Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bet-eden

Bet-eden

[Bahay ng Eden].

Isang lunsod o rehiyon ng Sirya na tinukoy sa Amos 1:5 sa mensahe ng propeta laban sa Damasco. Sa ngayon, karaniwang ipinapalagay na ito ang Bit-adini sa mga inskripsiyong Asiryano, isang rehiyong nasa pagitan ng mga ilog ng Eufrates at ng Balikh. Gayunman, ang gayong lokasyon ay masasabi lamang na tama kung ang “Damasco” sa hula ay ituturing na kumakatawan sa mga kahariang Arameano (Siryano) sa pangkalahatan, yamang ang kaharian ng Bit-adini ay mga 480 km (300 mi) sa H ng Damasco. Ang totoo, ang Damasco ay tinatawag na “ulo ng Sirya” sa Isaias 7:8.

Ang hula ni Amos (malamang na noong mga 804 B.C.E.) na “ang bayan ng Sirya ay paroroon sa Kir bilang mga tapon” ay maliwanag na natupad sa panahon ng Asiryanong monarka na si Tiglat-pileser III, noong panahon ng paghahari ni Haring Ahaz (761-746 B.C.E.).​—2Ha 16:9.

“Ang mga anak ng Eden” na binanggit sa 2 Hari 19:12 at Isaias 37:12 ay maaaring tumutukoy sa taong-bayan ng Bet-eden, marahil ang “Eden” ng Ezekiel 27:23.​—Tingnan ang EDEN Blg. 2.