Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Itim na Mulberi, Puno ng

Itim na Mulberi, Puno ng

[sa Gr., sy·kaʹmi·nos].

Ang punungkahoy na ito, tinatawag ding sycamine, ay minsan lamang binanggit, sa sinabi ni Jesus sa mga apostol may kaugnayan sa kanilang pananampalataya. (Luc 17:5, 6, tlb sa Rbi8) Ang salitang Griego na ginamit ay laging ikinakapit noon sa puno ng mulberi, at ang itim na mulberi (Morus nigra) ay karaniwang itinatanim sa Israel. Ito ay isang matibay na punungkahoy na umaabot sa taas na mga 6 na m (20 piye), na ang mga dahon ay malalaki at hugis-puso at ang bunga ay matingkad na pula o itim at kahawig ng blackberry.