Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Baalat-beer

Baalat-beer

[Among Babae ng Balon].

Isang nakapaloob na lunsod ng Simeon na nasa teritoryo ng Juda. (Jos 19:1, 8) Bagaman tinatawag din itong “Rama ng timog” (o Negeb), maliwanag na tinutukoy lamang ito bilang Baal sa 1 Cronica 4:33 at maaaring ito rin ang “Ramot ng timog” sa 1 Samuel 30:27. Ipinahihiwatig ng mga pagtukoy rito na ito ay nasa T ng Beer-sheba, sa gayon ay nasa Negeb.