Paano Ko Mapaglalabanan ang Tukso?
KABANATA 9
Paano Ko Mapaglalabanan ang Tukso?
Sasampung minuto pa lang sa party si Karen nang dumating ang dalawang lalaking may dalang malalaking paper bag. Alam niya ang laman ng mga iyon. Kasi bago pa man ang party, narinig niya silang nag-uusap na magkakaroon ng inuman.
Pagkatapos, may tumawag kay Karen, “Hoy ano’ng tinatayu-tayo mo diyan? Killjoy!” Paglingon ni Karen, nakita niya ang kaibigang si Jessica na may dalang dalawang beer na bagong bukás. Itinapat ni Jessica sa mukha ni Karen ang isang bote at sinabi, “Huwag mong sabihing may gatas ka pa sa labi!”
Gustong tumanggi ni Karen. Pero hindi niya inaasahan na ang tindi ng pressure. Kaibigan niya si Jessica, at ayaw ni Karen na mabansagang killjoy. Saka disente si Jessica. Kaya ano’ng masama kung umiinom siya? ‘Beer lang naman ’to,’ naisip ni Karen. ‘Hindi naman ito kasinsama ng pagda-drugs o pakikipag-sex.’
KAPAG kabataan ka, napakaraming tukso. Kadalasan na, sangkot dito ang di-kasekso. “Agresibo ang mga babae sa school,” ang sabi ni Ramon, 17. “Tsatsansingan ka nila at titingnan nila kung payag ka. Hindi ka nila titigilan!” Ganiyan din ang naranasan ni Deanna, 17: “Inakbayan ako ng isang lalaki. Sinuntok ko nga siya sa braso tapos sabi ko, ‘Ang kapal mo ah! Sino ka ba?’”
Baka mapaharap ka rin sa mga tukso, at para bang ayaw kang tantanan nito. Ang tukso ay tulad ng isang taong walang kasawa-sawa sa pagkatok kahit may nakalagay na “Do Not Disturb” sa iyong pinto. Lagi ka rin bang napapaharap sa tukso? Halimbawa, natutukso ka ba sa alinman sa mga sumusunod?
□ Paninigarilyo
□ Pornograpya
□ Pag-inom
□ Pakikipag-sex
□ Pagdodroga
□ Iba pa ․․․․․
Kung naglagay ka ng ✔ sa alinman sa mga nabanggit sa itaas, huwag mong isiping hindi ka na kuwalipikadong maging Kristiyano. Makakaya mong kontrolin ang maling mga pagnanasa at labanan ang tukso. Paano? Mahalagang malaman mo kung bakit ka natutukso. Tingnan natin ang tatlong dahilan.
1. Di-kasakdalan. Lahat ng di-sakdal na tao ay may tendensiyang magkamali. Maging si apostol Pablo—isang may-gulang na Kristiyano—ay umamin: “Kapag nais kong gawin ang tama, yaong masama ay narito sa akin.” (Roma 7:21) Oo, kahit matuwid na tao, maaaring maakit paminsan-minsan ng “pagnanasa ng laman at [ng] pagnanasa ng mga mata.” (1 Juan 2:16) Pero mapapahamak ka kung hindi mo aalisin sa isip mo ang maling mga pagnanasa, gaya ng sinasabi ng Bibliya: “Ang pagnanasa, kapag naglihi na ito, ay nagsisilang ng kasalanan.”—Santiago 1:15.
2. Impluwensiya ng iba. Kabi-kabila ang tukso. “Sa school at sa trabaho, sex ang laging usapan,” ang sabi ni Trudy.
“Sa TV at pelikula, ginagawa itong napaka-exciting. Kaya hindi mo na halos makita ang pangit na resulta nito!” Naranasan mismo ni Trudy kung gaano katindi ang impluwensiya ng mga kabarkada at ng media. “Noong 16 ako, akala ko, in love na ako,” ang sabi niya. “Kinausap ako ni Nanay. Sabi niya, kung hindi ako titigil sa mga ginagawa ko, hindi malayong mabuntis ako. Hindi ako makapaniwalang naisip ’yun ni Nanay! Pero pagkaraan nga ng dalawang buwan, nabuntis ako.”3. “Mga pagnanasa na kaakibat ng kabataan.” (2 Timoteo 2:22) Puwedeng kasama rito ang anumang pagnanasang karaniwan sa mga kabataan, gaya ng pagnanais na tanggapin ka ng iba o kaya’y patunayang hindi ka na bata. Hindi naman masama ang mga ito, pero kung hindi ito kokontrolin, mas mahihirapan kang labanan ang tukso. Halimbawa, para patunayang hindi ka na bata, baka gumawa ka ng mga bagay na salungat sa magagandang aral na itinuro ng mga magulang mo. Ganiyan ang nangyari kay Steve noong 17 anyos siya. Sinabi niya, “Nagrebelde ako sa mga magulang ko at ginawa ang lahat ng ipinagbabawal nila—kahit kababautismo ko pa lang noon.”
Kung Paano Lalabanan ang Tukso
Totoo, mahirap paglabanan ang tukso dahil sa mga puwersang nabanggit sa itaas. Pero makakaya mo! Paano?
● Una, pag-isipan mo kung sa anong bagay ka madaling matukso. (Malamang na nagawa mo na ito sa pahina 65.)
● Saka tanungin ang sarili, ‘Kailan ako malamang na mapaharap
sa tuksong ito?’ Lagyan ng ✔ ang isa sa mga sumusunod:□ Kapag nasa eskuwela
□ Kapag nag-iisa
□ Kapag nasa trabaho
□ Iba pa ․․․․․
Posibleng maiwasan ang tukso kung alam mo kung kailan ito malamang na mangyari. Halimbawa, pag-isipan ang sitwasyong binanggit sa pasimula ng artikulong ito. Anong indikasyon ng panganib sa party na iyon ang binale-wala ni Karen?
․․․․․
Ano sana ang ginawa niya para makaiwas sa tukso?
․․․․․
● Ngayong napag-isipan mo na kung ano ang nakakatukso sa iyo at kung kailan ito posibleng mapaharap sa iyo, ano ang susunod mong gagawin? Napakahalagang malaman kung anong pag-iingat ang puwede mong gawin para makaiwas sa tukso. Isulat sa ibaba kung ano ang puwede mong gawin.
․․․․․
(Halimbawa: Kung pagkatapos ng klase ay may mga kaeskuwela kang laging namimilit sa iyo na manigarilyo, baka puwedeng sa iba ka dumaan para maiwasan mo sila. Kapag gumagamit ka ng Internet at lagi kang nakakatanggap ng mga mensaheng may pornograpya, puwede kang mag-install ng computer program na magba-block sa mga ito at sa anumang pornograpikong Web site. Isa pa, maaari mong gawing mas espesipiko ang mga salitang ita-type mo kapag naghahanap ka ng impormasyon sa Internet.)
Siyempre pa, kahit anong ingat mo, mapapaharap ka pa rin sa tukso. Baka nga dumating ang isang napakatinding tukso kung kailan hindi mo inaasahan. Ano ang puwede mong gawin?
Maging Handa
Nang ‘tuksuhin ni Satanas’ si Jesus, mabilis ang kaniyang Marcos 1:13) Bakit? Dahil bago pa man bumangon ang tukso, buo na ang kaniyang pasiya: Lagi siyang susunod sa kaniyang Ama. (Juan 8:28, 29) Talagang seryoso si Jesus nang sabihin niya: “Bumaba ako mula sa langit upang gawin, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin.”—Juan 6:38.
pagtanggi. (Isulat ang dalawang dahilan kung bakit dapat mong paglabanan ang tuksong pinakamadalas na mapaharap sa iyo. Isulat mo rin ang dalawang paraan kung paano mo ito mapaglalabanan.
Kung bakit dapat mong labanan ang tukso:
1 ․․․․․
2 ․․․․․
Ang gagawin mo para mapaglabanan ito:
1 ․․․․․
2 ․․․․․
Tandaan, kung magpapadaig ka sa tukso, magiging alipin ka ng iyong mga pagnanasa. (Tito 3:3) Bakit hahayaan mong mangyari ito sa iyo? Maging determinadong kontrolin ang iyong mga pagnanasa, sa halip na ikaw ang kontrolin nito. (Colosas 3:5) Ipanalangin na patuloy mong magawa ito.—Mateo 6:13. a
MARAMI KA PANG MABABASA TUNGKOL SA PAKSANG ITO SA TOMO 2, KABANATA 15
Para bang lagi kang kulang sa energy? Tingnan kung paano ka magiging mas malusog at masigla!
[Talababa]
a Tingnan din ang Kabanata 33 at 34 ng aklat na ito.
TEMANG TEKSTO
“Ang Diyos ay tapat, at hindi niya hahayaang tuksuhin kayo nang higit sa matitiis ninyo, kundi kalakip ng tukso ay gagawa rin siya ng daang malalabasan upang mabata ninyo iyon.”—1 Corinto 10:13.
TIP
Gamitin ang “Plano Ko Laban sa Panggigipit” sa pahina 132 at 133 ng Tomo 2, para handa ka sakaling may humikayat sa iyo na gumawa ng masama.
ALAM MO BA . . . ?
Inihula ng Diyos na mananatiling tapat si Jesus, pero hindi naman ibig sabihin na para siyang robot na nakaprogramang sumunod. May kalayaang magpasiya si Jesus. Nanatili siyang tapat dahil ginusto niya ito—hindi dahil sa wala na siyang magagawa. Kaya nga marubdob siyang nanalangin nang mapaharap siya sa pagsubok.—Hebreo 5:7.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Para tumibay ang determinasyon kong labanan ang tukso, ang gagawin ko ay ․․․․․
Ang mga tao, lugar, at sitwasyong dapat kong iwasan ay ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Posible bang matukso ang sakdal na mga nilalang?—Genesis 6:1-3; Juan 8:44.
● Kapag napaglabanan mo ang tukso at nakapanatili kang tapat, ano ang epekto nito sa iba?—Kawikaan 27:11; 1 Timoteo 4:12.
[Blurb sa pahina 68]
“Malaking tulong sa akin na alam kong kakampi ko ang Pinakamakapangyarihan sa uniberso at na puwede akong humingi ng tulong sa kaniya anumang oras!”—Christopher
[Kahon/Larawan sa pahina 67]
Subukan Ito!
Kumuha ka ng kompas. Hindi ba laging nakaturo ang karayom nito sa hilaga? Pero maglagay ka ng magnet sa gilid nito. Ano ang nangyari? Nakaturo na ang karayom nito sa direksiyon ng magnet kaya hindi na ito nagbibigay ng tamang direksiyon.
Ang iyong budhi ay parang kompas. Kapag sinanay ito nang wasto, ituturo ka nito sa “hilaga”—sa tamang direksiyon—at tutulungan kang magpasiya nang tama. Pero gaya ng magnet, may malakas na impluwensiya ang masasamang kasama na puwedeng pumilipit sa iyong pangangatuwiran. Ang aral? Umiwas sa mga tao at mga sitwasyong makakasira sa iyong paninindigan sa pamantayang moral!—Kawikaan 13:20.
[Larawan sa pahina 69]
Kung magpapadaig ka sa tukso, magiging alipin ka ng iyong mga pagnanasa