Bakit Magsasabi ng Hindi sa Droga?
Kabanata 34
Bakit Magsasabi ng Hindi sa Droga?
“AKO ay isang sensitibong anak,” ang sabi ni Mike, isang binatang 24-anyos ang edad. “Kung minsan ako’y natatakot at tinatakot pa nga ng iba na kasing-edad ko. Dumaranas ako ng kalumbayan, kawalan ng katatagan, at kung minsan ay iniisip kong magpakamatay.”
Si Ann, 36-na-taóng gulang ay inilalarawan ang kaniyang sarili bilang “napakabata pa kung tungkol sa emosyon,” dahil sa kaniyang “mababang pagpapahalaga-sa-sarili.” Idinaragdag pa niya: “Hirap na hirap akong mamuhay nang normal.”
Sina Mike at Ann ay umaani ng mga bunga ng isang disisyon na kanilang ginawa nang sila’y medyo bata pa, iyon ay, ang pagsubok sa droga. Milyun-milyong mga kabataan ngayon ay gumagawa nang ganito—nag-iiniksiyon, lumulunok, sumisinghot, at humihitit ng lahat mula sa cocaine hanggang sa marijuana. Para sa ilang kabataan, ‘ang pagdodroga’ ay isang paraan upang makatakas sa mga problema. Ang iba ay sumasama upang mabigyang-kasiyahan ang kanilang pagkamausisa. Gayunman ang iba ay gumagamit ng droga upang pawiin ang kapighatian at pagkayamot. At minsang napasimulan na, ang marami ay nagpapatuloy sa paggamit ng droga para lamang sa lubos na kasiyahang dulot nito. Ang sabi ng 17-taóng-gulang na si Grant: “Humihitit ako [ng marijuana] dahil lamang sa epekto nito. Hindi upang magpalamig o para sa pakikisama. . . . Hindi ako humihitit dahil sa panggigipit ng kasamahan, kundi dahil sa gusto ko.”
Sa papaano man, darating ang panahon na sa malao’t madali ikaw ay malalantad o tuwirang aalukin ng droga. “Kahit ang mga guwardiya sa aming paaralan ay nagtitinda ng pot [marijuana],” ang sabi ng isang kabataan. Ang mga kagamitan sa droga ay lantad na nakadispley at ipinagbibili. Sa kabila ng pagiging popular ng mga ito, gayunman, may isang mabuting dahilan para sa iyo na magsabi ng hindi sa droga. Papaano?
Ang Droga ay Pumipigil sa Paglaki
Isaalang-alang ang mga kabataan na gumagamit ng droga upang matakasan ang mga problema, tulad nina Mike at Ann. Gaya ng ipinakita sa ating nakaraang kabanata, ang paglaki sa emosyon ay dumarating sa pagharap sa mga hamon ng buhay, pakikitungo sa tagumpay, pagkaligtas sa kabiguan. Ang mga kabataang umaasa sa kemikal na kanlungan mula sa mga problema ay humahadlang sa kanilang emosyonal na pagsulong. Nabibigo silang mapasulong ang kasanayan na kinakailangan upang maharap ang mga problema.
Gaya ng ibang mga kasanayan, ang kakayahang ito na humarap sa problema ay nangangailangan ng pagsasanay. Upang ilarawan: Nakapanood ka na ba ng isang sanáy na manlalaro ng soccer? Nagagamit niya ang kaniyang ulo at mga paa sa mga kaparaanang hindi mo sukat akalain! Gayunman, papaano napaunlad ng manlalarong ito ang gayong kasanayan? Sa pamamagitan ng mga taóng pagsasanay. Natutuhan niyang sipain ang bola, tumakbong sinisipa-sipa ito, manlansi, at iba pa, hanggang sa siya’y maging dalubhasa sa paglalaro.
Ang pagpapaunlad sa kasanayan sa pagharap sa mga problema ay katulad na katulad. Nangangailangan iyon ng pagsasanay—karanasan! Gayunman, sa Kawikaan 1:22 ang Bibliya ay nagtatanong: “Hanggang kailan kayong mga musmos magsisiibig sa inyong kamusmusan, . . . at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman?” Ang kabataan na nagtatago sa likod ng dulot-ng-gamot na kagalakan ‘ay umiibig sa kamusmusan’; nabibigo siyang mapaunlad ang kaalaman at matamo ang kasanayang kinakailangan upang pakiharapan ang buhay. Ganito ang sinasabi ng aklat na Talking With Your Teenager sa mga tinedyer na gumagamit ng droga: “Ang liksiyon na maaaring mapagtagumpayan ang masasakit na sandali ng buhay kahit walang ganitong mga gamot ay hindi kailanman natutuhan.”
Si Ann, na gumamit ng droga bilang isang paraan ng pagtakas, sa gayon ay nagtatapat: “Sa loob ng 14 na taon ay hindi ko napakiharapan ang aking mga problema.” Si Mike ay nagpahayag din ng gayong kaisipan, na nagsasabi: “Nagdodroga na ako mula pa nang ako’y 11 taon. Nang tumigil ako sa edad na 22, para akong isang bata. Lagi akong nakasandal sa iba, upang makadama ng katiwasayan. Napagtanto ko na ang aking emosyonal na pagsulong ay huminto na nang magsimula akong magdroga.”
“Sinayang ko ang mga taóng iyon ng pagsulong,” ang susog ni Frank, na nag-abuso sa droga mula nang edad 13. “Nang ako’y huminto, natalos ko ang masakit na katotohanang ako’y lubusang hindi handa upang harapin ang buhay. Ako’y isang 13-taóng-gulang na muli na may katulad na emosyonal na pagkaligalig na kinakaharap ng kahit sinong nagbibinata.”
Mawawasak ba ng Droga ang Aking Kalusugan?
Ito’y isa pang bahagi na dapat ikabahala. Ang karamihan sa mga kabataan ay nakatatalos na ang tinatawag na matatapang na droga ay maaaring pumatay sa iyo. Subalit kumusta naman ang tinatawag na hindi matatapang na droga, gaya ng marijuana? Ang lahat ba ng mga naririnig mong babala tungkol sa mga yaon ay pananakot lamang? Bilang kasagutan ipako natin ang ating pansin sa marijuana.
Ang marijuana (kilala rin sa tawag na pot, reefer, damo, ganja, o weed) ang siyang tampulan ng pagtatalo ng mga eksperto. At bilang pag-amin, marami pang hindi alam kung tungkol sa popular na drogang ito. Ang totoo, ang marijuana ay lubhang masalimuot; ang isang sigarilyo ng marijuana ay naglalaman ng 400 pinaghalong kimiko sa usok niyaon. Nangailangan ng mahigit na 60 taon bago napagtanto ng mga doktor na ang usok ng sigarilyo ay nakapagdudulot ng kanser. Maaaring mangailangan ng maraming
mga taon bago matiyak ng sinuman kung ano ang maidudulot ng 400 pinaghalong kimiko sa katawan ng tao.Gayumpaman, pagkatapos na pag-aralan ang libu-libong mga papeles sa pagsasaliksik, ang isang grupo ng mga eksperto ng tanyag na Institute of Medicine ng E.U. ay nagpalagay: “Ang makasiyentipikong ebidensiya na inilathala sa ngayon ay nagpapakita na ang marijuana ay may malawak na naaabot sa sikolohikal at biolohikal na mga epekto, na kung saan ang ilan, sa ilalim ng ilang mga kondisyon, ay mapanganib sa kalusugan ng tao.” Ano ang ilan sa mga masasamang epektong ito?
Marijuana—Kung Ano ang Nagagawa Nito sa Iyong Katawan
Isipin, halimbawa, ang bagà. Kahit na ang mga pinakatapat na tagapagtaguyod ng marijuana ay umaamin na ang paglanghap ng usok ay hindi makabubuti para sa iyo. Ang usok ng marijuana, gaya ng usok ng tabako, ay may ilang dami ng nakalalasong sangkap, tulad ng tars o mga latak.
Si Dr. Forest S. Tennant, Jr., ay nagsurbey sa 492 sundalo sa Army ng E.U. na nag-marijuana. Halos 25 porsiyento sa kanila ang “dumanas ng masakit na lalamunan mula sa paghitit ng cannabis, at mga 6 na porsiyento ang nag-ulat na nagkaroon sila ng brongkitis.” Sa isa pang pagsusuri, 24 sa 30 nag-marijuana ang natuklasang may “sugat sa lalamunan na kinikilalang pasimula ng kanser.”
Totoo, walang makapagsasabi na ang mga iyon ay magkakaroon ng kanser sa hinaharap. Subalit gugustuhin mo bang magbaka-Gawa 17:25) Nakapagbibigay-galang ka ba sa Tagapagbigay ng buhay kung kusa kang hihitit ng isang bagay na makapipinsala sa iyong mga bagà at lalamunan?
sakali? Bukod doon, ang Bibliya ay nagsasabi na ang Diyos ay “nagbibigay sa lahat ng tao ng buhay at ng hininga.” (Sa Eclesiastes 12:6 ang utak ng tao ay may pagkamakatang tinatawag na “ang ginintuang mangkok.” Halos malaki-laki nang kaunti sa iyong kamao at tumitimbang ng kulang-kulang na tatlong libra, ang utak ay hindi lamang siyang mahalagang lalagyan ng iyong memorya kundi rin naman siyang sentro na nagpapatakbo sa buo mong sistema sa nerbiyos. Taglay sa isipan ang bagay na iyan, pansinin ang babala ng Institute of Medicine: “Masasabi namin nang may pagtitiwala na ang marijuana ay nagdudulot ng masamang epekto sa utak, kasali na ang pagbabago sa kemikal at pisikal na pagkilos ng katawan.” Sa kasalukuyan, wala pang lubos na katibayan na ang marijuana ay permanenteng pumipinsala sa utak. Gayumpaman, ang posibilidad na ang marijuana sa anumang paraan ay may masamang idinudulot sa “ginintuang mangkok” ay hindi dapat ipagwalang-bahala.
At ano kung balang-araw ay mag-asawa ka at magkaroon ng mga anak? Ang Institute of Medicine ay nag-ulat na ang marijuana ay kilalang “nagdudulot ng mga depekto sa pag-aanak kapag ibinigay sa sobrang dosis sa mga pinag-aaralang hayop.” Kung iyon ay may gayon ding epekto sa tao ay hindi pa napagtitibay. Ngunit, tandaan, na ang mga depekto sa pag-aanak (gaya ng idinulot ng hormone na DES) ay kalimitang nangangailangan ng mga taon bago makita. Kaya, kung anong kinabukasan mayroonAwit 127:3.
ang mga anak—at mga apo—ng mga humihitit ng marijuana, panahon lamang ang makapagsasabi. Si Dr. Gabriel Nahas ay nagsasabi na ang paghitit ng marijuana ay maaaring isang “henetikong ruleta.” Ang isa bang may pangmalas na ang mga anak ay “isang pamana mula kay Jehova” ay magbabaka-sakali?—Droga—Ang Pangmalas ng Bibliya
Sabihin pa, ang marijuana ay isa lamang sa maraming popular na droga. Subalit iyon ay maliwanag na nagpapakitang may sapat na dahilan upang iwasan ang pag-inom ng nakapagpapabago-ng-isip na mga sangkap para lamang sa kasiyahan. Ang sabi ng Bibliya: “Ang kagandahan ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan.” (Kawikaan 20:29) Bilang isang kabataan, walang pagsalang tinatamasa mo ang mabuting kalusugan. Bakit mo sasayangin ito?
Higit na mahalaga, kung gayon, na taglay natin ang pangmalas ng Bibliya sa bagay na ito. Iyon ay nagsasabi sa atin na “ingatan . . . ang kakayahang umisip,” hindi upang wasakin iyon sa pamamagitan ng pag-abuso sa droga. (Kawikaan 3:21) Iyon ay nagpapayo pa: “Ating linisin ang ating mga sarili mula sa bawat karumihan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan sa pagkatakot sa Diyos.” Tunay, iyon ay para lamang sa kanila na ‘nakapaglinis na ng kanilang sarili mula sa karumihan,’ na iniiwasan ang mga gawaing gaya ng pag-aabuso sa droga, anupa’t ang Diyos ay nangangako: “‘Kayo’y aking tatanggapin.’ ‘At ako’y magiging isang ama sa inyo.’”—2 Corinto 6:17–7:1.
Gayumpaman, ang pagtanggi sa droga ay maaaring hindi madali.
Ang mga Kasamahan at ang Kanilang Panggigipit
Isang malamig na gabi sa tag-araw sina Joe at Frank, magpinsan at magkaibigang matalik, ay gumawa ng isang kasunduan. “Anuman ang ginagawa ng iba,” ang mungkahi ni Joe, ang nakababata sa dalawa, “huwag tayo kailanman susubok sa droga.” Ang dalawang kabataan ay nagkamay sa kanilang pinagkasunduan. Makalipas lamang ang limang taon, natagpuan si Joe na isa nang malamig na bangkay sa kaniyang kotse bilang resulta ng isang aksidente may kaugnayan sa droga. At si Frank naman ay lulong na lulong na rin sa droga.
Bakit nagkagayon? Ang kasagutan ay nakasalalay sa apurahang1 Corinto 15:33) Si Joe at si Frank ay kapuwa napasama sa masamang barkada. Habang patuloy silang nakikisama sa mga nagdodroga, nagsimula silang mag-eksperimento sa droga sa kanilang sarili.
babala na matatagpuan sa Bibliya: “Huwag kayong padaya. Ang masamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na ugali.” (Ang aklat na Self-Destructive Behavior in Children and Adolescents ay nakapapansin: “Ang mga kabataan ay madalas na siyang inihaharap o ‘inaakay’ sa sari-saring droga ng isang malapit na kaibigan . . . Ang [kaniyang] intensiyon ay marahil upang ibahagi ang isang kapana-panabik at kasiya-siyang karanasan.” Si Mike na binanggit sa unahan, ay tumiyak dito, na nagsasabi: “Ang panggigipit ng kasamahan para sa akin ay isa sa pinakamahirap na harapin. . . . Nang unang humitit ako ng marijuana, ginawa ko iyon dahil ang lahat ng mga kabataang kasama ko ay gumagawa rin niyaon, at gusto kong makisama.”
Sa tahasang pagsasalita, kapag ang iyong mga kaibigan ay nagsimulang magdroga, ikaw ay mapasasailalim ng matinding panggigipit sa emosyon na tumalima, upang makisama. Kung hindi mo papalitan ang iyong mga kaibigan, sa malao’t madali ay malamang na malululong ka rin.
“Lumalakad na Kasama ng mga Taong Pantas”
“Siyang lumalakad na kasama ng mga taong pantas ay magiging pantas, ngunit siyang nakikisama sa mga mangmang ay mapapariwara,” ang sabi ng Kawikaan 13:20. Upang ilarawan ang punto, kung ayaw mong mahawa ng sipon, hindi ba iiwas kang lumapit sa mga taong may sipon? “Sa katulad na paraan,” ang sabi ng aklat na Adolescent Peer Pressure, “kung ibig nating maiwasan . . . ang pag-abuso sa droga . . . , kailangan nating panatilihin ang malusog at balanseng mga kalagayan at bawasan ang pagkalantad sa mapanirang mga impluwensiya.”
Kaya ibig mo bang magsabi ng hindi sa droga? Kung gayon ay bantayan kung sino ang iyong mga kasamahan. Hanapin ang pakikipagkaibigan ng mga natatakot-sa-Diyos na mga Kristiyano1 Samuel 23:15, 16.) Pansinin din ang mga salita sa Exodo 23:2. Bagaman ito’y para sa mga saksing nagbibigay ng sinumpaang patotoo, iyon ay mabuting payo rin naman para sa mga kabataan: “Huwag kang susunod sa karamihan tungo sa masamang wakas.”
na aalalay sa iyo na magpasiyang manatiling ligtas mula sa droga. (Ihambing angAng isa na sunud-sunuran sa kaniyang mga kasamahan ay walang ipinagkaiba sa isang alipin. Ang sabi ng Bibliya sa Roma 6:16 (New International Version): “Hindi baga ninyo nalalaman na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka-alipin upang tumalima ay kayo’y mga alipin niyaong inyong tinatalima?” Iyan ang dahilan kung bakit ang Bibliya ay nagpapasigla sa mga kabataan na paunlarin ang “kakayahan ng pag-iisip.” (Kawikaan 2:10-12) Matutong mag-isip para sa iyong sarili, at hindi ka mahihilig na sumunod sa matitigas-ang-ulong kabataan.
Totoo, baka mag-usyoso ka tungkol sa droga at sa epekto niyaon. Subalit hindi na kailangang parumihin ang iyong sariling isipan at katawan na alamin pa ang nagagawa ng droga sa mga tao. Basta pagmasdan na lamang ang mga umaabuso sa droga na kasing-edad mo—lalo na yaong matagal na panahon nang umaabuso. Sila ba’y mukhang listo at matalino? Napananatili ba nilang mataas ang kanilang marka? O mahina ba ang kanilang ulo at hindi atentibo, kung minsan ay ni hindi napapansin ang nangyayari sa kanilang kapaligiran? Ang isang katawagan ay nilikha ng mga gumagamit mismo ng droga upang ilarawan sila: “mga duróg.” Gayunman, maraming “mga duróg” ay malamang na nagsimula lamang dahil sa pag-uusyoso. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na ang Bibliya ay humihimok sa mga Kristiyano na pigilin ang di-mabuting pag-uusyoso at “magpakasanggol kayo sa kasamaan.”—1 Corinto 14:20.
Puwede Kang Magsabi ng Hindi!
Ang isang buklet na inilathala ng National Institute on Drug Abuse sa E.U. ay nagpapaalaala sa atin: “Ang pagtanggi sa pagkakataong gumamit ng droga . . . ay iyong karapatan. Ang sinumang kaibigan na pumipilit sa iyo na baguhin ang iyong disisyon ay nagbabawas sa iyong mga karapatan bilang isang malayang indibiduwal.” Ano ang maaari mong gawin kapag may nag-alok sa iyo ng droga? Magkaroon ng lakas ng loob na magsabi ng hindi! Hindi
naman nangangahulugan ito na kailangan pang magbigay ng isang sermon sa kasamaang dulot ng pag-aabuso sa droga. Ang buklet ding iyon ay nagmungkahing sumagot lamang ng, “Salamat, ayokong humitit” o, “Ayoko, mahirap nang mapahalo sa gulo” o magpasaring na, “Ayokong dumhan ang aking katawan.” Kung sila’y magpupumilit sa kanilang pag-aalok, baka kailangang magsabi ng hindi, nang may kombiksiyon! Ang pagsasabi sa iba na ikaw ay isang Kristiyano ay maaari ring maging isang proteksiyon.Hindi madali ang paglaki. Subalit kung susubukin mong maiwasan ang mga kahirapan kaugnay ng paglaki sa pamamagitan ng paggamit ng droga, malubhang hinahadlangan mo ang iyong pag-asang maging isang responsable, maygulang na tao. Matutong suungin ang problema nang harapan. Kapag ang panggigipit ay waring napakatindi, huwag humanap ng kaligtasan sa gamot. Ipakipag-usap ang mga bagay-bagay sa magulang o sa ibang responsableng may edad na makatutulong sa iyo upang ayusin ang mga yaon. Tandaan din ang payo ng Bibliya: “Huwag kayong mangabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na di-masayod ng pag-iisip ay mag-iingat ng inyong mga puso at ng inyong pag-iisip.”—Filipos 4:6, 7.
Oo, bibigyan ka ni Jehova ng lakas na magsabi ng hindi! Huwag hayaan ang iba na gipitin ka upang pahinain sa iyong pasiya. Gaya ng pag-aamuki ni Mike: “Huwag mag-eksperimento sa droga. Magdurusa ka sa natitirang bahagi ng iyong buhay!”
Mga Tanong para sa Talakayan
◻ Bakit marami sa kabataan ang napapasangkot sa droga?
◻ Papaanong ang pagdodroga ay nakahahadlang sa iyong emosyonal na paglaki?
◻ Ano ang kabatiran tungkol sa epekto ng marijuana sa katawan?
◻ Ano ang pangmalas ng Bibliya sa pagdodroga dahil lamang sa kasiyahan?
◻ Bakit ang pagmamasid sa iyong kasamahan ay mahalaga upang manatiling ligtas mula sa pagdodroga?
◻ Ano ang ilang paraan ng pagsasabi ng hindi sa droga?
[Blurb sa pahina 274]
“Kahit ang mga guwardiya sa aming paaralan ay nagtitinda ng pot,” ang sabi ng isang kabataan
[Blurb sa pahina 279]
“Napagtanto ko na ang aking emosyonal na pagsulong ay huminto na nang magsimula akong magdroga.”—Si Mike, isang dating nagdodroga
[Kahon sa pahina 278]
Marijuana—Isa bang Bagong Kahanga-hangang Gamot?
Mayroon nang maraming mga pag-aangkin na ang marijuana ay nagtataglay ng gamot para sa panlalabo ng mata at hika at sa pagpapakalma ng pagduwal na dinaranas ng mga pasyente ng kanser sa panahon ng chemotherapy. Ang ulat ng Institute of Medicine ng E.U. ay kumikilala na may ilang katotohanan sa pag-aangking ito. Subalit nangangahulugan ba ito na sa malapit na hinaharap ay ihahatol na ng mga doktor ang sigarilyo ng marijuana?
Malamang ay hindi, sa dahilang bagaman ang ilan sa mahigit na 400 pinaghalong kimiko ay napatunayang kapaki-pakinabang, ang paghitit ng marijuana ay mahirap nang maging isang makatuwirang paraan upang kunin ang mga kagamutang iyon. “Ang paggamit ng marijuana,” ang sabi ng kilalang autoridad na si Dr. Carlton Turner, “ay magiging katulad ng pagbibigay sa mga tao ng inaamag na tinapay upang kanin at sa gayo’y makuha ang penicillin.” Kaya kung sakali’t may mga sangkap ng marijuana na magiging tunay na kagamutan, ang ihahatol ng doktor ay mga pinaghalong kimiko na “galing [sa] o mga katulad” ng marijuana. Hindi kataka-taka, kung gayon, na ang Kalihim ng Health and Human Services ng E.U. ay sumulat: “Kinakailangang idiin na ang posibleng pakinabang na kagamutan galing sa marijuana sa anumang paraan ay hindi dapat magpabago ng kahulugan ng negatibong epekto nito sa kalusugan.”
[Larawan sa pahina 275]
Magkaroon ng lakas-ng-loob na magsabi ng hindi sa droga!
[Mga Larawan sa pahina 276, 277]
Takasan ngayon ang iyong mga problema sa pamamagitan ng droga . . . at mahihirapan kang harapin ang problema paglaki mo