Hezron
[Looban; Pamayanan].
1. Anak ni Ruben at ulo ng angkan ng “mga Hezronita.”—Gen 46:9; Exo 6:14; Bil 26:4-6; 1Cr 5:3.
Gen 46:12; Bil 26:20, 21; Ru 4:18-22; Mat 1:3; Luc 3:33) Sa edad na 60, kinuha ni Hezron ang anak na babae ni Makir bilang asawa at naging anak niya rito si Segub. (1Cr 2:21) Maliwanag na ang kaniyang mga anak na sina Jerameel, Ram, at Kelubai (Caleb) ay mas naunang ipinanganak.—1Cr 2:9, 18, 25.
2. Anak ni Perez at ulo ng pamilya ng Judeanong “mga Hezronita”; ninuno ni Haring David at ni Jesu-Kristo. (Ayon sa mababasa sa 1 Cronica 2:24 sa tekstong Masoretiko, si Hezron ay namatay sa Caleb-eprata, at pagkatapos nito ay isinilang ng kaniyang balong si Abias si Ashur, na ama ni Tekoa. Gayunman, naniniwala ang ilang iskolar na hindi naingatan sa tekstong Masoretiko ang gaya ng mababasa sa orihinal, yamang si Hezron ay nakatalang kabilang sa 70 “kaluluwa sa sambahayan ni Jacob na pumaroon sa Ehipto” at sa gayon ay malamang na namatay sa lupaing iyon (Gen 46:12, 26, 27), at para sa kanila ay malayong mangyari na isang lugar sa Ehipto ang magtataglay ng pangalang Hebreo na Caleb-eprata. Dahil dito, iwinasto ng maraming tagapagsalin ang 1 Cronica 2:24 upang higit na makatugma ng mababasa sa Griegong Septuagint at sa Latin na Vulgate. Ganito ang salin ng The Jerusalem Bible sa tekstong ito: “Pagkamatay ni Hezron, napangasawa ni Caleb si Eprata, asawa ni Hezron na kaniyang ama, na sa kaniya ay isinilang nito si Ashur, ama ni Tekoa.” Ang salin ni J. B. Rotherham ay kababasahan: “At pagkamatay ni Hezron ay pumasok si Caleb sa Eprata, at ang asawa ni Hezron ay si Abia na sa kaniya ay isinilang nito si Ashur na ama ni Tekoa.” Kaya, ayon sa mga pagbabagong ito, si “Ashur” ay alinman sa “anak” ni Hezron kay Abia (Abias) o “anak” ni Caleb kay Eprata.
3. Isang lunsod sa timugang hanggahan ng Juda na nasa pagitan ng Kades-barnea at Addar. (Jos 15:1-3) Gayunman, sa katulad na ulat sa Bilang 34:4 ay hindi itinatala nang magkabukod ang Hezron at Addar anupat kababasahan ito ng “Hazar-addar,” na nagpapahiwatig na ang Hezron, o Hazar, ay malamang na malapit sa Addar, kung hindi man ang mismong lugar na iyon.—Tingnan ang ADDAR Blg. 2.