Anakim, Mga
[Yaong mga kay Anak].
Isang lahi ng napakatatangkad na mga tao na nanirahan sa mga bulubunduking pook ng Canaan at gayundin sa ilang baybaying lugar, partikular na sa T nito. Tatlong prominenteng lalaki ng mga Anakim ang naninirahan noon sa Hebron, samakatuwid nga, sina Ahiman, Sesai, at Talmai. (Bil 13:22) Doon unang nakita ng 12 Hebreong tiktik ang mga Anakim, anupat 10 sa mga tiktik ang nagbigay ng nakatatakot na ulat tungkol sa kanilang nakita at nagsabing ang mga taong iyon ay mga inapo ng mga Nefilim na nabuhay bago ang Baha at na parang “mga tipaklong” lamang ang mga Hebreo kung ihahambing sa kanila. (Bil 13:28-33; Deu 1:28) Dahil napakatatangkad nila, sa kanila inihahambing ang malahiganteng mga lalaki ng mga Emim at mga Repaim kapag inilalarawan ang mga ito. Lumilitaw na dahil sa kanilang kalakasan ay nagkaroon ng kasabihang, “Sino ang makatatayo nang matatag sa harap ng mga anak ni Anak?”—Deu 2:10, 11, 20, 21; 9:1-3.
Noong mabilis na kinukubkob ni Josue ang mga lupain sa Canaan, nagtamo siya ng mga tagumpay Jos 11:21, 22) Nang maglaon ay hiniling ni Caleb ang lunsod ng Hebron (Kiriat-arba) at ang teritoryo nito, gaya ng ipinangako sa kaniya ng Diyos. (Jos 14:12-15; Bil 14:24) Lumilitaw na muling nanirahan doon ang mga Anakim, marahil ay habang ipinagpapatuloy ni Josue at ng kaniyang hukbo ang pananakop sa hilagaang mga bahagi ng Canaan, kung kaya kinailangan pa ni Caleb na muling lupigin ang teritoryo.—Huk 1:10, 20.
laban sa mga Anakim sa mga bulubunduking pook, anupat winasak ang kanilang mga lunsod, ngunit mayroon pang mga Anakim sa mga Filisteong lunsod ng Gaza, Asdod, at Gat. Hindi binanggit sa ulat kung ang mga Anakim ay kamag-anak ng mga Filisteo, gaya ng ipinapalagay ng ilan, o kung iniugnay lamang sila sa mga ito. (Ang mga teksto ng pagsumpa ng mga Ehipsiyo (mula sa mga kagamitang luwad na pinagsulatan ng mga pangalan ng mga kaaway ng paraon at pagkatapos ay binasag bilang isang sumpa) ay posibleng tumutukoy sa isang tribo ni Anak sa Palestina bilang Iy-ʽanaq.