Papaano Ako Magiging Malapit sa Diyos?
Kabanata 39
Papaano Ako Magiging Malapit sa Diyos?
MALAPIT—sa Diyos? Para sa marami, ang Diyos ay isang malayo, malabong larawan, isang walang-personang ‘Unang Sanhi.’ Kaya ang pagiging malapit sa kaniya ay baka maging nakalilito, oo, nakasisindak para sa iyo.
At saka, baka ang karanasan mo ay katulad niyaong sa dalagang si Lynda. Si Lynda ay pinalaki ng mga magulang na Kristiyano at nagunita niya: “Sa buong panahon [ng pagiging tinedyer], bihira akong pumalya sa mga Kristiyanong pagtitipon, at walang buwan na hindi ako nakibahagi sa pangangaral, pero hindi talaga ako nagkaroon ng matalik na pakikipag-ugnayan kay Jehova.”
Gayumpaman, ang iyong hinaharap ay nasasalig sa pagiging malapit sa Diyos. Sinabi ni Jesu-Kristo: “Ito’y nangangahulugan ng buhay na walang-hanggan, ang pagkuha nila ng kaalaman hinggil sa iyo, ang tanging tunay na Diyos.” (Juan 17:3) Ang “kaalaman” na ito ay higit pa kaysa pagkatuto o pagsasabi ng nalalaman—puwede ring gawin ito ng ateista. Nagsasangkot ito ng pagpapasulong ng ugnayan sa Diyos, at ng pagiging kaibigan niya. (Ihambing ang Santiago 2:23.) Sa halip na maging mahirap lapitan, tayo ay inaanyayahan ng Diyos na “hanapin . . . at talagang masumpungan siya,” sapagkat “hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.”—Gawa 17:27.
Kung Papaano Mo Makikilala ang Diyos
Natitigan mo na ba ang malalayong bituin, nakinig nang may pagkamangha sa hugong ng dagat, nabighani ng kaakit-akit na paruparo, o humanga sa maselang na kagandahan ng isang maliit na dahon? Sa mga gawang ito ng Diyos ay masisilip ang kaniyang sukdulang kapangyarihan, karunungan, at pag-ibig. Ang “hindi nakikitang mga katangian” ng Diyos ay “naaaninaw sa mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka-Diyos.”—Roma 1:19, 20.
Gayumpaman, higit pa ang dapat malaman tungkol sa Diyos kaysa ipinahahayag lamang ng paglalang. Kaya inilaan ng Diyos ang kaniyang nasusulat na Salita. Ang Diyos ay ipinakikilala ng aklat na ito, hindi bilang isang walang-pangalang tauhan o walang-personang puwersa, kundi isang tunay na Persona na may pangalan. “Alamin na si Jehova ay Diyos,” sabi ng mang-aawit. (Awit 100:3) Ipinakikilala din ng Bibliya ang Persona na nasa likod ng pangalang ito: “isang Diyos na maawain at maibigin, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.” (Exodo 34:6) Ang detalyadong ulat nito hinggil sa pakikitungo ng Diyos sa tao ay nagpapahintulot sa atin na makita kung papaano umaksiyon ang Diyos, wika nga! Kaya ang pagbabasa sa Bibliya ay mahalaga sa paglapit sa Diyos.
Paggawang Kasiya-siya sa Pagbabasa ng Bibliya
Totoo, ang Bibliya ay mahaba nga kung babasahin. Sapat na ang kapal nito para takutin ang mga kabataan na bumasa. Nagrereklamo ang iba na ang Bibliya ay nakasasawa. Ngunit ang Bibliya ay kapahayagan ng Diyos sa tao. Sinasabi nito kung saan tayo galing at kung saan patungo. Nililinaw nito kung ano ang dapat gawin upang mabuhay magpakailanman sa Paraisong2 Pedro 3:16) Subalit ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi dapat maging kabagut-bagot.
lupa. Papaano ka magsasawa rito? Sabihin na natin na ang Bibliya ay hindi magaang basahin, at dito’y “may mga bagay na mahirap unawain.” (Ang kabataang si Marvin ay nagbibigay ng praktikal na paraan para maging kawili-wili ang pagbabasa ng Bibliya: “Sinusubukan kong ilarawan ang tagpo at ilagay ang sarili ko roon.” Kuning halimbawa ang ulat sa Daniel kabanata 6. Imbis na basahin ito nang pahapyaw, kunwari ay ikaw si Daniel. Dinakip ka sa di-makatarungang paratang na pananalangin sa Diyos. Ang hatol? Kamatayan! Ikaw ay walang-habas na kinaladkad ng mga kawal Persiyano tungo sa iyong libingan—isang balon na punô ng gutum-na-gutom na mga leon.
Kasabay ng yumayanig na ugong, ay iniurong ang malaking bato na nakatakip. Nakapangingilabot ang ungol ng mga leon. Sa takot ay napaurong ka, pero pinigil ka ng mga kawal, ibinulid ka sa balon ng kamatayan sabay tulak sa bato na tumatakip sa bunganga nito. At sa pusikit na kadiliman, naramdaman mo ang pagdaiti ng isang bagay na mabalahibo . . .
Nakakasawa? Hindi! Pero tandaan: Hindi ka nagbabasa para lamang maaliw. Unawain ang itinuturo nito tungkol kay Jehova. Halimbawa, hindi ba ipinakikita ng karanasan ni Daniel na pinapayagan ni Jehova na mapaharap ang mga lingkod niya sa mahihigpit na pagsubok?
Subukan ding magkaroon ng regular na iskedyul sa pagbasa. Kung gagamit ka lamang ng 15 minuto araw-araw sa pagbabasa ng Bibliya, baka matapos mo ito sa isang taon! ‘Bilhin ang panahon’ mula sa di-gaanong mahalagang gawain—gaya ng panonood ng TV. (Efeso 5:16) Habang sumisipag ka sa pagbabasa ng Bibliya, madarama mong mas napapalapit ka sa Diyos.—Kawikaan 2:1, 5.
Sa Panalangin ay Lalo Kang Mapapalapit sa Kaniya
Naobserbahan ng dalagitang si Laverne, “Mahirap sabihin na ikaw ay may matalik na kaugnayan sa isa kung siya ay hindi mo kinakausap.” Palibhasa’y “Tagadinig ng panalangin,” tayo ay inaanyayahan ni Jehova na makipag-usap sa kaniya. (Awit) Kung mananalangin tayo nang may pananampalataya, “anuman ang hingin natin ayon sa kalooban niya, ay diringgin niya tayo.”— 65:21 Juan 5:14.
Ito ay natutuhan ni Lynda (na binanggit kanina) mula sa personal na karanasan. Sinabi niya na minsan, nang tumitindi ang mga problema at kaigtingan, siya ay ‘nanalangin nang walang patid sa loob ng maraming araw ukol sa kasagutan.’ Ang Diyos, na dati’y tila napakalayo, ay tila naging malapit sa kaniya nang masumpungan niya ang lakas upang makapagtiis. Isa pang kabataan, si Kay, ay natuto rin ng halaga ng panalangin: “Kung minsan ay parang gusto mong may mapaghingahan ng iyong niloloob, at walang mas mabuting paghingahan kundi si Jehova pagka’t si Jehova ay maunawain, at alam mong siya lamang ang talagang makatutulong sa iyo.”
Ngunit emosyonal na ginhawa lamang ba ang dulot ng panalangin? Hindi, tinitiyak ng Santiago 1:2-5 na kapag napaharap sa sarisaring pagsubok, dapat tayong “humingi sa Diyos, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya.” Maaaring hindi ilaan ni Jehova ang paraan upang makaiwas sa pagsubok, ngunit tinitiyak niya sa atin ang karunungan upang humarap sa pagsubok! Maaaring ipaalaala niya ang mga simulain ng Bibliya na may kaugnayan doon. (Ihambing ang Juan 14:26.) O maaaring itawag-pansin niya ang ilang bagay sa pamamagitan ng iyong personal na pag-aaral sa Bibliya o sa mga pagtitipong Kristiyano. At huwag kalilimutan, “hindi niya pababayaan na kayo ay matukso nang higit sa inyong matitiis, kundi . . . gagawin niya ang paraan ng pag-ilag.” Oo, hindi ka iiwang “nasa alanganin.” (1 Corinto 10:13; 2 Corinto 4:9) Hindi ba madadama mong higit kang napapalapit sa Diyos, palibhasa’y naranasan mo ang tulong niya sa pagharap sa isang pagsubok?
Subalit huwag ka lamang mananalangin ukol sa personal na mga problema. Sa kaniyang huwarang panalangin, binigyan ni Jesus ng pangunahing dako ang pagpapakabanal sa pangalan ni Jehova, ang pagdating ng Kaniyang Kaharian, at ang pagganap sa kalooban ng Diyos. (Mateo 6:9-13) Ang “daing na may pagpapasalamat” ay mahalaga ring sangkap sa panalangin.—Filipos 4:6.
Papaano kung basta naaasiwa kang manalangin? Idalangin mo ito! Hilingin mo sa Diyos na tulungan kang buksan ang iyong puso sa harapan niya. “Maging matiyaga sa panalangin,” at hindi magtatagal ay matutuklasan mo na malaya mong makakausap si Jehova na gaya ng isang matalik na kaibigan. (Roma 12:12) “Alam ko na tuwing ako’y magkakaproblema,” sabi ng kabataang si Maria, “puwede akong humingi kay Jehova ng patnubay at alam kong tutulungan niya ako.”
Hindi kailangang makipag-usap sa Diyos sa maririkit o pasikat na pananalita. “Ilagak mo ang iyong puso sa harap niya,” sabi ng mang-aawit. (Awit 62:8) Ipaalam sa kaniya ang iyong niloloob, ang iyong mga kabalisahan. Humingi sa kaniya ng tulong upang mapagtagumpayan ang iyong mga kahinaan. Hingin ang pagpapala niya sa iyong pamilya at sa mga kapuwa Kristiyano. Magmakaawa sa kaniya kapag nagkasala. Pasalamatan siya araw-araw sa kaloob na buhay. Kapag ang panalangin ay naging regular na bahagi ng iyong buhay, aakayin ka nito sa matalik at maligayang pakikipag-ugnayan sa Diyos na Jehova.
Pagpapahayag sa Madla ng Iyong Pakikipagkaibigan sa Diyos
Ngayong nakipagkaibigan ka na sa Diyos, hindi ka ba sabik na tumulong sa iba na magtamo din ng mahalagang ugnayang ito? Oo, lahat ng nais maging kaibigan ng Diyos ay dapatRoma 10:10.
gumawa ng “pangmadlang pagpapahayag ukol sa kaligtasan.”—Marami ang nagsisimula nang di-pormal, na nakikipag-usap sa mga kaeskuwela, kapitbahay, at kamag-anak. Sa kalaunan, sila ay sumasama na sa mga Saksi ni Jehova sa pangangaral sa “bahay-bahay.” (Gawa 5:42) Subali’t sa ilang kabataan, ang pangmadlang gawaing ito ay katitisuran. “Palagay ko’y maraming kabataan ang nahihiyang magbahay-bahay,” sabi ng isang kabataang Kristiyano. “Takot sila sa iisipin ng mga kaibigan nila.”
Kanino bang pagsang-ayon ang mahalaga sa iyo—ang sa mga kasinggulang mo o ang sa iyong makalangit na Kaibigan, si Jehova? Dapat bang hadlangan ng takot o hiya ang pagkakamit mo ng kaligtasan? “Manghawakang mahigpit sa pangmadlang pagpapahayag ng ating pag-asa at huwag mag-alinlangan,” sabi ni apostol Pablo. (Hebreo 10:23) Matutuklasan mo na sa wastong pagsasanay at paghahanda, makasusumpong ka rin ng tunay na kagalakan sa gawaing pangangaral!—1 Pedro 3:15.
Sa takdang panahon ang pagpapahalaga sa iyong makalangit na Kaibigan ay mag-uudyok sa iyo na gumawa ng walang-Roma 12:1; Mateo 28:19, 20) Hindi dapat maliitin ang pangmadlang pagpapahayag bilang isang nabautismuhang alagad ni Kristo. Kasali rito ang ‘pagtatakwil sa sarili’—pagsasa-isang tabi ng personal na mga ambisyon at pag-una sa mga kapakanan ng Diyos na Jehova. (Marcos 8:34) Kasali rin dito ang pagiging bahagi ng pandaigdig na organisasyon ng mga Saksi ni Jehova.
pasubaling pag-aalay sa Diyos at sagisagan ito ng bautismo sa tubig. (“Sa palagay ko’y maraming kabataan ang atubiling pabautismo,” sabi ng kabataang si Robert. “Takot silang kunin ang huling hakbang na ito, kasi hindi na sila makaaatras.” Totoo, hindi ka puwedeng umatras sa iyong pag-aalay sa Diyos. (Ihambing ang Eclesiastes 5:4.) Subalit “sa nakakaalam ng mabuti at hindi ito ginagawa, ito’y kasalanan niya”—nabautismuhan man o hindi! (Santiago 4:17) Ang isyu ay, Mahalaga ba sa iyo ang pakikipagkaibigan ng Diyos? Gusto mo bang maglingkod sa kaniya magpakailanman? Kung gayon huwag gawing hadlang ang takot sa pagpapahayag ng sarili bilang kaibigan ng Diyos.
Walang-Hanggang Pakinabang Para sa mga Kaibigan ng Diyos
Ang pakikipagkaibigan sa Diyos ay gagawa sa iyo na kasalungat ng buong daigdig. (Juan 15:19) Baka maging tudlaan ka ng panunuya. Sasalakayin ka ng mga kahirapan, problema, at tukso. Ngunit huwag kang papayag na ang pakikipag-ugnayan mo sa Diyos ay nakawin ng sinuman o anuman. Tinitiyak niya ang kaniyang walang maliw na pagtangkilik, sa pagsasabing: “Sa anumang paraa’y hindi kita iiwan at sa anumang paraa’y hindi kita pababayaan.”—Hebreo 13:5.
Ang aklat na ito ay isa lamang sa mga ebidensiya ng malasakit ni Jehova at ng kaniyang organisasyon sa iyong walang-hanggang kapakanan. At bagaman hindi nakuhang sagutin sa mga pahina nito ang lahat mong tanong at problema, tiyak na mas naniniwala ka ngayon na ang Bibliya ay isang bukal ng karunungan na hindi masasaid! (2 Timoteo 3:16, 17) Kapag binabagabag ng problema, saliksikin ang sagradong aklat na yaon. (Kawikaan 2:4, 5) Kung ang mga magulang mo’y may takot sa Diyos, taglay mo ang isa pang bukal ng espirituwal na karunungan at alalay—ilagak mo lamang ang puso mo sa kanila.
Higit sa lahat, tandaan na lahat ng sagot ay na kay Jehova. Siya ay “handang saklolo sa mga kabagabagan,” at papatnubayan ka niya sa anumang kagipitan. (Awit 46:1) Kaya ‘alalahanin, ngayon, ang iyong Dakilang Maylikha sa mga kaarawan ng iyong kabataan.’ (Eclesiastes 12:1) Ito ang landasin na magpapasaya sa puso ni Jehova. (Kawikaan 27:11) Ito ang paraan upang matamo ang buhay na walang-hanggan sa walang-kupas na Paraiso—ang gantimpalang itinataan ng Diyos sa mga kaibigan niya.
Mga Tanong para sa Talakayan
◻ Bakit mahalaga ang pagkakaroon mo ng matalik na kaugnayan sa Diyos?
◻ Ano ang isinisiwalat ng Bibliya tungkol sa Diyos?
◻ Papaano mo gagawing kasiya-siya at mabunga ang pagbabasa sa Bibliya?
◻ Ano ang kasali sa paggawa ng “pangmadlang pagpapahayag” ng iyong pananampalataya? Nauudyukan ka bang gawin ito? Bakit?
◻ Anong papel ang ginagampanan ng mga pulong sa pagiging malapit sa Diyos, at papaano mo makukuha ang pinakamalaking pakinabang mula sa mga ito?
◻ Ano ang mga kapakinabangan ng pagiging kaibigan ng Diyos?
[Blurb sa pahina 311]
Totoo bang maaari akong maging malapit sa Diyos?
[Blurb sa pahina 312]
Ang Bibliya ay kapahayagan ng Diyos sa tao. Sinasabi nito kung saan tayo galing at kung saan tayo patungo
[Kahon/Larawan sa pahina 316, 317]
Mga Pulong—Tulong sa Pagiging Malapit sa Diyos
“Natuklasan ko na ang matalik na pakikisama sa iba na umiibig din kay Jehova ay tumutulong sa akin na maging malapit sa kaniya.” Ganito ang sabi ng isang kabataang taga-Nigeria. Nagsasaayos ang mga Saksi ni Jehova ng ganitong pagsasamahan sa kanilang lokal na mga Kingdom Hall. (Hebreo 10:23-25) Sinabi ng 16-anyos na si Anita: “Sa Kingdom Hall, nakasumpong ako ng tunay na mga kaibigan.”
Gayunman, ang mga pagtitipong ito ay hindi basta sosyal na kaayusan. Ang mga Kingdom Hall ay naglalaan ng kurso sa pag-aaral sa Bibliya, sa limang lingguhang pulong. Sarisari ang paksang sinasaklaw: buhay pamilya, hula ng Bibliya, asal, doktrina, at ang ministeryong Kristiyano ay ilan lamang sa mga ito. Bagaman hindi detalyadong mga produksiyon, ang mga pulong ay inihaharap sa kawili-wiling paraan. Ang mga pahayag at pag-uusap ay malimit salitan ng mga panayam at masisiglang pagtatanghal. Namumukod-tangi ang Paaralan sa Teokratikong Pagmiministro sapagka’t libu-libo ang nasanay nito upang maging mabisang tagapagsalita sa publiko.
Papaano kung dumadalo ka na sa mga pulong? Sikaping makinabang nang higit mula rito. (1) Maghanda: “Nagbukod ako ng tiyak na panahon sa pag-aaral ng mga aklat na ginagamit sa mga pulong,” sabi ni Anita. Tutulungan ka nito upang maging madali ang (2) Makibahagi: Bilang kabataan, si Jesus ay matamang nakinig, nagtanong, at nagbigay ng mga sagot nang pinag-uusapan ang espirituwal na mga bagay sa templo. (Lucas 2:46, 47) Maaari ka ring “mag-ukol ng higit sa karaniwang pansin sa mga bagay na narinig,” at kumuha ng mga nota upang huwag maglakbay ang isip. (Hebreo 2:1) Kapag hiniling ang pakikibahagi ng tagapakinig, magkomento.
Isa pang nakatutulong na mungkahi ay (3) Gamitin ang natutuhan: Ibahagi sa iba ang mga puntong natutuhan. Mas mahalaga pa, ikapit sa iyong buhay ang natutuhan, at gawin ang mga kinakailangang pagbabago. Ipakita na ang katotohanan ay “nagkakabisa sa inyo.”—1 Tesalonica 2:13.
Unahin ang mga pulong. Kung napakarami mong araling-bahay, subukang gawin ito bago magpulong. “Gustung-gusto kong makipagkuwentuhan at magpaiwan pagkaraan ng mga pulong,” sabi ng kabataang si Simeon. “Pero kung may homework ako, umaalis ako agad para gawin ito.” Anuman ang kaayusang gawin mo, sikaping maging palagian sa mga pulong. Mahalaga ang mga ito sa iyong espirituwal na pagsulong.
[Larawan sa pahina 315]
Ang pagbabasa ng Bibliya ay mahalaga sa pakikipagkaibigan sa Diyos
[Mga Larawan sa pahina 318]
“Alam ko na tuwing ako’y magkakaproblema puwede akong humingi kay Jehova ng patnubay at alam kong tutulungan niya ako”