Makakatulong Kaya sa Relasyon Namin ang Sex?
KABANATA 24
Makakatulong Kaya sa Relasyon Namin ang Sex?
Dalawang buwan pa lang na boyfriend ni Heather si Mike, pero pakiramdam niya, matagal na silang magkakilala. Lagi silang magkatext at magkausap sa telepono. Kabisado na nga nila ang linya ng isa’t isa! Pero isang gabi, habang nasa kotse, may iba nang gustong gawin si Mike.
Sa nakalipas na dalawang buwan, hanggang hawakan lang sila ng kamay at kaunting halik. Ayaw ni Heather na lumampas pa roon. Pero ayaw din naman niyang mawala si Mike. Kapag kasama niya si Mike, pakiramdam niya isa siyang prinsesa. ‘Tutal,’ ang katuwiran niya, ‘nagmamahalan kami ni Mike . . .’
MALAMANG na alam mo na kung saan patungo ang eksenang ito. Pero baka hindi mo alam kung gaano kalaki ang magiging epekto ng sex kina Mike at Heather—at tiyak na hindi maganda. Isipin ito:
Kung lalabagin mo ang mga pisikal na batas, gaya ng batas ng grabidad, tiyak na mapapahamak ka. Ganiyan din kung lalabagin mo ang moral na batas, gaya ng batas na: “Umiwas kayo sa pakikiapid.” (1 Tesalonica 4:3) Ano ang kahihinatnan? Sinasabi ng Bibliya: “Siya na namimihasa sa pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.” (1 Corinto 6:18) Paano? Mag-isip ng tatlong masasamang epekto ng pakikipag-sex nang di-kasal.
1 ․․․․․
2 ․․․․․
3 ․․․․․
Ngayon, tingnan ang sagot mo. Isinulat mo ba ang pagbubuntis kahit hindi mo gusto, sakit na naililipat sa pagtatalik, o pagkawala ng pagsang-ayon ng Diyos? Talagang napakasaklap ng resulta kapag sinuway ang batas ng Diyos sa pakikiapid.
Pero baka natutukso ka pa rin. Baka ikatuwiran mo, ‘Wala namang masamang mangyayari sa akin.’ Tutal, hindi ba lahat naman ay nakikipag-sex? Ipinagyayabang ng mga kaeskuwela mo ang mga karanasan nila, at mukhang walang masamang nangyayari sa kanila. Gaya ni Heather, baka iniisip mong makakatulong sa relasyon ninyong magkasintahan ang sex. Isa pa, sino ba naman ang gustong makantiyawang virgin? Hindi kaya mas mabuting magpatangay ka na lang sa agos?
Pero teka . . . hindi lahat ay nakikipag-sex. Totoo, ipinapakita ng mga estadistika na maraming kabataan ang nakikipag-sex. Halimbawa, ayon sa isang pag-aaral, 2 sa bawat 3 kabataan sa Estados Unidos ang nakaranas nang makipag-sex habang nasa haiskul. Pero ibig sabihin din, 1 sa bawat 3 ang hindi. Malaki-laki rin ang bilang na ito! Ano naman ang nangyari sa mga nakipag-sex? Natuklasan ng mga mananaliksik na marami sa kanila ang nakaranas ng isa o higit pa sa mga sumusunod.
BANGUNGOT 1 PAGKAKONSIYENSIYA. Karamihan sa mga kabataang nakipag-sex nang di-kasal ay nagsasabing pinagsisihan nila ito.
BANGUNGOT 2 KAWALAN NG TIWALA. Pagkatapos mag-sex, pagdududahan nila ang isa’t isa, ‘Sino pa kaya ang naka-sex niya?’
BANGUNGOT 3 PAGKADISMAYA. Sa loob-loob ng babae, sana’y pumili siya ng isa na magtatanggol sa kaniya, hindi ng isa na gagamit sa kaniya. At marami ring lalaki ang nawawalan ng interes sa babae na madaling bumigay.
Bukod sa mga nabanggit, maraming lalaki ang nagsasabing hindi nila pakakasalan ang babaing naka-sex nila. Bakit? Mas gusto kasi nila ang virgin!
Kung babae ka, malamang na magulat ka—o magalit pa nga! Tandaan: Ang nangyayari sa tunay na buhay kapag nakipag-sex nang di-kasal ay ibang-iba sa ipinapakita sa mga pelikula at TV. Pinalalabas ng media na okey lang mag-sex ang mga tin-edyer at tanda ito ng tunay na pag-ibig. Pero huwag magpadaya! Sarili lang ang iniisip ng magyayaya sa iyo na makipag-sex. (1 Corinto 13:4, 5) Kasi kung talagang mahal ka niya, magagawa ba niyang saktan ka? (Kawikaan 5:3, 4) At kung talagang nagmamalasakit siya, tutuksuhin ka ba niyang gumawa ng isang bagay na sisira sa kaugnayan mo sa Diyos?—Hebreo 13:4.
Kung may girlfriend ka, pag-isipan ang mga natutuhan mo sa kabanatang ito. Tanungin ang sarili, ‘Talaga bang Awit ni Solomon 2:16) Sa madaling salita, ikaw ang magiging tagapagtanggol niya!
mahal ko ang girlfriend ko?’ Kung oo ang sagot mo, paano mo ito maipapakita? Dapat na may lakas ka para sundin ang mga batas ng Diyos, karunungan para umiwas sa mga alanganing sitwasyon, at pag-ibig para unahin ang kaniyang kapakanan. Kung nasa iyo ang mga katangiang iyan, malamang na masabi rin ng girlfriend mo ang gaya ng nasabi ng Shulamita: “Ang mahal ko ay akin at ako ay kaniya.” (Lalaki ka man o babae, kung makikipag-sex ka nang hindi kasal, winawalang-dangal mo ang iyong sarili dahil Roma 1:24) Hindi kataka-taka, napakaraming kabataan ang nakadarama ng kawalang-halaga matapos makipag-sex, dahil hinayaan nilang manakaw ang isang napakahalagang pag-aari nila! Huwag hayaang mangyari iyan sa iyo. Kung yayain ka ng kasintahan mo na makipag-sex at sabihing, “Kung mahal mo ako, papayag ka,” matatag na sumagot, “Kung talagang mahal mo ako, hindi mo ipapagawa sa akin ‘yan!”
hinahayaan mong mawala ang isang bagay na napakahalaga. (Ang katawan mo ay napakahalaga, kaya hindi mo dapat basta-basta ibigay sa iba. Maging determinadong sundin ang utos ng Diyos na umiwas sa pakikiapid. Kapag kasal ka na, puwede mo nang maranasan ang sex. At masisiyahan kang gawin ito nang walang halong pangamba, pagsisisi, at takot, na karaniwang resulta ng pakikipag-sex nang di-kasal.—Kawikaan 7:22, 23; 1 Corinto 7:3.
MARAMI KA PANG MABABASA TUNGKOL SA PAKSANG ITO SA TOMO 2, KABANATA 4 AT 5
Gaano kasamâ ang masturbasyon?
TEMANG TEKSTO
“Tumakas kayo mula sa pakikiapid. . . . Siya na namimihasa sa pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.”—1 Corinto 6:18.
TIP
Kapag kasama ng isang di-kasekso, tandaan ito: Kung hindi mo kayang gawin ang isang bagay sa harap ng mga magulang mo, huwag mo na itong gawin.
ALAM MO BA . . . ?
Kapag nakuha na ng isang lalaki ang “gusto” niya, malamang na iwan niya ang kaniyang girlfriend at humanap ng iba.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Kapag kasama ng isang di-kasekso, ang mga alanganing sitwasyon na iiwasan ko ay ․․․․․
Kung gusto ng isang di-kasekso na magkita kami sa isang lugar na walang ibang tao, ang sasabihin ko ay ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Kahit natutukso kang makipag-sex nang hindi pa kasal, bakit hindi mo ito dapat gawin?
● Ano ang gagawin mo kapag may nagyaya sa iyo na makipag-sex?
[Blurb sa pahina 176]
“Bilang Kristiyano, may magaganda kang katangian kaya magiging kaakit-akit ka sa iba. Huwag sayangin ang mga katangiang iyon. Maging alisto at tanggihan ang anumang alok na gumawa ng imoralidad. Huwag kang magpadala!”—Joshua
[Larawan sa pahina 176, 177]
Kapag nakipag-sex ka nang di-kasal, parang ginawa mong basahan ang isang obra maestra