Mga Sagot na Lumulutas!
PAUNANG SALITA
Mga Sagot na Lumulutas!
‘Paano ako makikipag-usap sa mga magulang ko?’ ‘Paano ako magkakaroon ng mga kaibigan?’ ‘Ano ang masama sa casual sex?’ ‘Bakit ang lungkut-lungkot ko?’
Kung naitatanong mo rin ang mga iyan, hindi ka nag-iisa. Baka marami ka nang hiningan ng payo pero magkakasalungat ang sagot na nakuha mo. Para mabigyan ang mga kabataan ng maaasahang payo, isang salig-Bibliyang serye na pinamagatang “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ” ang inilabas ng magasing Gumising! noong Enero 1982. Hanggang ngayon, marami ang nakikinabang sa mga ito. Bawat artikulo ay sinaliksik na mabuti. Sa katunayan, para malaman ang talagang iniisip at nadarama ng mga kabataan, ininterbyu ng mga manunulat ng Gumising! ang daan-daang kabataan sa buong daigdig! At mas mahalaga, ang mga payo sa seryeng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong” ay batay sa Salita ng Diyos, ang Bibliya.
Ang aklat na hawak mo ngayon ay unang inilathala noong 1989. Pero malaking pagbabago ang ginawa sa aklat para matugunan ang kasalukuyang mga isyu. Mahigit 30 kabanata ang kinuha sa mga artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong” na inilathala mula 2004 hanggang 2011.
Tutulungan ka ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1, na maging responsableng adulto. Ikapit mo sana ang mga payo rito para mapabilang ka sa milyun-milyong kabataan at adulto na ‘ang kakayahan sa pang-unawa ay nasanay na makilala kapuwa ang tama at ang mali.’—Hebreo 5:14.
Ang mga Tagapaglathala