Ano Kaya Kung Magpakamatay Na Lang Ako?
KABANATA 14
Ano Kaya Kung Magpakamatay Na Lang Ako?
Jonas 4:3, Magandang Balita Biblia.
“MABUTI pang mamatay na ako.” Sino ang nagsabi nito? Isa na hindi naniniwala sa Diyos? Isa na tumalikod sa Diyos? O isa na pinabayaan ng Diyos? Wala sa mga nabanggit. Ang nagsabi nito ay si Jonas, isang tapat na lingkod ng Diyos na nasiraan ng loob at gulung-gulo ang isip.—Hindi sinasabi ng Bibliya na nagplanong magpakamatay si Jonas. Pero ang mga sinabi niya ay nagpapakita lang na kung minsan, maging ang isang lingkod ng Diyos ay nadadaig ng sobrang kalungkutan o sama ng loob.—Awit 34:19.
Sa tindi ng kalungkutan ng ilang kabataan, ayaw na nilang mabuhay pa, gaya ni Laura, 16, na nagsabi: “Ilang taóng pabalik-balik ang depresyon ko. Madalas kong naiisip na magpakamatay.” Kung may kilala ka na nagsabing gusto niyang magpakamatay—o kung ikaw mismo ay nakakaisip nito—ano ang puwede mong gawin? Tingnan muna natin kung bakit naiisip ito ng isa.
Dahilan ng Kawalang-Pag-asa
Bakit may nakakaisip na magpakamatay? Maraming dahilan. Una, nabubuhay tayo sa “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan,” at ramdam ng maraming kabataan ang matinding pressure. (2 Timoteo 3:1) Isa pa, hindi tayo sakdal kaya ang ilan ay masyadong negatibo tungkol sa kanilang sarili at sa mga nakapaligid sa kanila. (Roma 7:22-24) Kung minsan, epekto ito ng pagmamaltrato o pang-aabuso. Ang iba naman ay maaaring may problema sa kalusugan. Kapansin-pansin na sa isang bansa, tinataya na mahigit 90 porsiyento ng mga nagpakamatay ay may sakit sa isip. a
Siyempre, walang sinuman ang libre sa problema. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na “ang buong sangnilalang Roma 8:22) Kabilang diyan ang mga kabataan. Puwedeng makaapekto nang malaki sa kanila ang masasamang pangyayari, gaya ng sumusunod:
ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama.” (● Pagkamatay ng kamag-anak, kaibigan, o alagang hayop
● Di-pagkakasundo sa pamilya
● Pagbagsak sa klase
● Pakikipag-break sa kasintahan
● Pagmamaltrato (kasama na ang pisikal at seksuwal na pang-aabuso)
Halos lahat ng kabataan ay mapapaharap sa isa o higit pang sitwasyong nabanggit. Pero bakit nakakayanan ito ng iba samantalang ang iba ay sumusuko agad? Sinasabi ng mga eksperto na ang mga kabataang gusto nang sumuko ay nag-iisip na wala nang solusyon ang kanilang problema at wala nang makakatulong sa kanila. Ayaw naman talaga nilang mamatay; gusto lang nilang matapos ang paghihirap nila.
Wala Na ba Talagang Pag-asa?
Baka may kakilala ka o kaibigan na gusto nang matapos ang paghihirap niya kaya ayaw na niyang mabuhay pa. Ano ang puwede mong gawin?
Kumbinsihin mo siyang humingi ng tulong. Ayaw man niya itong ipaalam sa iba, dapat mo itong sabihin sa isang mapagkakatiwalaang adulto. Huwag kang mag-alalang masisira ang pagkakaibigan ninyo. Ang totoo, maililigtas mo pa nga ang buhay niya!
Pero paano kung ikaw mismo ang nag-iisip na wakasan ang iyong buhay? Huwag mong sarilinin ang nararamdaman mo. Sabihin ito sa iba—sa iyong magulang, kaibigan, o sa sinumang nagmamalasakit at handang makinig. Walang mawawala sa iyo, makikinabang ka pa nga. b
Totoo, hindi naman basta mawawala ang problema mo kapag sinabi mo ito sa iba. Pero baka ito ang kailangan mo para makapag-isip kang mabuti at makahanap ng praktikal na solusyon.
Nagbabago ang mga Kalagayan
Kapag may problema, Awit 30:11.
tandaan: Gaano man ito kabigat, magbabago rin ang mga kalagayan. Ganito ang panalangin ng salmistang si David, na napaharap sa maraming problema: “Pinalitan mo ng sayawan ang aking pagdadalamhati para sa akin.”—Alam ni David na hindi lang puro “sayawan” ang buhay. Napatunayan niyang dumarating ang mga problema, pero nalulutas din. Ganiyan din ang mga problema mo, hindi ba? Totoo, baka sa umpisa ay parang hindi mo kaya ang ilan sa mga ito. Pero magtiis ka lang. Nagbabago ang mga kalagayan. Kung minsan, ang mga problema ay gumagaan nang hindi mo inaasahan. May mga pagkakataon namang bigla ka na lang makakaisip ng solusyon. Ang punto? Gaano man kabigat ang problema, panandalian lang ito.—2 Corinto 4:17.
Ang Kahalagahan ng Panalangin
Ang pinakamahalagang personang makakausap mo ay ang Diyos. Puwede kang manalanging gaya ni David, na nagsabi: “Siyasatin mo ako, O Diyos, at kilalanin mo ang aking puso. Suriin mo Awit 139:23, 24.
ako, at alamin mo ang aking mga nakababalisang kaisipan, at tingnan mo kung sa akin ay may anumang nakasasakit na lakad, at patnubayan mo ako sa daan ng panahong walang takda.”—Ang panalangin ay hindi lang basta pampagaan ng loob. Pakikipag-usap ito sa iyong Ama sa langit, na nais na ‘ibuhos mo ang iyong puso’ sa kaniya. (Awit 62:8) Pansinin ang mga katotohanang ito tungkol sa Diyos:
● Alam niya ang pinagdaraanan mo.—Awit 103:14.
● Mas kilala ka niya kaysa pagkakilala mo sa iyong sarili.—1 Juan 3:20.
● ‘Siya ay nagmamalasakit sa iyo.’—1 Pedro 5:7.
● Sa bagong sanlibutan ng Diyos, “papahirin niya ang bawat luha” sa iyong mga mata.—Apocalipsis 21:4.
Kapag May Kaugnayan sa Kalusugan ang Problema
Gaya ng nabanggit na, ang tendensiyang magpakamatay ay kadalasang nauugnay sa ilang uri ng sakit. Kung ganiyan ang kalagayan mo, huwag mahiya na humingi ng tulong. Sinabi ni Jesus na ang mga maysakit ay nangangailangan ng manggagamot. (Mateo 9:12) Mabuti na lang, maraming ganitong kondisyon ang nagagamot. Puwedeng bumuti ang pakiramdam mo kapag nagpagamot ka! c
May magandang pangako ang Bibliya—sa bagong sanlibutan ng Diyos, “walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’” (Isaias 33:24) Sinasabi ng Diyos na sa panahong iyon, “ang mga dating bagay ay hindi aalalahanin, ni mapapasapuso man ang mga iyon.” (Isaias 65:17) Pero sa ngayon, sikapin mong harapin ang mga hamon sa buhay, at magtiwala ka na darating ang panahon, aalisin ng Diyos ang kalungkutan o depresyon.—Apocalipsis 21:1-4.
MARAMI KA PANG MABABASA TUNGKOL SA PAKSANG ITO SA TOMO 2, KABANATA 9
Lahat ng tungkol sa iyo, gustong malaman ng mga magulang mo—kahit ang mga bagay na napakapersonal. Kailan ka kaya magkakaroon ng privacy?
[Mga talababa]
a Mahalagang tandaan na karamihan sa mga kabataang may sakit sa isip ay hindi naman nagpapakamatay.
b Ang mga Kristiyanong may mabigat na problema ay may iba pang mahihingan ng tulong—ang mga elder sa kongregasyon.—Santiago 5:14, 15.
c May higit pang impormasyon sa Kabanata 13 ng aklat na ito.
TEMANG TEKSTO
“Ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan.”—Filipos 4:6, 7.
TIP
Kapag nalulungkot ka, mag-brisk walking. Ang paglabas at pag-eehersisyo ay makakatulong sa iyo na makapagrelaks.
ALAM MO BA . . . ?
Hindi lang ang nagpapakamatay ang nagiging biktima ng suicide. Biktima rin ang mga naiiwang mahal sa buhay.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Kapag feeling ko ay wala akong halaga o walang nagmamahal sa akin, lalapit ako kay (isulat ang pangalan ng mapaghihingahan mo ng iyong niloloob) ․․․․․
Ang magandang bagay sa buhay ko na lagi kong iisipin ay ․․․․․
Ang gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Ang problema, gaano man kabigat, ay panandalian lang. Bakit mahalagang tandaan iyan?
● Bakit masasabing ipinapasa mo sa iba ang iyong problema kung magpapakamatay ka?
[Blurb sa pahina 104]
“May mga pagkakataon noon na depressed na depressed ako at parang gusto ko nang mamatay. Pero ngayon, nakita kong mas masarap pa rin palang mabuhay. Malaking tulong ang matiyagang pananalangin at pagpapagamot.”—Heidi
[Kahon sa pahina 100]
Kapag Parang Hindi Mo na Kaya
May mga tapat na lalaki at babae sa Bibliya na halos madaig din ng patung-patong na problema. Narito ang ilan sa kanila.
Rebeka: “Kung ganito nga, bakit pa ako nabubuhay?”—Genesis 25:22.
Moises: “Pakisuyong patayin mo na lamang ako, . . . at huwag ko nang makita ang aking kapahamakan.”—Bilang 11:15.
Elias: “O Jehova, kunin mo ang aking kaluluwa, sapagkat hindi ako mabuti kaysa sa aking mga ninuno.”—1 Hari 19:4.
Job: “O ikubli mo nawa ako sa Sheol . . . Takdaan mo nawa ako ng hangganang panahon at alalahanin mo ako!”—Job 14:13.
Bumuti ang kalagayan ng mga nabanggit sa itaas—sa paraang hindi nila inaasahan. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Puwede rin iyang mangyari sa iyo!
[Larawan sa pahina 102]
Ang kalungkutan, gaya ng makapal na ulap, ay lilipas din