Ano Mayroon ang Kinabukasan Para sa Akin?
Kabanata 38
Ano Mayroon ang Kinabukasan Para sa Akin?
“NANGANGAMBA ako sa hinaharap, isang hinaharap na punô ng nuklear na panganib,” Ito ang sinabi ng isang kabataang Aleman nang magsalita siya sa harap ng pinakamatataas na pinuno ng pamahalaan sa kanilang bansa.
Marahil ang guniguni ng pagkalipol sa isang nuklear na pagsabog ay nagpapadilim din sa iyong kinabukasan. “Bakit ko pa gugustuhing magkaroon ng mabuting marka?” tanong ng isang kabataan. “Tutal, sasabog na rin naman ang mundo.” Totoo, sa isang surbey ng mga kabataang mag-aarál, sinabi ng mga lalaki na mas kinatatakutan nila ang digmaang nuklear. Sa mga babae ay pangalawa ito, at naunahan lamang ng takot sa “pagkamatay ng aking mga magulang.”
Gayunman, ang isang nuklear na pagsabog ay hindi siyang tanging madilim na ulap sa abot-tanaw. Ang banta ng “labis na pagdami ng tao, pagkaubos ng likas-yaman, polusyon ng paligid,” at iba pang napipintong kapahamakan ay umakay upang magpasiya ang tanyag na sikologong si B. F. Skinner: “Ang ating lahi ay waring pinagbabantaan ngayon.” Nang maglaon ay inamin niya: “Ako’y masyadong pesimistiko. Hindi natin malulutas ang ating mga problema, totoo iyan.”
Yamang ang edukadong mga tagamasid ay nangangamba na ring tumingin sa hinaharap, hindi katakataka na maraming kabataan ay magpamalas din ng saloobing: “Kumain tayo at uminom sapagka’t bukas tayo’y mangamamatay.” (1 Corinto 15:32) Kaya, kung ang kinabukasan mo ay nasasalalay sa kakayahan ng mga pulitiko at siyentista, malabo nga ito. Sinasabi ng Jeremias 10:23: “Ang lakad ng makalupang tao ay hindi nauukol sa sarili. Hindi ukol sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang hakbang.”
Hindi lamang dahil sa walang kakayahan ang tao na mamahala sa sarili. Pansinin na hindi “nauukol” sa tao ang gumawa nito—wala siyang karapatan na mamahala sa lupa. Kaya bigo talaga ang pagsisikap niya. Dahil dito, si Jeremias ay humiling ng banal na patnubay: “Ituwid mo ako, O Jehova, ngunit sa pamamagitan ng kahatulan.” (Jeremias 10:24) Nangangahulugan ito na ang Maylikha ang may pasiya sa ating kinabukasan. Subali’t magiging ano ang kinabukasang ito?
Ang Layunin ng Diyos ukol sa Lupa—At sa Iyong Hinaharap
Pagkatapos-na-pagkatapos lalangin ang tao, sinabi ng Diyos sa unang mag-asawa: “Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ang lupa at supilin ito, at magtaglay kayo ng kapamahalaan sa mga isda sa dagat at sa mga ibon sa himpapawid at sa bawat nabubuhay na nilikha na umuusad sa ibabaw ng lupa.” (Genesis 1:28) Kaya ang tao ay binigyan ng pagkakataon na mabuhay sa isang pangglobong paraiso.
Gayunman, naghimagsak ang unang mag-asawa laban sa pamumuno ng Diyos. Kaya sinabi ni Solomon nang malaunan, “Ang tao ay ginawang matuwid ng tunay na Diyos, ngunit humanap sila ng maraming katha.” (Eclesiastes 7:29) Kapaha-pahamak ang marami sa katha ng tao, kaya ang pamanang naiwan sa lahing ito ay pawang kalungkutan at isang malagim na kinabukasan.
Gusto bang sabihin na pinabayaan na ng Diyos ang lupa para maging isang marumi, radyo-aktibo—at marahil ay walang buhay—na globo? Imposible! Siya ang “Nag-anyo sa lupa at Maygawa nito, Siya ang nagtatag nito, at hindi nilikha sa walang kabuluhan, na inanyuan upang tahanan.” Tiyak na matutupad ang layunin niya ukol sa lupa!—Isaias 45:18; 55:10, 11.
Lucas kabanata 21. Doo’y inihula ni Jesus ang mga problema na sumasalot sa tao sa siglong ito: pandaigdig na digmaan, lindol, sakít, gutom, laganap na krimen. Ano ang kahulugan nito? Nagpaliwanag mismo si Jesus: “Kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, magsitayo kayo at itaas ang inyong ulo, sapagkat malapit na ang pagkatubos ninyo. . . . Pagka nakita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Diyos.”—Lucas 21:10, 11, 28, 31.
Ngunit kailan—at papaano? Basahin mo saAng Kaharian ang susi ninyo sa kinabukasan. Sa simpleng salita, ito ay isang gobiyerno, ang paraan ng Diyos sa pamamahala sa lupa. Ang pamamahala sa lupa ay sapilitang aagawin ng Kaharian sa kamay ng mga tao. (Daniel 2:44) “Ang mga nagpapahamak ng lupa” ay ipahahamak din ng Diyos, upang iligtas ang lupa—at ang tao—mula sa pang-aabuso ng tao.—Apocalipsis 11:18; Eclesiastes 1:4.
Tiwasay sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos, ang lupa ay unti-unting magiging isang pangglobong paraiso. (Lucas 23:43) Babalik ang sakdal na balanse ng ekolohiya. Oo, magkakasundo na ang tao at hayop. (Isaias 11:6-9) Mawawala na ang digmaan at mga armas pandigma. (Awit 46:8, 9) Ang krimen, gutom, kawalan ng matitirhan, sakít—at maging ang kamatayan —ay pawang aalisin. Ang mga maninirahan sa lupa ay “tiyak na makasusumpong ng pantanging kagalakan sa kasaganaan ng kapayapaan.”—Awit 37:10, 11; 72:16; Isaias 65:21, 22; Apocalipsis 21:3, 4.
‘Pagsubok’ sa mga Pangako ng Diyos
Buhay na walang-hanggan sa paraiso—puwedeng ito ang maging kinabukasan mo! Bagaman maganda itong pakinggan, baka mahirap mo pang kalimutan ang paniwala na lahat ng mabuting tao ay sa langit pupunta, o baka alinlangan ka pa sa Bibliya mismo. Kahit ang mga kabataang Saksi ni Jehova ay nagiging mabuway rin sa pananampalataya kung minsan. Halimbawa, si Michelle ay pinalaki ng mga magulang na Saksi. Ang paniwala sa pagiging-totoo ng Bibliya ay gaya ng paniwala sa paghahalili ng araw at gabi. Pero isang araw ay bigla niyang natuklasan—hindi niya alam kung bakit siya naniniwala sa Bibliya. “Kaya siguro ako naniwala noon ay sapagkat naniwala din ang nanay at tatay ko,” sabi niya.
“Kung walang pananampalataya ay hindi magiging kalugud-lugod [sa Diyos],” sabi ng Bibliya. (Hebreo 11:6) Pero ang pananampalataya ay hindi isang bagay na taglay mo dahil lamang sa ito ay taglay ng nanay at tatay mo. Upang maging tiwasay ang iyong kinabukasan, dapat kang magkaroon ng isang pananampalataya na nasasalig sa matibay na ebidensiya—isang “tiyak na pag-asam-asam sa mga bagay na inaasahan.” (Hebreo 11:1) Sabi sa Bibliya, dapat mong “tiyakin ang lahat ng bagay,” o gaya ng pagkakasaad sa The Living Bible, “subukin ang lahat ng sinasabi upang matiyak kung ito ay totoo.”—1 Tesalonica 5:21.
Pagpapatunay sa Sarili na ang Bibliya nga’y Totoo
Baka dapat mo munang subukin kung ang Bibliya nga ay “kinasihan ng Diyos.” (2 Timoteo 3:16) Papaano gagawin ito? Bueno, ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat lamang ang tiyak na ‘makapagsasabi ng wakas mula pa sa simula.’ (Isaias 43:9; 46:10) At paulit-ulit niyang ginagawa ito sa Bibliya. Basahin ang mga hulang nakaulat sa Lucas 19:41-44 at 21:20, 21 hinggil sa pagbagsak ng Jerusalem. O ang mga hula sa Isaias 44:27, 28 at 45:1-4 hinggil sa pagbagsak ng Babilonya. Pinatutunayan ng sekular na kasaysayan na ang mga ito ay walang-pagkakamaling inihula ng Bibliya! “Matapos suriin ang ilan sa mga hula,” sabi ng 14-anyos na si Janine, “humanga talaga ako nang makita kong natupad ang lahat ng ito.”
Ang pagiging-wasto ng Bibliya sa kasaysayan, ang katapatan, ang pagiging-prangko, at kawalan ng salungatan ay karagdagan pang dahilan upang maniwala sa Bibliya. a Pero papaano mo matitiyak na tama ang unawa rito ng mga Saksi ni Jehova? Ang turo ni apostol Pablo sa Bibliya ay hindi pikit-matang tinanggap ng sinaunang mga taga-Berea. Sa halip, ‘sinuri nila araw-araw ang mga Kasulatan kung tunay nga ang mga bagay na ito.’—Gawa 17:11.
Hinihimok ka rin namin na gumawa ng masusing pagsusuri sa mga turo ng Bibliya. Ang mga turong ito ay inihaharap sa malinaw na paraan ng mga babasahing Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa at Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos (inilathala ng WatchtowerKawikaan 15:22) Hindi magtatagal at makikilala mo na tunay ngang pinagpala ni Jehova ang kaniyang mga Saksi sa pagbibigay sa kanila ng kagila-gilalas na unawa sa katotohanan ng Bibliya!
Bible and Tract Society of New York, Inc.). Kung Saksi ni Jehova ang mga magulang mo, tiyak na matutulungan ka nila sa iyong mga tanong. “Magtapat ka sa iyong mga magulang kung may problema ka sa bagay na ito,” mungkahi ng dalagang si Janel. “Magtanong ka kung hindi mo agad matanggap ang isang bagay.” (Sinabi ng kabataang si Prentice: “Kung minsan nalulungkot ako sa kalagayan ng daigdig. Bumabasa ako ng mga tekstong gaya ng Apocalipsis 21:4, at nagbibigay sa akin ito ng bagay na maaaring asam-asamin.” Oo, ang matatag na pananampalataya sa mga pangako ng Diyos ay tiyak na aapekto sa iyong pangmalas. Makatitingin ka sa kinabukasan nang may maligayang pananabik, hindi nang may kapanglawan. Ang kasalukuyang buhay mo ay nagagamit mo, hindi sa walang-kapararakang layunin, kundi sa ‘pagtitipon ng isang mabuting kinasasaligan para sa hinaharap, upang makapanghawakan ka sa tunay na buhay.’—1 Timoteo 6:19.
Ngunit may nasasangkot pa ba sa pagkakamit ng “tunay na buhay” kaysa pagkatuto at paniniwala lamang sa mga turo ng Bibliya?
[Talababa]
a Tingnan ang mga pahina 58-68 ng lathalaing Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan (lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.) ukol sa mas detalyadong impormasyon hinggil sa pagiging totoo ng Bibliya.
Mga Tanong para sa Talakayan
◻ Ano ang pinangangambahan ng mga kabataan sa kanilang kinabukasan?
◻ Ano ang orihinal na layunin ng Diyos ukol sa lupa? Bakit tayo makapagtitiwala na hindi nagbago ang layunin ng Diyos?
◻ Anong papel ang ginagampanan ng Kaharian ng Diyos sa pagtupad ng layunin ng Diyos ukol sa lupa?
◻ Bakit kailangan mong subukin ang pagiging-totoo ng mga turo ng Bibliya, at papaano mo gagawin ito?
◻ Papaano mo patutunayan sa iyong sarili na ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos?
[Blurb sa pahina 306]
“Ako’y masyadong pesimistiko. Hindi natin malulutas ang ating mga problema, totoo iyan.”—Sikologong si B. F. Skinner
[Larawan sa pahina 307]
Hindi papayag ang Maylikha ng lupa na sirain ng tao ang ating planeta
[Larawan sa pahina 309]
Kumbinsido ka ba sa sarili na totoo ang Bibliya?