Mabuting Halimbawa—Moises
Mabuting Halimbawa—Moises
Maganda ang buhay ni Moises. Pinalaki siya sa maharlikang pamilya ni Paraon at edukado sa lahat ng karunungan ng mga Ehipsiyo. (Gawa 7:22) Ano ang gagawin niya sa lahat ng pagsasanay na natanggap niya? Puwede niya itong gamitin para sumikat, yumaman, at maging makapangyarihan. Pero hindi nagpadala si Moises sa panggigipit ng mga kasama ni naging ambisyoso man. Sa halip, pinili niya ang isang karera na tiyak na ikinagulat ng marami—ang “mapagmalupitan kasama ng bayan ng Diyos.” (Hebreo 11:25) Nalugi ba siya? Hindi. Dahil pinili niyang maglingkod sa Diyos at tumulong sa mga tao, naging masaya at makabuluhan ang kaniyang buhay.
Kung may oportunidad ka ring makapag-aral, paano mo ito gagamitin? Puwede mo itong gawing tulay para magpayaman o maging makapangyarihan. O gaya ni Moises, puwede mong gawing totoong makabuluhan ang iyong buhay. Magagamit mo ang iyong talino at lakas para maglingkod sa Diyos at sa kapuwa. (Mateo 22:35-40) Wala nang mas sasaya pa sa ganiyang buhay!