Paggawa, Pagpapagal
Ang paggamit ng pisikal o mental na lakas upang maisakatuparan ang isang layunin o makagawa ng isang bagay; pinapupurihan ng Kasulatan ang paggawa, o pagpapagal. (Ec 5:18) Isang kaloob ng Diyos na ang tao ay kumain, uminom, at “magtamasa ng kabutihan dahil sa lahat ng kaniyang pagpapagal,” at kalooban ng Diyos na ang tao ay “magsaya sa kaniyang mga gawa.” (Ec 3:13, 22) Sa kaso ng tao, hindi pinasimulan ang paggawa dahil lamang sa siya’y nagkasala, sapagkat binigyan ni Jehova ng atas na gawain ang sakdal at walang-kasalanang lalaki at babae nang utusan niya sila na supilin ang lupa. (Gen 1:28) Gayunman, walang-kabuluhang pagpapagal ang ibinunga ng kasalanan.—Gen 3:19; ihambing ang Ro 8:20, 21.
Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, itinakda ang pagkakaroon ng mga yugto ng pagpapahinga mula sa pagtatrabaho. Ang mga Israelita ay hindi dapat gumawa kapag lingguhang araw ng Sabbath. (Exo 20:8-11) Gayundin, wala silang gagawing “anumang uri ng mabigat na gawain” sa mga panahon ng banal na kombensiyon.—Lev 23:6-8, 21, 24, 25, 34-36.
Si Jehova at ang Kaniyang Anak ay mga Manggagawa. Si Jehova ay isang manggagawa at kabilang sa kaniyang mga gawa ang paglalang ng mga bagay na gaya ng langit, lupa, mga hayop, at tao. (Gen 1:1; 2:1-3; Job 14:15; Aw 8:3-8; 19:1; 104:24; 139:14) Angkop lamang na kilalanin ang kadakilaan ng mga gawa ni Jehova, anupat pinupuri at pinasasalamatan siya dahil sa mga iyon. (Aw 92:5; 107:15; 145:4-10; 150:2) Ang mga gawa ng Diyos ay tapat at walang kahambing, pinapangyari sa pamamagitan ng karunungan, at ang mga iyon ay “katotohanan at kahatulan.”—Aw 33:4; 86:8; 104:24; 111:7.
Isang “dakilang gawa” ang isinagawa ni Jehova nang iligtas niya ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Ehipto at nang pangyarihin niyang ariin nila ang Canaan. (Huk 2:7) Kung minsan, kasangkot sa mga gawa niya ang paglalapat ng kaniyang hatol. (Jer 50:25) Kaya naman ganito ang inihula sa pamamagitan ni Isaias: “Sapagkat si Jehova ay titindig . . . upang magawa niya ang kaniyang gawain—ang kaniyang gawain ay pambihira.” (Isa 28:21) Naganap ang gayong ‘pambihirang gawain’ noong 607 B.C.E. at muli noong 70 C.E., nang gawin, o pasapitin, ni Jehova ang pagkawasak ng Jerusalem at ng templo nito.—Hab 1:5-9; Gaw 13:38-41; tingnan ang KAPANGYARIHAN, MAKAPANGYARIHANG MGA GAWA.
Ang personipikasyon ng karunungan ay inilalarawang nakapiling ni Jehova sa gawang paglalang bilang kaniyang “dalubhasang manggagawa.” (Kaw 8:12, 22-31; ihambing ang Ju 1:1-3.) Noong naririto siya sa lupa bilang tao, ipinakita ng marunong na Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo, na siya’y isang manggagawa at na, bagaman tapos na ang materyal na mga gawang paglalang may kinalaman sa lupa, nagpatuloy pa rin si Jehova sa paggawa, sapagkat sinabi ni Jesus: “Ang aking Ama ay patuloy na gumagawa hanggang ngayon, at ako ay patuloy na gumagawa.” (Ju 5:17) Para kay Jesus, ang paggawa ng gawaing iniatas sa kaniya ni Jehova ay nakapagpapalusog, kasiya-siya, at nakarerepreskong gaya ng pagkain. (Ju 4:34; 5:36) Ang mga gawa ni Kristo ay ginawa sa pangalan ng kaniyang Ama; ang mga iyon ay mula sa kaniyang Ama at ipinakita ng mga iyon na siya’y “kaisa ng Ama.” (Ju 10:25, 32, 37, 38; 14:10, 11; 15:24; Gaw 2:22) Matagumpay na natapos ni Jesus ang gawain sa lupa na iniatas sa kaniya ng Diyos.—Ju 17:4.
Sinabi ni Jesus: “Siya na nananampalataya sa akin, ang isa ring iyon ay gagawa ng mga gawa na aking ginagawa; at siya ay gagawa ng mga gawa na mas dakila kaysa sa mga ito, sapagkat ako ay paroroon sa Ama.” (Ju 14:12) Maliwanag, hindi ibig sabihin ni Jesus na gagawa ang kaniyang mga tagasunod ng mga gawang higit na makahimala kaysa sa mga ginawa niya, sapagkat walang ulat sa Bibliya na nakagawa ang sinuman sa kanila ng himala na nakahihigit sa ginawang pagbuhay-muli ni Jesus kay Lazaro na apat na araw nang patay. (Ju 11:38-44) Ngunit, yamang noon ay paroroon na si Jesus sa Ama, at ang kaniyang mga tagasunod ay tatanggap ng banal na espiritu upang maging mga saksi niya “kapuwa sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa” (Gaw 1:8), mas malaking lugar ang sasaklawin nila at mas matagal silang gagawa kaysa kay Jesus, anupat sa diwang ito ay mas dakilang mga gawa ang gagawin nila kaysa sa ginawa niya.
Ang Pangangailangang Magtrabaho, o Gumawa. Sinabi ni Jesu-Kristo na “ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran,” anupat ipinahihiwatig na yaong mga nagpapagal may kaugnayan sa espirituwal na mga bagay ay hindi kukulangin ng mga pangangailangan nila sa buhay. (Luc 10:7) Gayunman, gaya ng itinawag-pansin ng apostol na si Pablo sa mga taga-Tesalonica, ang taong tamad na ayaw magtrabaho ay hindi karapat-dapat kumain ng pagkaing pinaghirapan ng iba kundi dapat siyang matutong gumawa sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay upang mailaan niya ang kaniyang mga pangangailangan. (1Te 4:11; 2Te 3:10, 12) Gayundin, ang magnanakaw ay dapat na “huwag nang magnakaw pa” kundi “magtrabaho siya nang masikap.”—Efe 4:28.
Col 3:23) Nangangailangan ito ng kasipagan (Kaw 10:4; 13:4; 18:9) at pagkamatapat. Nagdudulot ng kaluwalhatian sa Diyos ang pagpapamalas ng gayong mga katangian, gaya ng ipinakikita ng payong ibinigay sa mga aliping Kristiyano: “Ang mga alipin ay magpasakop sa mga may-ari sa kanila sa lahat ng bagay, at lubos silang palugdan, na hindi sumasagot nang palabán, hindi nagnanakaw, kundi nagpapakita ng lubusan at mabuting pagkamatapat, upang kanilang magayakan ang turo ng ating Tagapagligtas, ang Diyos, sa lahat ng bagay.”—Tit 2:9, 10; Efe 6:5-8; Heb 13:18.
Kalidad ng Gawain ng mga Lingkod ng Diyos. Anumang gawain ang ginagawa niya, dapat tandaan ng lingkod ni Jehova ang kaniyang kaugnayan sa Diyos, anupat ginagawa ang lahat ng bagay “nang buong kaluluwa na gaya ng kay Jehova, at hindi sa mga tao.” (Wastong Pangmalas sa mga Pag-aaring Natamo. Sa kanilang paggawa, ang mga Kristiyano ay dapat umasa sa pagpapala ng Diyos taglay ang pagpapahalaga at hindi sila dapat na labis na mabalisa tungkol sa kanilang materyal na mga pangangailangan. Pinayuhan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na hanapin muna ang Kaharian. (Mat 6:11, 25-33) Hinimok din niya sila: “Gumawa kayo, hindi para sa pagkaing nasisira, kundi para sa pagkaing nananatili para sa buhay na walang hanggan.” (Ju 6:27) Kaya naman, may-katalinuhang minamalas ng mga lingkod ng Diyos ang salapi at ang materyal na mga bagay na natamo nila bunga ng kanilang paggawa bilang pangalawahin lamang sa lubhang mas mahahalagang espirituwal na kayamanan. Ang materyal na mga pag-aaring natamo nila sa pamamagitan ng pagpapagal ay ginagamit din nila upang isulong ang espirituwal na mga kapakanan, at sa gayo’y ‘nakikipagkaibigan’ sila sa Diyos at kay Kristo.—Ec 7:12; Luc 12:15-21; 16:9.
Di-wastong mga Gawa na Dapat Iwasan. Si Jehova ang nagtatakda kung aling mga gawa ang wasto at kung aling mga gawa ang di-wasto. “Dadalhin [Niya] sa kahatulan ang bawat uri ng gawa may kaugnayan sa bawat bagay na nakatago, kung ito ba ay mabuti o masama.” (Ec 12:13, 14) Pakikitunguhan din ng Diyos ang bawat indibiduwal ayon sa gawa ng isang iyon. (Aw 62:12) Ito, at lalung-lalo na ang pag-ibig sa Diyos na Jehova, ay mabubuting dahilan upang iwasan ang di-wastong mga gawa at gawin ang mga gawang kalugud-lugod sa kaniyang paningin.—1Ju 5:3; Aw 34:14; 97:10; Am 5:14, 15.
Upang tamasahin nila ang pabor ng Diyos, dapat iwasan ng mga Kristiyano ang “mga gawa ng laman,” na kinabibilangan ng mga bagay na gaya ng pakikiapid, mahalay na paggawi, idolatriya, pagsasagawa ng espiritismo, mga pagkakapootan, mga silakbo ng galit, at mga paglalasingan. Ang gayong mga gawain ay magiging dahilan upang hindi manahin ng isa ang Kaharian ng Diyos at maliwanag na kabilang ang mga iyon sa “di-mabungang mga gawa na nauukol sa kadiliman,” mga gawang hindi nagdudulot ng kapakinabangan.—Gal 5:19-21; Efe 5:3-14; 1Pe 4:3; ihambing ang Ju 3:20, 21.
Wastong mga Gawa. Mahalagang umasa sa Diyos na Jehova upang magtagumpay ang mga gawa ng isa. (Aw 127:1; Kaw 16:3) Ang Diyos ang tumutulong at nagpapalakas sa mga nagsisikap sa paggawa ng kaniyang kalooban. (2Co 4:7; Fil 4:13) Bagaman sagana sa walang-kabuluhang mga gawa ang mga buhay ng mga tao (Ec 2:10, 11), ang mga gawang may kaugnayan sa tunay na pagsamba ay hindi sa walang kabuluhan. Binigyang-katiyakan ang mga Kristiyanong Hebreo: “Ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pag-ibig na ipinakita ninyo para sa kaniyang pangalan, dahil kayo ay naglingkod sa mga banal at patuloy na naglilingkod.” (Heb 6:10) Maliwanag na kabilang sa gayong gawa ang pagbibigay ng materyal na tulong o pagpapakita ng iba pang mga kabaitan sa mga nangangailangan o sa mga nagdurusa at inuusig. (Ihambing ang Efe 4:28; Fil 4:14-19; 1Ti 6:17, 18; San 1:27.) Kabilang sa iba pang maiinam na gawa ang pakikibahagi sa paggawa ng mga alagad (Mat 28:19, 20; 1Co 3:9-15) at, para sa mga lalaki, ang paglilingkod bilang tagapangasiwa sa isang kongregasyong Kristiyano at pagtuturo sa mga kapananampalataya.—1Te 5:12, 13; 1Ti 3:1; 5:17.
Pananampalataya at mga Gawa. Noon, hindi nagiging matuwid ang isang tao dahil lamang sa mga gawa ng Kautusang Mosaiko, na kinabibilangan ng mga bagay na gaya ng paghahandog ng mga hain, pagpapadalisay, at pagtutuli. (Ro 3:20; 4:1-10; Gal 3:2) Gayunman, bagaman hindi mga gawa ng Kautusang Mosaiko ang tinutukoy niya, sinabi ng alagad na si Santiago na “ang isang tao ay ipahahayag na matuwid sa pamamagitan ng mga gawa, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang” (San 2:24), sapagkat kailangan ang praktikal na mga gawa na nagpapamalas ng pananampalataya ng isang tao, anupat magsisilbing patotoo nito. (Ihambing ang Mat 7:21-27; Efe 2:8-10; San 1:27; 2:14-17; 4:4.) Halimbawa, si Abraham ay may mga gawang nagpatunay sa kaniyang pananampalataya, gaya ng pagiging handa niyang ihandog si Isaac. Pinatunayan din ni Rahab ang kaniyang pananampalataya sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa nang itago niya ang mga Israelitang tiktik.—Heb 11:17-19; San 2:21-25.