Kalikasan
Ang saligang kaurian o kayarian ng isang bagay. Maaari itong tumukoy sa kung ano ang isang tao nang ipanganak siya, gayundin sa mga katangiang namamana kasama ng karaniwang kaugalian. Kung minsan, tumutukoy ito sa pisikal na mga pagnanasa ng isang organismo. Karaniwan nang isinasalin ang mga salitang Griego na phyʹsis bilang “kalikasan” at phy·si·kosʹ (ang anyong pang-uri) bilang “likas.”
Mga Tao at mga Hayop. Ang kaibahan ng kalikasan ng tao sa kalikasan ng maiilap na hayop, at maging ang pagkakaiba-iba ng kalikasan ng maiilap na hayop, ay ipinakikita ng pananalita sa Santiago 3:7: “Sapagkat ang bawat uri [sa Gr., phyʹsis, “kalikasan”] ng mailap na hayop at gayundin ng ibon at gumagapang na bagay at nilalang sa dagat ay pinaaamo at napaamo na ng tao [phyʹsei tei an·thro·piʹnei, “kalikasang nauukol sa tao”].” Isinisiwalat ng pagkakaiba-ibang ito ng “kalikasan” ang pagkakasari-sari ng mga nilalang ng Diyos at napananatili ito dahil sa batas ng Diyos na ang bawat isa ay magpaparami ayon sa sarili nitong uri.—Gen 1:20-28; ihambing ang 1Co 15:39.
Tulad-Diyos na Kalikasan. Iba rin ang kalikasan niyaong mga nasa langit, o ng mga espiritung nilalang ng Diyos. Ang apostol na si Pedro ay may sinabi sa kaniyang mga kapuwa Kristiyano, espirituwal na mga kapatid ni Jesu-Kristo, tungkol sa “mahalaga at napakadakilang mga pangako, upang sa pamamagitan ng mga ito ay maging mga kabahagi kayo sa tulad-Diyos na kalikasan [phyʹse·os].” (2Pe 1:4) Ito ay pakikibahagi kay Kristo sa kaniyang kaluwalhatian bilang mga espiritung persona, gaya ng ipinakikita ni Pedro sa kaniyang unang liham: “Binigyan . . . tayo [ng Diyos] ng isang bagong pagsilang [a·na·gen·neʹsas he·masʹ, “iniluwal tayong muli”] tungo sa isang buháy na pag-asa sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo mula sa mga patay, tungo sa isang walang-kasiraan at walang-dungis at walang-kupas na mana. Ito ay nakataan sa langit para sa inyo.” (1Pe 1:3, 4) Upang matamo ang “tulad-Diyos na kalikasan,” kailangan ang pagbabago ng kalikasan sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay-muli, gaya ng nililinaw ng apostol na si Pablo sa Unang Corinto kabanata 15. Ipinaliliwanag niya na ang Kristiyano ay dapat mamatay at buhaying-muli sa isang naiibang katawan, isa na espirituwal, na humihiling ng pagbabago.—1Co 15:36, 38, 44, 49, 51.
Katutubong Kalikasan. Nagsalita si Pablo tungkol sa mga kababayan niyang Judio, anupat tinawag niya silang “mga likas na Judio,” samakatuwid nga, anak ng mga magulang na Judio, mula sa mga anak ni Israel, o Jacob.—Gal 2:15; ihambing ang Ro 2:27.
Sa ilustrasyon tungkol sa punong olibo, ang mga Judio sa laman ay tinawag niyang likas (ka·taʹ phyʹsin, “ayon sa kalikasan”) na mga sanga ng alagang olibo. Sinabi niya sa mga Kristiyanong Gentil: “Sapagkat kung ikaw ay pinutol mula sa punong olibo na likas na ligáw at inihugpong sa alagang punong olibo nang salungat sa kalikasan, lalo pa Ro 11:21-24) Ang ligáw na punong olibo ay di-mabunga o nagluluwal ng bungang napakababa ang uri, ngunit karaniwang kaugalian sa mga bansang Mediteraneo na ihugpong ang mga sanga ng tanim na punong olibo sa ligáw na punong olibo upang magluwal ito ng mabuting bunga. Pero ang tinukoy ni Pablo ay ang paghuhugpong ng ligáw na olibo sa isang tanim na olibo, na hindi karaniwang ginagawa. Sinabi niya na ang paghuhugpong na ito ay “salungat sa kalikasan” at ginamit itong halimbawa para idiin ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos sa mga Gentil nang kunin niya sila para humalili sa “likas na mga sanga.” Ang mga Judio ay ‘tanim’ ni Jehova sa loob ng maraming siglo, pero ang mga Gentil ay “ligáw,” anupat wala sa tunay na relihiyon at hindi nagluluwal ng bunga para sa Diyos. Pero ngayon, puwede na silang makapagluwal ng mainam na bunga. Gagawin ito ni Jehova sa pamamagitan ng matagumpay na ‘paghuhugpong.’
ngang ang mga ito na likas ay ihuhugpong sa kanilang sariling punong olibo!” (Gayundin, sa kaniyang argumento sa mga taga-Galacia upang hadlangan ang pagkaalipin nila sa mga turo ng Judaismo, sinabi ni Pablo: “Nang hindi pa ninyo kilala ang Diyos, noon nga ay napaalipin kayo roon sa mga sa kalikasan ay hindi mga diyos.” Ang huwad na mga diyos na dati nilang sinasamba ay hindi tunay na mga diyos dahil sa pinagmulan ng mga ito at dahil ginawa lamang ang mga ito; imposibleng sumapit ang mga ito sa gayong katayuan. Bukod sa walang awtoridad na maging mga diyos, ang mga ito ay wala ring gayong mga katangian sa kanilang katutubong kalikasan o kaurian.—Gal 4:8.
Budhi. Ang ilang ugali o katangian ay taglay ng mga tao mula sa kapanganakan, at sa katunayan ay inilagay ang mga iyon sa tao buhat sa pasimula. Ang apostol na si Pablo ay nagkomento tungkol sa budhi, o sa bakas man lamang nito, na taglay pa rin ng makasalanang tao, bagaman sa maraming kaso ay lumihis siya mula sa Diyos at wala sa kaniya ang batas ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga bansa ay nakapagtatag ng maraming batas na kaayon ng katuwiran at katarungan, at maraming indibiduwal ang sumusunod sa ilang mabubuting simulain. Sinabi ni Pablo: “Sapagkat kailanma’t ang mga tao ng mga bansa na walang kautusan ay likas na gumagawa ng mga bagay na nasa kautusan, ang mga taong ito, bagaman walang kautusan, ay kautusan sa kanilang sarili. Sila mismo ang nagpapakita na ang diwa ng kautusan ay nakasulat sa kanilang mga puso, samantalang ang kanilang budhi ay nagpapatotoong kasama nila at, sa pagitan ng kanilang sariling mga kaisipan, sila ay inaakusahan o ipinagdadahilan pa nga.”—Ro 2:14, 15.
Nang tinatalakay niya sa kongregasyon ng Corinto ang tungkol sa pagkaulo, itinawag-pansin ni Pablo ang alituntunin na ang isang babae ay dapat maglagay ng talukbong sa ulo kapag nananalangin o nanghuhula sa harap ng kongregasyon, bilang tanda ng pagpapasakop. Bilang ilustrasyon, sinabi niya: “Hindi ba ang kalikasan mismo ang nagtuturo sa inyo na kung ang lalaki ay may mahabang buhok, ito ay kasiraang-puri sa kaniya; ngunit kung ang babae ay may mahabang buhok, ito ay kaluwalhatian sa kaniya? Sapagkat ang kaniyang buhok ang ibinigay sa kaniya sa halip na isang panakip sa ulo.”—1Co 11:14, 15.
Nang tukuyin ni Pablo ang “kalikasan mismo,” maliwanag na higit pa ang saklaw nito kaysa sa “kaugalian,” na binanggit niya sa talata 16 may kaugnayan sa paggamit ng mga babae ng talukbong sa ulo. Malamang na ang mga katangiang namana ay nakaapekto rin sa pangmalas ng mga Kristiyano sa Corinto hinggil sa kung ano ang likas. Sa mga Europeo (gaya ng mga Griego), ang buhok ng mga babae, kapag hindi ginupitan, ay kadalasang mas mahaba kaysa sa buhok ng mga lalaki. Ngunit hindi ito totoo kung tungkol sa tuwid na buhok ng mga taga-Silangan at mga Indian o sa kulot na buhok ng mga Itim at mga Melanesiano.
Bukod pa sa kanilang kabatiran sa mga katangiang namamana sa gitna nila, alam ng mga Kristiyano sa Corinto na karaniwang kaugalian ng mga lalaki na pagupitan ang kanilang buhok nang katamtamang haba. Karaniwan din ito sa mga lalaking Judio; kaya naman ang buhok ng mga Nazareo na mahaba at di-ginugupitan ay nagpakilala sa kanila bilang mga lalaking hindi sumusunod sa kaugalian ng nakararami. (Bil 6:5) Sa kabilang dako, kadalasang nagpapahaba ng buhok ang mga babaing Judio. (Luc 7:38; Ju 11:2) At sa Griegong lunsod ng Corinto, kapag inahitan ang ulo ng isang babae, o ginupitan ang kaniyang buhok nang napakaikli, isa itong tanda ng pagiging alipin niya o ng kaniyang kahihiyan dahil nahuli siyang nakikiapid o nangangalunya.—1Co 11:6.
Kaya, nang sabihin niyang “kalikasan mismo” ang nagturo sa kanila, maliwanag na nasa isip ni Pablo ang iba’t ibang salik na makaiimpluwensiya sa kanilang saloobin sa kung ano ang likas.
Sa pagsasabing “Hindi ba ang kalikasan mismo ang nagtuturo sa inyo . . . ?” hindi ginagawang persona ni Pablo ang kalikasan, na para bang ito ay isang diyosa. Sa halip, binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang mangatuwiran. Sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay at pangangatuwiran hinggil sa mga iyon ayon sa pagkakagawa ng Diyos sa mga iyon at sa mga resulta ng Ro 1:26, 27; Tit 1:15; 1Co 8:7.
paggamit sa mga iyon sa iba’t ibang paraan, malaki ang matututuhan ng tao tungkol sa kung ano ang wasto. Ang Diyos talaga ang nagtuturo, at kapag ang isip ng tao ay wastong nasanay ng Salita ng Diyos, maaari niyang malasin ang mga bagay-bagay sa wastong punto de vista at kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa, sa gayon ay may-katumpakang napag-uunawa kung ano ang likas o di-likas. Sa ganitong paraan, ang indibiduwal ay maaaring magkaroon ng isang sinanay na budhi may kaugnayan dito at maiiwasan niyang magkaroon ng budhi na nadungisan at sumasang-ayon sa mga bagay na di-likas.—Likas na Paggamit ng Katawan. Magiging mali para sa mga lalaki at mga babae na gamitin nila ang kanilang mga katawan sa anumang paraan na hindi kasuwato ng layunin ng Diyos sa paglalang sa mga iyon. Anumang di-likas ayon sa diwang iyan ay makasalanan. Inilalarawan ng Kasulatan ang karumihan at kahatulan na sasapit sa mga nagsasagawa ng mga bagay na ito: “Kaya naman ibinigay sila ng Diyos sa kahiya-hiyang mga pita sa sekso, sapagkat kapuwa ang kanilang mga babae ay nagpalit ng likas [phy·si·kenʹ] na gamit ng kanilang sarili tungo sa isa na salungat sa kalikasan; at gayundin maging ang mga lalaki ay nag-iwan ng likas na paggamit sa babae at nagningas nang matindi sa kanilang masamang pita sa isa’t isa, mga lalaki sa mga kapuwa lalaki, na ginagawa ang malaswa at tinatanggap sa kanilang sarili ang lubos na kabayaran, na siyang nararapat sa kanilang kamalian.” Ibinababa ng gayong mga tao ang kanilang sarili sa antas ng mga hayop. (Ro 1:26, 27; 2Pe 2:12) Sumusunod sila sa mali at makalamang mga bagay sapagkat, tulad ng hayop, wala silang pagkamakatuwiran at espirituwalidad.—Jud 7, 10.
Kapanganakan. Ang isa pang salitang Griego na isinaling “likas” ay geʹne·sis, literal na nangangahulugang “kapanganakan” o “pinagmulan.” Binanggit ni Santiago ang tungkol sa “isang tao na tumitingin sa kaniyang likas na mukha [sa literal, ang mukha ng kapanganakan niya] sa salamin.” (San 1:23) Sinabi rin ni Santiago na “ang dila ay isang apoy” at na “sinisilaban [nito] ang gulong ng likas na buhay [sa literal, ang gulong ng kapanganakan].” (San 3:5, 6) Maaaring ang tinutukoy rito ni Santiago ay isang gulong, gaya ng sa karo, na maaaring magliyab kapag nag-init at nagbaga ang ehe nito. Sa katulad na paraan, maaaring silaban ng dila ang buong siklo ng buhay na kinapanganakan ng isang tao, anupat ang buhay niya ay nagiging tulad ng isang malupit na siklo, at posible pa ngang humantong siya sa pagkapuksa na waring sa pamamagitan ng apoy.