Bakit Kailangang Makilala Natin ang Pangalan ng Diyos
Bakit Kailangang Makilala Natin ang Pangalan ng Diyos
“ANG lahat ng nagsisitawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.” (Roma 10:13) Dito idiniin ni apostol Pablo kung gaano kahalaga na makilala natin ang pangalan ng Diyos. Tayo’y ibinabalik nito sa unang tanong natin: Bakit ang ‘pagsamba,’ o ‘pagbanal,’ sa pangalan ng Diyos ay inilagay ni Jesus sa mismong unahan ng kaniyang Modelong Panalangin, una sa marami pang importanteng mga bagay? Tungkol dito, kailangang maunawaan natin nang higit pa ang kahulugan ng dalawang pangunahing salita.
Una, anong talaga ang ibig sabihin ng salitang ‘sambahin,’ o “pakabanalin”? Ang literal na kahulugan ay: “gawing banal.” Nguni’t hindi baga banal naman ang pangalan ng Diyos? Oo. Pagka pinakabanal natin ang pangalan ng Diyos, wala tayong naidaragdag na kabanalan doon. Kundi ating kinikilala na iyon ay banal, itinatangi iyon, labis na pinahahalagahan. Sa pagdalangin natin na pakabanalin nawa ang pangalan ng Diyos, inaasam-asam natin ang panahon na ito’y igagalang ng lahat ng nilalang.
Ikalawa, ano bang talaga ang ipinahihiwatig ng salitang “pangalan”? Napag-alaman natin na ang Diyos ay may pangalan, Jehova, at libu-libong beses lumilitaw sa Bibliya ang kaniyang pangalan. Tinalakay natin ang kahalagahan ng pagsasauli ng pangalang iyan sa wastong dako ng teksto ng Bibliya. Kung wala rito ang pangalan, paano matutupad ang mga salita ng salmista: “Silang nakakaalam ng iyong pangalan ay magtitiwala sa iyo, sapagka’t hindi mo pababayaan yaong mga nagsisihanap sa iyo, Oh Jehova.”—Awit 9:10.
Nguni’t ang ‘pagkaalam ba ng pangalan ng Diyos’ ay pagkaalam lamang na ang pangalan ng Diyos sa Hebreo ay YHWH, o sa Tagalog ay Jehova? Hindi, kundi higit pa riyan. Nang naroon si Moises sa Bundok ng Sinai, “Si Jehova ay bumaba sa ulap at tumayong kasama [ni Moises] roon at ipinahayag ang pangalan ni Jehova.” Ano ba ang kasali sa pagpapahayag na ito ng pangalan ni Jehova? Ang pagbanggit sa kaniyang mga katangian: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-awa at katotohanan.” (Exodo 34:5, 6) Muli, nang malapit nang mamatay si Moises, sinabi niya sa mga Israelita: “Aking ipahahayag ang pangalan ni Jehova.” Ano ang sumunod? Binanggit ang ilan sa Kaniyang mga dakilang katangian, at saka inilahad ang naisagawa ng Diyos alang-alang sa Kaniyang pangalan may kaugnayan sa Israel. (Deuteronomio 32:3-43) Kaya, ang pagkaalam sa pangalan ng Diyos ay nangangahulugan ng pagkaalam kung ano ang kinakatawan ng pangalang iyon at ng pagsamba sa Diyos na may gayong pangalan.
Yamang ang pangalan ni Jehova ay kaugnay ng kaniyang mga katangian, layunin at gawa, nakikita natin kung bakit sinasabi ng Bibliya na ang pangalan ng Diyos ay banal. (Levitico 22:32) Ito’y marilag, dakila, kakilakilabot at pagkataas-taas. (Awit 8:1; 99:3; 148:13) Oo, hindi basta pangalan lamang ang pangalan ng Diyos. Hindi iyon pansamantalang pangalan na gagamitin sa sandaling panahon at pagkatapos ay hahalinhan ng titulo na gaya ng “Panginoon.” Sinabi ni Jehova kay Moises: “‘Jehova . . .’ Ito ang aking pangalan magpakailanman, at ito ang aking pinaka-alaala sa lahat ng sali’t-saling-lahi.”—Exodo 3:15.
Hindi malilipol ng tao ang pangalan ng Diyos sa lupa, pag-ubusan man ng lakas. “‘Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga bansa, at sa bawa’t dako ay hahandugan ng kamangyan, hahandugan ng dalisay na handog ang aking pangalan; sapagka’t ang pangalan ko ay magiging dakila sa gitna ng mga bansa,’ sabi ni Jehova ng mga hukbo.”—Malakias 1:11; Exodo 9:16; Ezekiel 36:23.
Ang pagbanal sa pangalan ng Diyos ang pinakamahalaga sa lahat. Lahat ng layunin ng Diyos ay kaugnay ng kaniyang pangalan. Pumasok ang mga problema sa sangkatauhan nang unang lapastanganin ni Satanas ang pangalan ni Jehova nang tawagin Siya, sa pinaka-diwa, na isang sinungaling at hindi karapat-dapat mamahala sa lahi ng sangkatauhan. (Genesis 3:1-6; Juan 8:44) Pagka lamang naipagbangong-puri na ang pangalan ng Diyos matutubos ang tao sa nakapinsalang mga epekto ng kasinungalingan ni Satanas. Kaya labis-labis na idinadalangin ng mga Kristiyano na pakabanalin nawa ang pangalan ng Diyos. Ikaw man ay may magagawa rin upang pakabanalin ito.
Paano Natin Mapagiging Banal ang Pangalan ng Diyos?
Ang isa’y ang kausapin mo ang iba tungkol kay Jehova at ibalita na ang kaniyang Kaharian sa ilalim ni Kristo Jesus ang tanging pag-asa ng tao. (Apocalipsis 12:10) Marami ang gumagawa nito, bilang katuparan ngayon ng hula ni Isaias: “Sa araw na iyon ay tiyak na sasabihin ninyo: ‘Magpasalamat kayo kay Jehova, kayong mga tao! Kayo’y magsitawag sa kaniyang pangalan. Itanyag ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa. Sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay dakila. Magsiawit kayo kay Jehova, sapagka’t siya’y gumawa ng higit na maririlag na bagay. Ito’y ipinaáalám sa buong lupa.’”—Isaias 12:4, 5.
Ang isa pa’y ang sundin ang mga batas at kautusan ng Diyos. Sinabi ni Jehova sa bansang Israel: “Inyong iingatan ang aking mga utos at tutuparin. Ako ay si Jehova. At huwag ninyong lalapastanganin ang aking banal na pangalan, at ako’y sasambahin sa gitna ng mga anak ni Israel. Ako ay si Jehova na nagpapaging banal sa inyo.”—Levitico 22:31, 32.
Paanong ang pag-iingat ng mga Israelita ng Kautusan ni Jehova ay nagpabanal sa kaniyang pangalan? Ang Kautusan ay ibinigay sa mga Israelita salig sa kaniyang pangalan. (Exodo 20:2-17) Kaya, sa pagsunod nila sa Kautusan, sila’y wastong nagpaparangal at gumagalang sa pangalang iyan. At, ang pangalan ni Jehova ay taglay ng mga Israelita bilang isang bansa. (Deuteronomio 28:10; 2 Cronica 7:14) Pagka wasto ang ikinikilos nila, ito’y nagdadala ng kapurihan sa kaniya, gaya ng isang anak na pagka wasto ang ikinilos ay nagdadala ng kapurihan sa kaniyang ama.
Nguni’t, pagka ang mga Israelita ay hindi sumunod sa Kautusan ng Diyos, yao’y paglapastangan sa kaniyang pangalan. Sa gayon, ang paghahandog sa mga idolo, panunumpa ng kasinungalingan, pang-aapi sa dukha at pakikiapid ay tinutukoy sa Bibliya na ‘paglapastangan sa pangalan ng Diyos.’—Levitico 18:21; 19:12; Jeremias 34:16; Ezekiel 43:7.
Ang mga Kristiyano ay binigyan din ng Juan 8:28) At sila’y ‘isang bayan ukol sa pangalan ni Jehova.’ (Gawa 15:14) Kaya, ang Kristiyano na taimtim na dumadalanging, “Sambahin nawa ang pangalan mo” ay sasamba sa pangalang iyan sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng utos ng Diyos. (1 Juan 5:3) Kasali rito ang pagsunod sa mga utos buhat sa Anak ng Diyos, si Jesus, na laging lumuluwalhati sa kaniyang Ama.—Juan 13:31, 34; Mateo 24:14; 28:19, 20.
mga utos salig sa pangalan ng Diyos. (Nang gabing bago siya patayin, sa mga Kristiyano’y idiniin ni Jesus ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos. Matapos sabihin sa kaniyang Ama: “Ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan at ipakikilala ko,” ipinagpatuloy niya, “upang ang pag-ibig na iniyiibig mo sa akin ay suma-kanila at ako’y makaisa nila.” (Juan 17:26) Sa pagkaalam ng mga alagad sa pangalan ng Diyos ay nakilala rin nila ang pag-ibig ng Diyos. Pinapangyari ni Jesus na makilala nila ang Diyos bilang kanilang maibiging Ama.—Juan 17:3.
Ang Epekto Nito sa Iyo
Sa pulong noong unang siglo ng Kristiyanong mga apostol at nakatatandang mga lalaki sa Jerusalem, sinabi ng alagad na si Santiago: “Isinaysay na lubusan ni Simeon kung paano unang pagkakataon noon na ibinaling ng Diyos ang kaniyang pansin sa mga bansa upang kumuha sa kanila ng isang bayan ukol sa kaniyang pangalan.” Ikaw ba’y makikilala na isa sa mga kinuha ng Diyos para makasali sa “bayan ukol sa kaniyang pangalan” kung hindi mo ginagamit o taglay ang pangalang iyon?—Gawa 15:14.
Bagaman marami ang ayaw gumamit ng pangalang Jehova, at inalis sa kanilang mga salin ng maraming tagapagsalin ng Bibliya, angaw-angaw na mga tao sa buong daigdig ang malugod na tumanggap sa pribilehiyong taglayin ang pangalan ng Diyos, gamitin ito hindi lamang sa pagsamba kundi pati sa araw-araw na pakikipag-usap, at ihayag ito sa iba. Kung may nagbalita sa iyo tungkol sa Diyos ng Bibliya at ginamit ang pangalang Jehova, anong relihiyon ang sasaisip mo? May iisa lamang relihiyon na palagiang gumagamit ng pangalan ng Diyos sa kanilang pagsamba, gaya rin ng mga sumasamba sa kaniya noong una. Sila’y ang mga Saksi ni Jehova.
Ang salig-Bibliyang pangalang mga Saksi ni Jehova ay nagpapakilala sa mga Kristiyanong ito bilang isang ‘bayan ukol sa pangalan ng Diyos.’ Kanilang ipinagmamapuri na taglay nila ang pangalang iyan, sapagka’t iyan ang pangalang ibinigay ng Diyos na Jehova mismo sa mga tunay na sumasamba sa kaniya. Sa Isaias 43:10 ay mababasa natin: “‘Kayo’y aking mga saksi,’ sabi ni Jehova, ‘samakatuwid nga’y ang aking lingkod na aking pinili.’” Sino ba ang tinutukoy dito ng Diyos? Tingnan natin ang ilan sa nauunang mga talata.
Sa Isa 43 talatang 5 hanggang 7 ng kabanata ring iyan, sinasabi ni Isaias: “Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasa-iyo. Mula sa pagsikat ng araw dadalhin ko ang iyong binhi, at mula sa paglubog ng araw pipisanin kita. Sasabihin ko sa hilaga, ‘Bayaan mo!’ at sa timog, ‘Huwag mong pigilin. Dalhin mo rito ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae mula sa kadulu-duluhan ng lupa, bawa’t tinatawag sa aking pangalan at yaong aking nilikha ukol sa aking kaluwalhatian, na aking inanyuan, oo, na aking ginawa.’” Sa panahon natin, ang mga talatang iyan ay tumutukoy sa sariling bayan ng Diyos na kaniyang tinipon buhat sa lahat ng bansa upang pumuri sa kaniya at maging kaniyang mga saksi. Kaya’t ang pangalan ng Diyos ay hindi lamang nagpapakilala sa kaniya kundi ipinakikilala rin pati kaniyang mga tunay na lingkod sa lupa ngayon.
Mga Pagpapala ng Pagkakilala sa Pangalan ng Diyos
Inililigtas ni Jehova ang nagsisiibig sa Awit 91:14) Kaniya ring inaalaala sila: “Noon ang mga natatakot kay Jehova ay nagsang-usapan, bawa’t isa’y sa kasama niya, at patuloy na pinakinggan at dininig ni Jehova. At isang aklat ng alaala ang napasulat sa harap niya para sa mga natatakot kay Jehova at sa mga gumugunita sa kaniyang pangalan.”—Malakias 3:16.
kaniyang pangalan. Sinabi ng salmista: “Sapagka’t kaniyang inilagak ang pag-ibig niya sa akin, siya naman ay aking ililigtas. Aking bibigyan siya ng proteksiyon sapagka’t kaniyang nakilala ang aking pangalan.” (Hindi lamang sa buhay na ito nakikinabang tayo sa pagkakilala at pag-ibig sa pangalan ng Diyos. Sa masunuring mga tao ay nangako si Jehova ng buhay na walang-hanggan sa kaligayahan sa lupang Paraiso. Kinasihan si David na sumulat: “Ang mga manggagawa ng kasamaan ay ihihiwalay, nguni’t yaong mga umaasa kay Jehova ang magmamana ng lupa. Nguni’t ang maaamo ay magmamana ng lupain, at sila’y lubusang masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.”—Awit 37:9, 11.
Paano mangyayari ito? Sinagot ito ni Jesus. Sa Modelong Panalangin, na kung saan itinuro niya sa atin na manalanging, “Pakabanalin nawa ang pangalan mo,” isinusog pa niya: “Dumating nawa ang kaharian mo. Mangyari nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:9, 10) Oo, ang Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Jesu-Kristo ang magpapabanal sa pangalan ng Diyos at magdadala ng mabubuting kalagayan sa lupang ito. Aalisin niyaon ang kabalakyutan, digmaan, krimen, taggutom, sakit at kamatayan.—Awit 46:8, 9; Isaias 11:9; 25:6; 33:24; Apocalipsis 21:3, 4.
Buhay na walang hanggan ang maaari mong tamasahin sa ilalim ng Kahariang iyan. Paano? Kung makikilala mo ang Diyos. “Ito’y nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang pagkuha nila ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong sinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Malulugod ang mga Saksi ni Jehova na tulungan kang magkaroon ng gayong kaalaman.—Gawa 8:29-31.
Sana ang impormasyon sa brosyur na ito ay nakakumbinse sa iyo na ang Maylikha ay may personal na pangalan na napakahalaga sa kaniya. Dapat na maging napakahalaga rin sa iyo. Sana’y matanto mo ang kahalagahan ng pagkakilala at paggamit sa pangalang iyan, lalo na sa pagsamba.
At maging disidido ka sanang sabihin ang gaya ng sinabi ni propeta Mikas nang buong tapang daan-daang taon na ang lumipas: “Lahat ng bayan, sa ganang kanila, ay lalakad bawa’t isa sa pangalan ng kaniyang diyos; nguni’t kami, sa ganang amin, ay lalakad sa pangalan ni Jehova na aming Diyos hanggang sa panahong walang takda, samakatuwid nga’y magpakailanman.”—Mikas 4:5.
[Blurb sa pahina 28]
Ang ‘pagkakilala sa pangalan ng Diyos’ ay hindi lamang ang pagkaalam mo na ang pangalan niya’y Jehova
[Blurb sa pahina 30]
Ang pangalan ni Jehova ay ‘marilag, dakila, kakilakilabot at pagkataas-taas.’ Lahat ng layunin ng Diyos ay kaugnay ng kaniyang pangalan
[Kahon sa pahina 29]
Sa isang artikulo sa Anglican Theological Review (Oktubre 1959), idiniin ni Dr. Walter Lowrie ang pangangailangan na makilala ang pangalan ng Diyos. Sumulat siya: “Sa mga relasyon ng tao ay lubhang mahalaga na mapag-alaman ang pangalang pantangi, ang personal na pangalan, ng taong ating iniibig, ng ating kausap, o ng taong ating tinutukoy sa ating kausap. Ganiyan din sa relasyon ng tao sa Diyos. Ang taong hindi nakakakilala sa Diyos sa pangalan ay hindi talagang nakakakilala sa kaniya bilang isang persona, hindi niya makakausap bilang kakilala (na ito ang ibig sabihin ng panalangin), at hindi niya maiibig siya, kung ang alam niya’y isa lamang puwersa ito at hindi isang persona.”