Claudio
Ikaapat na emperador ng Roma; anak ni Drusus na kapatid ni Tiberio, at tiyo ni Caligula, na sinundan niya sa trono noong 41 C.E. Mahina ang pangangatawan ni Claudio, gayundin ang kaniyang determinasyon, at bagaman interesado siya sa kasaysayan, pagsulat, at iba pang gawaing akademiko, ipinalagay ng kaniyang mga hinalinhan na hindi niya kayang humawak ng kapangyarihan at dahil dito’y mas pinaboran nila ang iba na maging kahalili nila. Ngunit noong panahon ng kaguluhan matapos mapaslang si Caligula, nanaig ang Tanod ng Pretorio at ipinroklama nito si Claudio bilang Emperador. Ang isa sa mga sumuporta sa kaniya sa pag-aagawang ito ng kapangyarihan ay si Herodes Agripa I, na ginantimpalaan ni Claudio nang pagtibayin niya ang pagkahari nito at idagdag ang Judea at Samaria sa mga nasasakupan nito. Nakuha rin ni Claudio ang pabor ng Senado. Iniuulat na nilason siya ng kaniyang ikaapat na asawa sa pamamagitan ng mga kabute noong 54 C.E., sa ika-14 na taon ng kaniyang pamamahala. Pagkatapos ay lumuklok sa kapangyarihan si Nero.
Inihula ng propetang si Agabo na magkakaroon ng “isang malaking taggutom . . . sa buong tinatahanang lupa,” na “talaga namang naganap noong panahon ni Claudio.” Dahil dito, ang mga Kristiyano sa Antioquia ay nagbigay ng “tulong bilang paglilingkod” para sa kanilang mga kapatid sa Jerusalem at Judea. (Gaw 11:27-30) Ang taggutom na iyon sa Palestina noong namamahala si Claudio ay tinawag ni Josephus (Jewish Antiquities, XX, 49-53 [ii, 5]; XX, 101 [v, 2]) na “malaking taggutom” at tinatayang naganap noong mga 46 C.E.
Noong 49 C.E. o noong maagang bahagi ng 50 C.E., sa ikasiyam na taon ng kaniyang pamamahala, “ipinag-utos ni Claudio na lisanin ng lahat ng mga Judio ang Roma.” Pinatutunayan ng Romanong biyograpo at istoryador na si Suetonius na Gaw 18:1-3) Sa pasimula ng pamamahala ni Claudio, mabuti ang pakikitungo niya sa mga Judio, anupat ipinag-utos pa nga niya ang pagiging mapagparaya sa mga ito at binigyan niya sila ng iba’t ibang kalayaan sa buong imperyo. Gayunman, lumilitaw na ang maraming Judio sa Roma ay manggugulo, kung kaya pinalayas sila ni Claudio mula sa lunsod.
pinalayas ni Claudio ang mga Judio mula sa Roma. (The Lives of the Caesars, Claudius, XXV, 4) Bilang resulta ng pagpapalayas na iyon, dalawang Kristiyanong Judio, sina Aquila at Priscila, ang umalis sa Roma at pumaroon sa Corinto, kung saan di-nagtagal ay nakilala nila ang apostol na si Pablo, malamang na noong taglagas ng taóng 50 C.E. (