FEATURE
Ang Ministeryo ng Apostol na si Pablo
MATAPOS atasan ni Jesus si Pablo upang maging apostol sa mga bansa, buong-sigasig nitong ginampanan ang kaniyang gawain. (Ro 11:13) Nakarating siya sa Ciprus at Asia Minor sa kaniyang unang paglalakbay bilang misyonero. Itinapon siya sa labas ng mga lunsod ng galít na mga mang-uumog, anupat pinagbabato pa nga at iniwan sa pag-aakalang patay na siya. Ngunit bumalik siya upang palakasin yaong mga naging alagad.
Noong kaniyang ikalawang paglalakbay, nakarating siya hanggang sa Macedonia at Gresya. Dito ay nakapagpatotoo siya sa Areopago sa Atenas, gaya ng nakalarawan sa ibaba.
Noong ikatlong paglalakbay ni Pablo, nangaral siya nang mga tatlong taon sa Efeso, isang salubungang-dako ng daigdig na Romano. Pagkatapos ay pumaroon siya sa Macedonia at Gresya upang patibayin ang mga kongregasyon doon.
Habang siya ay bilanggo ng pamahalaang Romano, sinamantala ni Pablo ang panahon sa pagsulat ng kinasihang mga liham na bahagi ng Bibliya sa ngayon.