Pakikipag-date, Pag-ibig, at ang Di-kasekso
Bahagi 7
Pakikipag-date, Pag-ibig, at ang Di-kasekso
Ikaw ay nagsisimula nang maakit sa di mo kasekso—marahil ay sa isa na natatangi. Bumubugso sa katawan mo ang bagong mga damdamin at emosyon. Ano ba talaga ang nararamdaman mo? Ito ba’y pag-ibig—yaong walang katapusan—o baka iba naman ito? Ano nga ba ang dapat mong gawin sa mga damdaming ito? Suriin natin ang ilang makatuwirang sagot sa mga tanong mo hinggil sa pag-iibigan.