Kenan
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “maglabas; magtamo; bumili”].
Anak ni Enos, apo ni Set, at apo sa tuhod ni Adan. Siya ay ama ni Mahalalel at nabuhay nang 910 taon. (Gen 5:3-14; 1Cr 1:1, 2) Maliwanag na si Kenan ay tinutukoy na si “Cainan, na anak ni Enos,” sa talaan ni Lucas ng talaangkanan ni Jesus.—Luc 3:37, 38.