Mabuting Halimbawa—Job
Mabuting Halimbawa—Job
Parang gumuho ang mundo ni Job. Una, naubos ang kabuhayan nila. Ikalawa, namatay ang lahat ng anak niya. Ikatlo, nagkasakit siya nang malubha. Napakabilis ng mga pangyayari. Halos mawalan ng pag-asa si Job kaya nasabi niya: “Ang aking kaluluwa ay talagang naririmarim sa aking buhay.” Sinabi niya na siya’y “lipos ng kasiraang-puri at tigmak ng kapighatian.” (Job 10:1, 15) Pero sa kabila ng mga paghihirap, nanatili siyang tapat sa kaniyang Maylalang. (Job 2:10) Hindi siya natinag. Kaya mahusay na halimbawa ng pagbabata si Job.
Kapag marami kang problema, baka ‘marimarim ka rin sa iyong buhay.’ Pero gaya ni Job, puwede mong patunayan na sa kabila ng mga pinagdadaanan mo, hindi ka matitinag at buo pa rin ang determinasyon mong maglingkod sa Diyos na Jehova. Isinulat ni Santiago: “Narito! Ipinahahayag nating maligaya yaong mga nakapagbata. Narinig ninyo ang tungkol sa pagbabata ni Job at nakita ang kinalabasan na ibinigay ni Jehova, na si Jehova ay napakamagiliw sa pagmamahal at maawain.” (Santiago 5:11) Mahal ng Diyos si Job, at mahal ka rin Niya!