Mabuting Halimbawa—Ruth
Mabuting Halimbawa—Ruth
Ang biyudang si Ruth ay isang mahusay na halimbawa ng katapatan. Imbes na bumalik sa kaniyang sariling bayan para magkaroon ng mas maalwang buhay, pinili niyang alagaan ang kaniyang may-edad nang biyenan na si Noemi kahit pa lumiit ang tsansa niyang makapag-asawa. Hindi siya naging makasarili. Mahal niya si Noemi at gusto niyang mapabilang sa bayan ni Jehova kaya isinakripisyo niya ang kagustuhan niyang makapag-asawa.—Ruth 1:8-17.
Gusto mo na bang mag-asawa? Kung oo, tularan si Ruth. Huwag basta magpadala sa emosyon. Pag-isipan kung anong mga katangian mo ang makakatulong kapag nag-asawa ka na. Halimbawa, tapat ka ba at mapagsakripisyo? Sumusunod ka ba sa pamantayan ng Bibliya kahit mahirap itong gawin kung minsan? Kung oo, puwede mo ring maranasan ang nangyari kay Ruth. Hindi siya naging desperado sa paghanap ng mapapangasawa. Pero nakakita siya ng isang may-gulang na lalaki na katulad niya ng mga katangian; higit sa lahat, pareho nilang mahal ang Diyos.