ng mga ilang tagapagsalin na sa kanilang salin ay isinali ang pangalan at ihambing ang kanilang pangangatuwiran sa mga nag-alis naman ng pangalan.
Kung Bakit Isinali ng mga Iba ang Pangalan
Ganito ang komento ng mga tagapagsalin ng American Standard Version ng 1901: “[Ang mga tagapagsalin] ay nagkakaisang naniniwala na ang isang pamahiing Judio, na nagtuturing na napakasagrado ang Banal na Pangalan upang bigkasin, ay hindi na dapat mangibabaw sa Ingles o sa ano mang ibang bersiyon ng Matandang Tipan . . . Ang Alaalang Pangalang ito, na ipinaliliwanag sa Ex. iii. 14, 15, at idiniriin nang paulit-ulit sa orihinal na teksto ng Matandang Tipan, ay nagpapakilala sa Diyos bilang ang personal na Diyos, ang nakikipagtipang Diyos, ang Diyos na nagsisiwalat, ang Manunubos, ang Kaibigan ng kaniyang bayan . . . Ang personal na pangalang ito, na sagana sa banal na kaugnayan, ay isinasauli na ngayon sa sagradong teksto sa dako na talagang kinauukulan nito.”
Sa paunang-salita ng orihinal na Alemang Elberfelder Bibel ating mababasa: “Jehova. Aming pinanatili ang pangalang ito ng Nakikipagtipang Diyos ng Israel sapagka’t ang mambabasa ay nabihasa na rito sa loob ng maraming taon.”
Si Steven T. Byington, tagapagsalin ng The Bible in Living English, ay ganito ang paliwanag sa kung bakit ginamit niya ang pangalan ng Diyos: “Ang ispeling at ang bigkas ay hindi lubhang mahalaga. Ang lubhang mahalaga ay ang maliwanagan na ito’y isang personal na pangalan. Mayroong mga teksto na hindi wastong mauunawaan kung ang pangalang ito ay isasalin natin sa karaniwang pangngalan na gaya ng ‘Panginoon,’ o, lalong masama, sa isang pangngalang pang-uri [halimbawa, ang Walang-Hanggan].”
Ang tungkol sa isa pang salin, yaong kay J. B. Rotherham ay interesante. Kaniyang ginamit ang pangalan ng Diyos sa kaniyang salin nguni’t yaong anyong Yahweh. Datapuwa’t, sa kaniyang Studies in the Psalms, na lathala noong 1911, siya’y bumalik sa anyong Jehova. Bakit? Ipinaliwanag niya: “JEHOVAH.—Ang paggamit sa anyong Ingles ng Alaalang pangalan (Exo. 3:18) sa kasalukuyang bersiyon ng Mga Awit ay hindi dahil sa ano mang alinlangan na ang lalong tamang bigkas ay Yahwéh; kundi tanging sa praktikal na ebidensiyang personal na pinili tungkol sa hangarin na makipag-ugnayan sa pangmadlang pandinig at paningin sa ganitong uri ng bagay, na kung saan ang pangunahin ay ang madaling pagkakilala sa dapat makilalang Banal na pangalan.”
Sa Awit 34:3 ang mga sumasamba kay Jehova ay tinatawagan: “Oh dakilain ninyo si Jehova kasama ko, kayong mga tao, at sama-sama tayong magbunyi ng kaniyang pangalan.” Paanong ang mga mambabasa ng mga salin ng Bibliya na nag-alis sa pangalan ng Diyos ay makatutugong lubusan sa panawagang iyan? Ikinalulugod ng mga Kristiyano na mayroong ilang tagapagsalin na may lakas ng loob na isali ang pangalan ng Diyos sa kanilang isinaling Hebreong Kasulatan, at kanilang napananatili ang tinatawag ni Smith at Goodspeed na “pinaka-linamnam ng orihinal na teksto.”
Kahit na pinapanatili ng karamihan ng tagapagsalin ang pangalan ng Diyos sa Kasulatang Hebreo, kanilang inalis iyon sa Kasulatang Griego Kristiyano, ang “Bagong Tipan.” Bakit? May katuwiran bang mapalagay sa huling bahaging ito ng Bibliya ang pangalan ng Diyos?
[Mga talababa]
a Subali’t, sa mga limbag ng akdang ito makalipas ang mga ilang siglo ay Jehova ang ispeling ng banal na pangalan.
b Genesis 15:2; Exodo 6:3; 15:3; 17:16; 23:17; 33:19; 34:23; Deuteronomio 3:24. Ang pangalan ng Diyos ay isinali rin ni Tyndale sa Ezekiel 18:23 at 36:23, sa kaniyang mga salin na idinagdag sa dulo ng The New Testament, Antwerp, 1534.
[Blurb sa pahina 17]
Sa apat na talata lamang pinanatili ng mga tagapagsalin ng Authorized Version ang pangalan ng Diyos, na Jehova, at DIYOS at PANGINOON ang inihalili rito sa lahat ng iba pang mga talata
[Blurb sa pahina 22]
Kung ang paggamit sa pangalan ng Diyos ay “talagang hindi angkop,” bakit lumilitaw ito nang halos 7,000 beses sa orihinal na tekstong Hebreo?
[Kahon/Mga larawan sa pahina 21]
Pagkapoot sa Pangalan ng Diyos?
Sa ngayon, walang salin ang Bibliya sa wikang Afrikaans (wika ng mga Timog Aprikano na may mga ninunong Olandes) na may pangalan ng Diyos. Kataka-taka ito, sapagka’t maraming salin sa mga wika ng tribo sa bansang iyan ang malayang gumagamit sa pangalan. Tingnan natin kung paano ito nangyari.
Noong Agosto 24, 1878, sa pulong ng Samahan ng mga Tunay na Aprikano (G.R.A.) ay hiniling na isalin ang Bibliya sa wikang Afrikaans. Makalipas ang anim na taon ay muling iniharap ang kahilingan, at noon ay inaprubahan na isalin buhat sa orihinal na mga wika ang Bibliya. Ang gawaing ito ay ipinagkatiwala kay S. J. du Toit, Superintindente ng Edukasyon sa Transvaal.
Sa tagubilin kay du Toit ay kasali ito: “Ang pantanging pangalan ng Panginoon, na Jehova o Jahvê, ay pabayaang ganoon at huwag isasalin [huwag hahalinhan ng Panginoon o Diyos] saanman.” Si S. J. du Toit ay nagsalin ng pitong aklat ng Bibliya sa Afrikaans, at saanman ay makikita roon ang pangalang Jehova.
Dati, sa mga ibang lathalain sa Timog Aprika ay makikita rin ang pangalan ng Diyos. Halimbawa, sa De Korte Catechismus (Ang Maikling Katesismo), ni J. A. Malherbe, 1914, ay sinasabi: “Ano ba ang kataastaasang Pangalan ng Diyos?” Ang sagot? “Jehova, na sa mga ating mga Bibliya ay isinulat na PANGINOON sa malalaking titik. Ito [ang pangalan] ay hindi kailanman ibinigay sa kanino mang nilalang.”
Sa Die Katkisasieboek (isang katesismo na lathala ng Federated Sunday School Commission of the Dutch Reformed Church sa Timog Aprika) ganito ang tanong: “Hindi na ba natin magagamit ang pangalang Jehova o PANGINOON? Iyan ang ginagawa ng mga Judio . . . Hindi iyan ang kahulugan ng utos. . . . Maaari nating gamitin ang kaniyang Pangalan, nguni’t hindi sa walang kabuluhan.” Kamakailan, sa mga kopya ng Die Halleluja (isang himnaryo) ay makikita rin ang pangalang Jehova sa mga ilang himno.
Subali’t, ang salin ni du Toit ay hindi popular, at noong 1916 humirang ng isang Komisyon para sa Pagsasalin ng Bibliya para mangasiwa sa pagyari ng isang Bibliyang Afrikaans. Naging patakaran ng Komisyong ito ang alisin sa Bibliya ang pangalan ni Jehova. Noong 1971 ang Bible Society of South Africa ay naglathala ng isang “pansamantalang salin” ng mga ilang aklat ng Bibliya sa Afrikaans. Bagaman ang pangalan ng Diyos ay binanggit sa introduksiyon, iyon ay hindi ginamit sa teksto ng salin. Noong 1979 may isang bagong salin ng “Bagong Tipan” at ng Mga Awit nguni’t inalis din doon ang pangalan ng Diyos.
Sapol noong 1970 ang pangalang Jehova ay inalis din sa Die Halleluja. At sa ikaanim na limbag ng rebisadong edisyon ng Die Katkisasieboek, na lathala ng Dutch Reformed Church sa Timog Aprika, ay inalis na rin ngayon ang pangalan.
Hindi lamang sa mga aklat sinisikap alisin ang pangalang Jehova. Isang simbahan ng Dutch Reformed Church sa Paarl ang dati’y may nakaukit sa batong-panulok na mga salitang JEHOVA JIREH (“Si Jehova ay Maglalaan”). Isang larawan ng simbahang ito at ng batong-panulok ang napalathala sa labas noong Oktubre 22, 1974 ng magasing Gumising! sa wikang Afrikaans. Ngayon, ang batong-panulok ay hinalinhan na ng iba na may pananalitang DIE HERE SAL VOORSIEN (“Ang PANGINOON ay Maglalaan”). Ang sinitas na teksto at ang petsa ay hindi binago, nguni’t inalis ang pangalang Jehova.
Kaya, maraming Aprikano ngayon ang hindi nakakakilala sa pangalan ng Diyos. Ang mga nakakaalam naman na kasapi sa relihiyon ay umiiwas sa paggamit nito. May mga tumututol din, at sinasabing ang pangalan ng Diyos ay PANGINOON at sinasabing inimbento lamang ng mga Saksi ni Jehova ang pangalang Jehova.
[Mga larawan]
Isang simbahan ng Dutch Reformed Church sa Paarl, Timog Aprika. Dati, ang pangalang Jehova ay nakaukit sa batong-panulok (kanan sa itaas). Pagtatagal, ito’y hinalinhan (kaliwa sa itaas)
[Larawan sa pahina 18]
Ang pangalan ng Diyos sa anyong Yohoua ay lumitaw noong 1278 sa akdang Pugio fidei na makikita sa manuskritong ito (petsa ay ika-13 o ika-14 na siglo) na nasa Ste. Geneviève library, Paris, Pransiya (folio 162b)
[Larawan sa pahina 19]
Sa kaniyang salin ng unang limang aklat ng Bibliya, na inilathala noong 1530, ang pangalan ng Diyos ay pinanatili ni William Tyndale sa Exodo 6:3. Sa isang tala sa salin ay ipinaliwanag ang kaniyang paggamit sa pangalan
[Credit Line]
(Ang larawan ay sa kagandahang-loob ng American Bible Society Library, New York)