Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Arkanghel

Arkanghel

Sa salitang Ingles na archangel, ang unlaping arch ay nangangahulugang “puno” o “pangunahin,” nagpapahiwatig na iisa lamang ang arkanghel, ang punong anghel; sa Kasulatan, ang “arkanghel” ay hindi kailanman lumilitaw sa anyong pangmaramihan. Sa 1 Tesalonica 4:16, tinukoy ang pagiging nakatataas ng arkanghel at ang awtoridad ng kaniyang katungkulan may kaugnayan sa binuhay-muling Panginoong Jesu-Kristo: “Ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may nag-uutos na panawagan, may tinig ng arkanghel at may trumpeta ng Diyos, at yaong mga patay na kaisa ni Kristo ang unang babangon.” Samakatuwid, may dahilan kung bakit ang tanging pangalan na tuwirang iniuugnay sa salitang “arkanghel” ay Miguel.​—Jud 9; tingnan ang MIGUEL Blg. 1.