Solomon
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “kapayapaan”].
Anak ni Haring David na mula sa linya ni Juda; hari ng Israel mula 1037 hanggang 998 B.C.E. Matapos ilahad ang pagkamatay ng anak na isinilang kay David na ibinunga ng kaniyang bawal na pagsiping kay Bat-sheba, nagpatuloy ang ulat ng Bibliya: “At inaliw ni David si Bat-sheba na kaniyang asawa. Pumaroon din siya sa kaniya at sumiping sa kaniya. Sa kalaunan ay nagsilang siya ng isang anak na lalaki, at ang pangalan nito ay tinawag na Solomon. At minahal ito ni Jehova. Kaya nagsugo siya sa pamamagitan ni Natan na propeta at tinawag na Jedidias ang pangalan nito, alang-alang kay Jehova.” (2Sa 12:24, 25) Nang maglaon ay nagkaroon si Solomon ng tatlong tunay na kapatid, mga anak na lalaki nina David at Bat-sheba: sina Simea, Sobab, at Natan.—1Cr 3:5.
Ang Pangako ni Jehova kay David. Ipinahayag ni Jehova kay David, bago ang kapanganakan ni Solomon, na isang anak ang ipanganganak sa kaniya at ang magiging pangalan nito ay Solomon, at na ang isang ito ang magtatayo ng bahay para sa Kaniyang pangalan. Waring ibinigay dito ang pangalang Jedidias (nangangahulugang “Minamahal ni Jah”) upang ipahiwatig kay David na pinagpapala na ni Jehova ang kaniyang pag-aasawa kay Bat-sheba at na ang bunga nito ngayon ay sinang-ayunan niya. Ngunit hindi sa pangalang ito karaniwang nakilala ang bata. Tiyak na ang pangalang Solomon (mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “kapayapaan”) ay kumapit may kaugnayan sa tipan ni Jehova kay David, na doon ay sinabi niya na si David, palibhasa’y isang lalaking nagbubo ng maraming dugo sa digmaan, ay hindi magtatayo ng bahay para kay Jehova, gaya ng isinapuso ni David na gawin. (1Cr 22:6-10) Hindi naman ito nangangahulugang mali ang pakikipagdigma ni David. Ngunit ang kaurian at tunguhin ng makasagisag na kaharian ni Jehova ay pangunahin nang pangkapayapaan; lilipulin ng mga pakikidigma nito ang kabalakyutan at ang mga sumasalansang sa soberanya ni Jehova, paaabutin ang teritoryo ng Israel sa mga hangganang itinalaga ng Diyos, at itatatag ang katuwiran at kapayapaan. Ang mga tunguhing ito ay naisakatuparan ng mga pakikipagdigma ni David para sa Israel. Ang pamamahala ni Solomon ay pangunahin nang isang mapayapang paghahari.
Tinangka ni Adonias na Agawin ang Trono. Pagkapanganak kay Solomon, ang sumunod na pagbanggit sa kaniya sa ulat ng Kasulatan ay noong panahong matanda na si David. Tiyak na dahil sa pangako ni Jehova, si David ay sumumpa noon kay Bat-sheba na si Solomon ang hahalili sa kaniya sa trono. Alam ito ng propetang si Natan. (1Ha 1:11-13, 17) Hindi sinasabi kung alam din ito ng kapatid sa ama ni Solomon na si Adonias. Anuman ang kalagayan, tinangka ni Adonias na kunin ang trono sa paraang katulad ng ginawa ni Absalom. Marahil ay dahil mahina na ang hari at dahil sinusuportahan si Adonias ni Joab na pinuno ng hukbo at ni Abiatar na saserdote, nagtiwala siya na magtatagumpay siya. Gayunpaman, ang pagkilos na iyon ay isang kataksilan, isang pagsisikap na agawin ang trono habang buháy pa si David anupat walang pagsang-ayon ni David o ni Jehova. Gayundin, isiniwalat ni Adonias ang kaniyang katusuhan nang isaayos niya ang isang paghahain sa En-rogel, kung saan niya binalak na maideklara siya bilang hari. Ang inanyayahan lamang niya ay ang ibang mga anak ng hari at ang mga tao ng Juda, na mga lingkod ng hari, ngunit hindi niya isinali si Solomon, si Natan na propeta, si Zadok na saserdote, at ang makapangyarihang mga lalaki na nakasama ni David sa labanan, pati na si Benaias na lider ng mga ito. Ipinahihiwatig nito na itinuring ni Adonias si Solomon na isang karibal at isang hadlang sa kaniyang mga ambisyon.—1Ha 1:5-10.
Iniluklok sa Trono si Solomon. Ngunit ang propetang si Natan, na laging tapat kay Jehova at kay David, ay alisto. Matapos na isugo muna si Bat-sheba na tinagubilinan niyang ipabatid sa hari ang hinggil sa pakana, siya naman ang pumasok at tinanong si David kung ang pagpoproklamang ito kay Adonias bilang hari ay may pahintulot niya. Kumilos agad si David, anupat tinawag si Zadok na saserdote at si Natan upang dalhin si Solomon sa Gihon sa ilalim ng proteksiyon ni Benaias at ng mga tauhan nito. Pasasakayin nila si Solomon sa mulang-babae ng hari (nagpapahiwatig ng malaking karangalan para sa nakasakay, sa kasong ito, na siya ang kahalili ng hari). (Ihambing ang Es 6:8, 9.) Sinunod ang mga tagubilin ni David, at si Solomon ay pinahiran at ibinunyi bilang hari.—1Ha 1:11-40.
Nang marinig ang tunog ng musika sa Gihon, na hindi gaanong kalayuan, at ang hiyaw ng bayan: “Mabuhay si Haring Solomon,” si Adonias at ang kaniyang mga kasabuwat ay tumakas dahil sa takot at pagkalito. Patiunang ipinakita ni Solomon na magiging mapayapa ang kaniyang pamamahala nang tumanggi siyang mabahiran ng paghihiganti ang kaniyang pagluklok sa trono. Kung nabaligtad ang mga pangyayari, malamang na napatay si Solomon. Tumakas si Adonias patungo sa santuwaryo upang doon manganlong, kaya ipinakuha siya roon ni Solomon upang dalhin sa harap niya. Matapos sabihan si Adonias na mananatili siyang buháy malibang may kasamaang masumpungan sa kaniya, pinauwi siya ni Solomon sa kaniyang bahay.—1Ha 1:41-53.
Ang Tagubilin ni David kay Solomon. Bago mamatay si David, taimtim niyang inutusan si Solomon na “tuparin mo ang katungkulan kay Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng paglakad sa kaniyang mga daan, sa pamamagitan ng pagtupad sa kaniyang mga batas, sa kaniyang mga utos at sa kaniyang mga hudisyal na pasiya at sa kaniyang mga patotoo.” Tinagubilinan din niya ito na huwag hayaang “bumabang payapa sa Sheol” sina Joab at Simei, at pagpakitaan niya ng maibiging-kabaitan ang mga anak ni Barzilai na Gileadita. (1Ha 2:1-9) Malamang na bago pa nito ay naibigay na ni David kay Solomon ang mga tagubilin may kinalaman sa pagtatayo ng templo, anupat ipinasa sa kaniya ang arkitektural na plano “na napasakaniya sa pamamagitan ng pagkasi.” (1Cr 28:11, 12, 19) Inutusan ni David ang mga prinsipe ng Israel na naroroon na tulungan si Solomon na kaniyang anak at makibahagi sa pagtatayo ng santuwaryo ni Jehova. Noong okasyong iyon, muling pinahiran ng bayan si Solomon bilang hari at si Zadok bilang saserdote. (1Cr 22:6-19; kab 28; 29:1-22) Sa pasimula pa lamang ng paghahari ni Solomon ay pinagpala na siya ng Diyos, anupat siya ay nagsimulang umupo sa “trono ni Jehova bilang hari na kahalili ni David na kaniyang ama at nagtagumpay” sa pagkahari at higit pang tumibay roon.—1Cr 29:23; 2Cr 1:1.
Ang Subersibong Kahilingan ni Adonias. Di-nagtagal at kinailangang kumilos si Solomon upang isagawa ang mga tagubilin ni David may kinalaman kay Joab. Ibinunsod ito ng pagkilos ni Adonias, na nag-aambisyon pa rin sa kabila ng awa na ipinakita sa kaniya ni Solomon. Nilapitan ni Adonias ang ina ni Solomon at sinabi: “Alam na alam mo na ang paghahari ay magiging akin sana, at sa akin itinuon ng buong Israel ang kanilang mukha upang ako ang maging hari; ngunit ang paghahari ay nabaling at napasaaking kapatid, sapagkat si Jehova ang dahilan kung kaya iyon ay naging kaniya.” Dito ay kinilala ni Adonias na si Jehova ang nasa likod ng pagluklok ni Solomon sa trono, ngunit ang kaniyang 2Sa 16:21, 22.) Palibhasa’y hindi natanto ni Bat-sheba ang pagiging tuso ni Adonias, itinawid niya kay Solomon ang kahilingan nito, na kaagad namang naunawaan ni Solomon na isang pagtatangka upang agawin ang pagkahari kung kaya agad niyang isinugo si Benaias upang patayin si Adonias.—1Ha 2:13-25.
kahilingan na kasunod ng mga salitang iyon ay isa pang tusong pagtatangka upang maagaw ang pagkahari. Sinabi niya kay Bat-sheba: “Pakisuyo, sabihin mo kay Solomon na hari . . . na ibigay niya sa akin si Abisag na Sunamita bilang asawa.” Maaaring inakala ni Adonias na marami siyang tagasunod, bukod pa sa pagsuporta nina Joab at Abiatar, anupat, sa pagkuha sa tagapag-alaga ni David, na itinuturing na isang babae ni David, bagaman hindi ito sinipingan ni David, makapagpapasimula siya ng isang paghihimagsik na maaaring makapagpabagsak kay Solomon. Ayon sa kaugalian, ang mga asawa at mga babae ng isang hari ay maaari lamang mapunta sa kaniyang legal na kahalili, anupat ang pagkuha sa gayong mga asawa ay itinuturing na pag-angkin sa trono. (Ihambing angInalis sa tungkulin si Abiatar; ipinapatay si Joab. Pagkatapos ay pinagtuunan ni Solomon ng pansin ang mga nakipagsabuwatan kay Adonias. Inalis si Abiatar sa pagkasaserdote bilang katuparan ng salita ni Jehova laban sa sambahayan ni Eli (1Sa 2:30-36), ngunit hindi siya pinatay, sapagkat dinala niya noon ang Kaban sa harap ni David at dumanas siya ng kapighatian kasama nito. Si Zadok ang humalili kay Abiatar. Samantala, nang makarating kay Joab ang tungkol sa pagkilos ni Solomon, siya ay tumakas at humawak sa mga sungay ng altar, ngunit pinatay siya roon ni Benaias sa utos ni Solomon.—1Ha 2:26-35.
Ipinapatay si Simei. Pinanumpa rin ni Solomon si Simei na sundin ang ilang pagbabawal, sapagkat isinumpa ng lalaking ito ang kaniyang amang si David. Pagkaraan ng mga tatlong taon, nang labagin ni Simei ang pagbabawal na ito, ipinapatay siya ni Solomon. Sa gayon ay lubusang naisagawa ang utos ni David kay Solomon.—1Ha 2:36-46.
Ang Pantas na Kahilingan ni Solomon. Noong maagang bahagi ng paghahari ni Solomon, ang bayan ay naghahain sa maraming “matataas na dako,” sapagkat walang bahay si Jehova, bagaman ang tabernakulo ay nasa Gibeon at ang kaban ng tipan ay nasa isang tolda sa Sion. Bagaman sinabi ni Jehova na ang kaniyang pangalan ay ilalagay sa Jerusalem, maliwanag na pinahintulutan niya ang gawaing ito hanggang sa maitayo ang templo. (1Ha 3:2, 3) Sa Gibeon, na kilala bilang “ang bantog na mataas na dako,” ay naghandog si Solomon ng isang libong haing sinusunog. Doon ay nagpakita si Jehova sa kaniya sa isang panaginip at sinabi: “Hilingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.” Sa halip na humingi ng kayamanan, kaluwalhatian, at tagumpay, humiling si Solomon ng isang pusong marunong, may unawa, at masunurin upang magawa niyang hatulan ang Israel. Lubhang ikinalugod ni Jehova ang mapagpakumbabang kahilingan ni Solomon kung kaya hindi lamang ang hiningi ni Solomon ang ibinigay niya rito kundi pati rin kayamanan at kaluwalhatian “anupat walang sinuman sa mga hari ang makakatulad mo, sa lahat ng iyong mga araw.” Gayunman, idinagdag ni Jehova ang ganitong payo: “At kung lalakad ka sa aking mga daan sa pamamagitan ng pagtupad sa aking mga tuntunin at sa aking mga utos, kung paanong lumakad si David na iyong ama, pahahabain ko rin ang iyong mga araw.”—1Ha 3:4-14.
Di-kalaunan, nang dalawang patutot ang magharap ng isang mahirap na suliranin hinggil sa pagkilala sa tunay na ina ng isang sanggol, ipinakita ni Solomon na talagang pinagkalooban siya ng Diyos ng karunungan sa paghatol. Lubha nitong pinalakas ang awtoridad ni Solomon sa paningin ng bayan.—1Ha 3:16-28.
Mga Proyekto ng Pagtatayo. (MGA LARAWAN, Tomo 1, p. 748, 750, 751) Noong ikaapat na taon ng kaniyang paghahari, nang ikalawang buwan ng taon (buwan ng Ziv [Abril-Mayo]), noong 1034 B.C.E., sinimulang itayo ni Solomon ang bahay ni Jehova sa Bundok Moria. (1Ha 6:1) Ang pagtatayo ng templo ay mapayapa at tahimik; tinabas na ang mga bato bago dalhin sa dakong pinagtatayuan, anupat walang narinig na ingay ng martilyo o palakol o ng anumang kasangkapang bakal. (1Ha 6:7) Si Haring Hiram ng Tiro ay nakipagtulungan sa paglalaan ng mga tabla ng mga punong sedro at enebro kapalit ng trigo at langis. (1Ha 5:10-12; 2Cr 2:11-16) Nagpadala rin siya ng mga manggagawa, kabilang ang isang dalubhasang manggagawa na nagngangalang Hiram, na anak ng isang lalaking taga-Tiro at isang babaing Hebreo. (1Ha 7:13, 14) Tumawag si Solomon ng 30,000 lalaki para sa puwersahang pagtatrabaho, anupat isinugo sila sa Lebanon sa rilyebong 10,000 sa isang buwan. Bawat pangkat ay umuuwi sa kanilang tahanan sa loob ng dalawang buwan. Bukod sa mga ito, may 70,000 tagapagdala ng pasan at 80,000 maninibag. Ang huling nabanggit na mga grupo ay mga di-Israelita.—1Ha 5:13-18; 2Cr 2:17, 18.
Pagpapasinaya ng templo. Ang pagkalaki-laking proyektong iyon ng pagtatayo ay sumaklaw ng pito at kalahating taon, anupat natapos sa ikawalong buwan, ang Bul, noong 1027 B.C.E. (1Ha 6:37, 38) Lumilitaw na pagkatapos nito ay gumugol pa ng ilang panahon upang maipasok ang mga kagamitan at maisaayos ang lahat ng bagay, sapagkat naisagawa ni Solomon ang pagpapabanal at pagpapasinaya ng templo noong ikapitong buwan, ang Etanim, sa panahon ng Kapistahan ng mga Kubol. (1Ha 8:2; 2Cr 7:8-10) Kaya tiyak na naganap iyon noong ikapitong buwan ng 1026 B.C.E., 11 buwan pagkaraang matapos ang pagtatayo, sa halip na isang buwan bago matapos ang gusali (noong 1027 B.C.E.), gaya ng ipinapalagay ng ilan.
Ang isa pang pangmalas na tinatanggap ng ilan ay na ang mga serbisyo ng pagpapasinaya ay naganap noong ika-24 na taon ni Solomon (1014 B.C.E.), pagkatapos na maitayo rin niya ang kaniyang sariling bahay at ang iba pang mga gusali ng pamahalaan, na sumaklaw ng 13 taon pa, o ng kabuuang 20 taon ng gawaing pagtatayo. Ang pangmalas na ito ay sinusuportahan ng Griegong Septuagint, na nagsingit ng ilang salita na wala sa tekstong Masoretiko, sa 1 Hari 8:1 (3 Hari 8:1 sa LXX, Bagster) na kababasahan: “At naganap nga nang matapos ni Solomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon at ng kaniyang sariling bahay pagkatapos ng dalawampung taon, nang magkagayon ay tinipon ni haring Solomon ang lahat ng matatanda ng Israel sa Sion, upang dalhin ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa lunsod ni David, ito ang Sion, noong buwan ng Atanin.” Gayunman, ipinakikita ng paghahambing ng mga ulat sa Mga Hari at Mga Cronica na hindi tumpak ang konklusyong iyon.
Inilalarawan ng ulat sa 1 Hari kabanata 6 hanggang 8 ang pagtatayo ng templo at ang pagtatapos nito; sumunod ay binabanggit ng ulat ang 13-taóng programa ni Solomon ng pagtatayo para sa pamahalaan; at pagkatapos, pagkaraang muling maglahad nang mahaba hinggil sa pagtatayo ng templo at sa pagpapasok ng “mga bagay na pinabanal ni David na kaniyang ama,” inilarawan ng ulat ang pagpapasinaya. Waring ipinahihiwatig nito na ang paglalarawan sa programa ng pagtatayo para sa pamahalaan (1Ha 7:1-8) ay isiningit lamang bilang karagdagang impormasyon upang kumpletuhin ang pagtalakay tungkol sa mga gawain sa pagtatayo. Ngunit waring mas tuwirang ipinakikita ng ulat sa 2 Cronica 5:1-3 na ang pagpapasinaya ay kaagad na naganap nang maihanda na ang templo at ang mga kasangkapan nito, sapagkat ito ay kababasahan: “Sa wakas ay natapos na ang lahat ng gawaing kinailangang gawin ni Solomon para sa bahay ni Jehova, at pinasimulang ipasok ni Solomon ang mga bagay na pinabanal ni David na kaniyang ama; at ang pilak at ang ginto at ang lahat ng mga kagamitan ay inilagay niya sa kabang-yaman ng bahay ng tunay na Diyos. Noon ay tinipon ni Solomon ang matatandang lalaki ng Israel at ang lahat ng mga ulo ng mga tribo.” Pagkatapos na idetalye ang paglalagay ng kaban ng tipan sa templo na isinagawa ng mga saserdote, na bumuhat dito mula sa Lunsod ni David hanggang sa burol ng templo, nagpatuloy ang ulat sa paglalarawan sa pagpapasinaya.—2Cr 5:4-14; kab 6, 7.
Pinag-aalinlanganan ng ilan ang kababanggit na pangmalas na naganap ang pagpapasinaya nang sumunod na taon pagkaraang matapos ang templo, dahil sinasabi sa 1 Hari 9:1-9 na nagpakita si Jehova kay Solomon pagkatapos na maitayo ang “bahay ng hari,” anupat sinabi niya kay Solomon na dininig niya ang panalangin nito. (Ihambing ang 2Cr 7:11-22.) Ito ay noong kaniyang ika-24 na taon, pagkatapos ng kaniyang 20-taóng gawaing pagtatayo. Inabot ba ng 12 taon bago sumagot ang Diyos sa panalanging inihandog ni Solomon noong pasinayaan ang templo? Hindi, sapagkat sa pasinayang iyon, sa pagtatapos ng panalangin ni Solomon, “ang apoy ay bumaba mula sa langit at tinupok ang handog na sinusunog at ang mga hain, at pinunô ng kaluwalhatian ni Jehova ang bahay.” Isa itong makapangyarihang pagpapamalas ng pagdinig ni Jehova sa panalanging iyon, isang sagot sa pamamagitan ng pagkilos, at gayon nga ang naging pananaw ng bayan hinggil doon. (2Cr 7:1-3) Nang muling magpakita ang Diyos kay Solomon nang dakong huli, ipinakita ng Diyos na hindi niya nalimutan ang panalanging iyon na binigkas 12 taon na ang nakararaan, at ngayon ay sinasagot niya iyon nang bibigan sa pamamagitan ng pagbibigay-katiyakan kay Solomon na tutugunin niya iyon. Sa ikalawang pagpapakitang ito, binigyan din ng Diyos si Solomon ng karagdagang payo na manatiling tapat gaya ni David na kaniyang ama.
Panalangin ni Solomon. Sa panalangin ni Solomon noong pasinayaan ang templo, tinukoy niya si Jehova bilang ang Diyos na nakahihigit sa lahat, isang Diyos ng maibiging-kabaitan at pagkamatapat, ang Tagatupad ng kaniyang mga pangako. Bagaman ang templo ay isang bahay para kay Jehova, kinilala ni Solomon na “sa mga langit, oo, sa langit ng mga langit” ay hindi magkakasya ang Diyos. Siya ang Dumirinig at Sumasagot ng panalangin, ang Diyos ng katarungan, na nagbibigay-gantimpala sa matuwid at naghihiganti sa balakyot, ngunit nagpapatawad sa nagkasala na nagsisisi at nanunumbalik sa Kaniya. Hindi siya isang ‘diyos ng kalikasan,’ ngunit nakokontrol niya ang mga elemento, ang mga hayop, maging ang mga bansa sa lupa. Hindi siya Diyos lamang ng bansa ng mga Hebreo kundi Diyos ng lahat ng tao na humahanap sa kaniya. Sa kaniyang panalangin, ipinahayag ni Solomon ang pagnanais niya na makitang ang pangalan ni Jehova ay dinadakila sa buong lupa. Ipinahayag din niya ang kaniya mismong pag-ibig sa katuwiran at katarungan at ang pag-ibig niya sa Israel na bayan ng Diyos at sa banyaga na hahanap kay Jehova.—1Ha 8:22-53; 2Cr 6:12-42.
2Cr 5:11) Lahat sila ay kinailangang maglingkod sapagkat, bukod pa sa mga handog na mga butil na iniharap, 22,000 baka at 120,000 tupa ang inihandog bilang mga handog na sinusunog at mga haing pansalu-salo noong yugtong iyon ng pitong-araw na kapistahan, na tinapos sa pamamagitan ng isang kapita-pitagang kapulungan noong ikawalong araw. Napakarami ng hain anupat ang malaking altar na tanso ay naging parang napakaliit; upang maihandog ang lahat ng iyon, kinailangang pabanalin ni Solomon ang isang bahagi ng looban para sa layuning iyon.—1Ha 8:63, 64; 2Cr 7:5, 7.
Ang lahat ng saserdote ay nanungkulan sa pagpapasinaya; noong okasyong iyon ay hindi kinailangang sundin ang pagkakapangkat-pangkat na isinaayos ni David. (Nang maglaon ay inilagay ni Solomon ang mga pangkat ng mga saserdote sa kanilang mga paglilingkod at ang mga Levita sa kanilang mga dako ng tungkulin gaya ng itinakda ni David para sa mga ito. Mula noon, ang templo ang naging dako na pagtitipunan ng lahat ng mga Israelita para sa kanilang mga pangkapanahunang kapistahan at sa kanilang mga paghahain kay Jehova.
Mga gusali ng pamahalaan. Sa loob ng 13 taon pagkaraang matapos ang templo, nagtayo si Solomon ng isang bagong maharlikang palasyo sa Bundok Moria, sa mismong dakong T ng templo, anupat malapit ito sa looban ng templo sa dakong labas, ngunit mas mababa ang kinatatayuan. Malapit dito, itinayo niya ang Beranda ng Trono, ang Beranda ng mga Haligi, at ang Bahay ng Kagubatan ng Lebanon. Ang lahat ng mga gusaling ito ay nasa papalusong na kalupaan sa pagitan ng pinakataluktok ng burol ng templo at ng mababang tagaytay ng Lunsod ni David. Nagtayo rin siya ng bahay para sa kaniyang asawang Ehipsiyo; hindi ito pinahintulutang “manahanan sa bahay ni David na hari ng Israel, sapagkat,” gaya ng sinabi ni Solomon, “ang mga dakong pinaglagyan ng kaban ni Jehova ay banal.”—1Ha 7:1-8; 3:1; 9:24; 11:1; 2Cr 8:11.
Pambuong-bansang pagtatayo. Pagkaraang matapos ang kaniyang mga proyekto ng pagtatayo para sa pamahalaan, sinimulan ni Solomon ang isang pambuong-bansang programa ng pagtatayo. Ginamit niya sa puwersahang pagtatrabaho ang mga supling ng mga Canaanita na hindi itinalaga ng Israel sa pagkapuksa noong sakupin nila ang Canaan, ngunit hindi niya ginawang alipin ang sinumang Israelita. (1Ha 9:20-22; 2Cr 8:7-10) Itinayo niya at pinatibay ang Gezer (na kinuha ni Paraon mula sa mga Canaanita at ibinigay bilang kaloob sa kaniyang anak, na asawa ni Solomon), gayundin ang Mataas at Mababang Bet-horon, Baalat, at Tamar; nagtayo rin siya ng mga imbakang lunsod, mga lunsod ng karo, at mga lunsod para sa mga mangangabayo. Ang buong bansa, kasama ang teritoryo sa S ng Jordan, ay nakinabang sa kaniyang mga gawaing pagtatayo. Higit pa niyang pinatibay ang Gulod. “Sinarhan niya ang puwang ng Lunsod ni David.” (1Ha 11:27) Maaaring ang tinutukoy nito ay ang kaniyang pagtatayo o pagpapaabot sa “pader ng Jerusalem sa buong palibot.” (1Ha 3:1) Nilagyan niya ng matitibay na kuta ang Hazor at ang Megido; ang mga arkeologo ay nakatuklas ng mga bahagi ng matitibay na pader at nakukutaang mga pintuang-daan na pinaniniwalaan nilang mga labí ng mga ginawa ni Solomon sa mga lunsod na ito, na mga guho na ngayon.—1Ha 9:15-19; 2Cr 8:1-6.
Ang Kaniyang Kayamanan at Kaluwalhatian. Si Solomon ay lubhang nagpakaabala sa pakikipagkalakalan. Ang kaniyang pangkat ng mga barko, kasama ng mga barko ni Hiram, ay nagdala ng napakaraming ginto mula sa Opir, gayundin ng mga tabla ng “algum” at mahahalagang bato. (1Ha 9:26-28; 10:11; 2Cr 8:17, 18; 9:10, 11) Mula sa Ehipto ay nag-angkat siya ng mga kabayo at mga karo, at ang mga negosyante mula sa iba’t ibang bansa ay nagdala ng kanilang maraming paninda. Ang taunang ganansiya ni Solomon sa ginto ay umabot sa 666 na talento (mga $256,643,000), bukod pa sa pilak at ginto at iba pang mga bagay na dinadala ng mga mangangalakal. (1Ha 10:14, 15; 2Cr 9:13, 14) Karagdagan pa, “lahat ng hari sa lupa” ay nagdadala ng mga kaloob mula sa kanilang mga lupain taun-taon: mga kagamitang ginto at pilak, langis ng balsamo, baluti, mga kabayo, mga mula, at iba pang mga kayamanan. (1Ha 10:24, 25, 28, 29; 2Cr 9:23-28) Maging mga unggoy at mga paboreal ay inangkat na lulan ng mga barko ng Tarsis. (1Ha 10:22; 2Cr 9:21) Nagkaroon si Solomon ng 4,000 kuwadra ng mga kabayo at mga karo (1,400 karo, ayon sa 1Ha 10:26) at 12,000 kabayong pandigma (o, posible, mga mangangabayo).—2Cr 9:25.
Walang hari sa buong lupa ang nagkaroon ng kayamanang gaya ng kay Solomon. (1Ha 10:23; 2Cr 9:22) Ang mga baytang na paakyat sa kaniyang trono ay mas maringal kaysa sa alinmang masusumpungan sa ibang mga kaharian. Ang trono mismo ay yari sa garing na kinalupkupan ng mainam na ginto. Mayroon itong bilog na kulandong sa likuran nito; may anim na baytang na paakyat dito, na may tig-anim na leon sa magkabilang panig, at dalawang leon ang nakatayo sa tabi ng mga patungan ng braso ng trono. (1Ha 10:18-20; 2Cr 9:17-19) Ginto lamang ang ginamit para sa kaniyang mga inumang sisidlan; espesipikong sinabi na “walang anumang yari sa pilak; iyon ay itinuturing na walang halaga nang mga araw ni Solomon.” (2Cr 9:20) Sa bahay ni Solomon at sa templo ay may mga alpa at mga panugtog na de-kuwerdas na ginawa mula sa mga tabla ng algum na hindi pa kailanman nakita noong una sa Juda.—1Ha 10:12; 2Cr 9:11.
Laang pagkain para sa kaniyang sambahayan. Ang pang-araw-araw na pagkain para sa maharlikang sambahayan ni Solomon ay umabot sa “tatlumpung takal na kor [6,600 L; 188 bushel] ng mainam na harina at animnapung takal na kor [13,200 L; 375 bushel] ng harina, sampung matatabang baka at dalawampung pinanginaing baka at isang daang tupa, bukod pa sa ilang mga lalaking usa at mga gasela at maliliit na usa at mga pinatabang kakok.” (1Ha 4:22, 23) Labindalawang kinatawan ang nangasiwa sa paglalaan ng pagkain, isang kinatawan para sa bawat buwan ng taon. Bawat isa sa kanila ay nangasiwa sa isang bahagi ng lupain; para sa layuning ito, hindi iyon hinati-hati ayon sa mga hangganan ng mga tribo kundi ayon sa agrikultural na mga rehiyon. Kasama sa mga paglalaan ang pagkain para sa maraming kabayo ni Solomon.—1Ha 4:1-19, 27, 28.
Dinalaw ng reyna ng Sheba. Ang isa sa pinakakilalang mga panauhin na dumating mula sa isang banyagang lupain upang masdan ang kaluwalhatian at kayamanan ni Solomon ay ang reyna ng Sheba. Ang kabantugan ni Solomon ay umabot sa “lahat ng tao sa lupa” anupat naglakbay ang reyna mula sa kaniyang malayong kaharian “upang subukin ito ng mga palaisipang tanong.” Sinalita niya kay Solomon “ang lahat ng malapit sa kaniyang puso,” at “walang bagay na nalilingid sa hari ang hindi niya sinabi sa kaniya.”—1Ha 10:1-3, 24; 2Cr 9:1, 2.
Pagkatapos na mamasdan din ng reyna ang karilagan ng templo at ng bahay ni Solomon, ang pagsisilbi sa mesa nito at ang mga tagapagsilbi ng inumin bukod pa sa kagayakan ng mga ito, at ang palagiang mga haing sinusunog sa templo, “nawalan na siya ng espiritu,” anupat ibinulalas niya, “Narito! Ni hindi nga nasabi sa akin ang kalahati. Nahigitan mo sa karunungan at kasaganaan ang mga bagay na narinig na aking napakinggan.” Pagkatapos ay ipinahayag niyang maligaya ang mga lingkod na naglilingkod sa gayong hari. Dahil sa lahat ng ito, pinuri niya at pinagpala ang Diyos na Jehova, na nagpamalas ng kaniyang pag-ibig sa Israel sa pamamagitan ng pag-aatas kay Solomon bilang hari upang maglapat ng hudisyal na pasiya at katuwiran.—1Ha 10:4-9; 2Cr 9:3-8.
Pagkatapos ay ibinigay niya kay Solomon ang kahanga-hangang kaloob na 120 talento na ginto ($46,242,000) at ang pagkarami-raming mahahalagang bato at langis ng balsamo. Ibinigay naman ni Solomon sa reyna ang anumang hingin nito, bukod pa sa kaniyang sariling saganang kaloob, posibleng higit pa kaysa sa dinala nito sa kaniya.—1Ha 10:10, 13; 2Cr 9:9, 12.
Maunlad na pamamahala. Pinagpala ni Jehova si Solomon ng karunungan, kaluwalhatian, at kayamanan noong matatag itong nanghahawakan sa tunay na pagsamba, at nilingap din ng Diyos ang bansang Israel. Si David ang ginamit upang supilin ang mga kaaway ng Israel at itatag ang kaharian nang matibay hanggang sa mga dulong hangganan nito. Inilalahad ng ulat: “Kung tungkol kay Solomon, siya ay naging tagapamahala sa lahat ng kaharian mula sa Ilog [Eufrates] hanggang sa lupain ng mga Filisteo at hanggang sa hangganan ng Ehipto. Sila ay nagdadala ng mga kaloob at naglilingkod kay Solomon sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.” (1Ha 4:21) Namayani ang kapayapaan noong panahon ng paghahari ni Solomon, at “ang Juda at ang Israel ay marami, tulad ng mga butil ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa dami, kumakain at umiinom at nagsasaya.” “At ang Juda at ang Israel ay patuloy na nanahanan nang tiwasay, ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang sariling punong ubas at sa ilalim ng kaniyang sariling puno ng igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-sheba, sa lahat ng mga araw ni Solomon.”—1Ha 4:20, 25; MAPA, Tomo 1, p. 748.
Ang Karunungan ni Solomon. “At ang Diyos ay patuloy na nagbigay kay Solomon ng napakalaking karunungan at unawa at ng lawak ng puso, tulad ng buhangin na nasa baybay-dagat. At ang karunungan ni Solomon ay mas malawak kaysa sa karunungan ng lahat ng taga-Silangan at kaysa sa lahat ng karunungan ng Ehipto.” Pagkatapos ay binanggit ang iba pang mga lalaki na may pambihirang karunungan: si Etan na Ezrahita (lumilitaw na isang mang-aawit noong panahon ni David at manunulat ng Awit 89) at tatlong iba pang marurunong na lalaki ng Israel. Mas marunong si Solomon kaysa sa mga ito; sa katunayan, “ang kaniyang kabantugan ay umabot sa lahat ng bansa sa buong palibot. At siya ay nakapagsasalita ng tatlong libong kawikaan, at ang kaniyang mga awit ay umabot sa isang libo at lima.” Ang lawak ng kaniyang kaalaman ay sumaklaw sa mga halaman at mga hayop sa lupa, at ipinakikita ng kaniyang mga kawikaan, pati na ng mga isinulat niya sa mga aklat ng Eclesiastes at Awit ni Solomon, na mayroon siyang malalim na kaalaman tungkol sa kalikasan ng tao. (1Ha 4:29-34) Binabanggit sa Eclesiastes na madalas siyang nagbulay-bulay upang makasumpong ng “nakalulugod na mga salita at makasulat ng wastong mga salita ng katotohanan.” (Ec 12:10) Maraming bagay ang naranasan niya sa pakikihalubilo sa mga maralita at sa mga nakatataas, anupat masusing minasdan ang kanilang buhay, ang kanilang gawain, ang kanilang mga inaasam at mga tunguhin, at ang pabagu-bagong kalagayan ng buhay ng mga tao. Dinakila niya ang kaalaman sa Diyos at sa Kaniyang kautusan, at idiniin niya higit sa lahat ng bagay na ‘ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng kaalaman at karunungan’ at na ang buong katungkulan ng tao ay ang ‘matakot sa tunay na Diyos at tuparin ang kaniyang mga utos.’—Kaw 1:7; 9:10; Ec 12:13; tingnan ang ECLESIASTES.
Ang Kaniyang Paglihis Mula sa Katuwiran. Patuloy na nanagana si Solomon noong siya ay tapat sa pagsamba kay Jehova. Maliwanag na binigkas nang bibigan ang kaniyang mga kawikaan, at ang mga aklat ng Eclesiastes at Awit ni Solomon, gayundin ang isa sa mga Awit (Aw 127), ay isinulat noong panahon na tapat siyang naglilingkod sa Diyos. Gayunman, sinimulang ipagwalang-bahala ni Solomon ang kautusan ng Diyos. Mababasa natin: “At si Haring Solomon ay umibig sa maraming asawang banyaga kasama na ang anak ni Paraon, mga babaing Moabita, Ammonita, Edomita, Sidonio at Hiteo, mula sa mga bansa na tungkol sa kanila ay sinabi ni Jehova sa mga anak ni Israel: ‘Huwag kayong makikisama sa kanila, at huwag silang makikisama sa inyo; talagang ikikiling nila ang inyong puso na sumunod sa kanilang mga diyos.’ Sa kanila nga nangunyapit si Solomon upang ibigin sila. At nagkaroon siya ng pitong daang asawa, mga prinsesa, at tatlong daang babae; at sa kalaunan ay ikiniling ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso. At nangyari, nang panahon ng pagtanda ni Solomon ay ikiniling ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso na sumunod sa ibang mga diyos; at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal kay Jehova na kaniyang Diyos tulad ng puso ni David na kaniyang ama. At si Solomon ay nagsimulang sumunod kay Astoret na diyosa ng mga Sidonio at kay Milcom na kasuklam-suklam na bagay ng mga Ammonita. At si Solomon ay nagsimulang gumawa ng masama sa paningin ni Jehova, at hindi siya sumunod kay Jehova nang lubusan tulad ni David na kaniyang ama. Noon nagtayo si Solomon ng isang mataas na dako para kay Kemos na kasuklam-suklam na bagay ng Moab sa bundok na nasa tapat ng Jerusalem, at para kay Molec na kasuklam-suklam na bagay ng mga anak ni Ammon. At gayon ang ginawa niya para sa lahat ng kaniyang mga asawang banyaga na gumagawa ng haing usok at naghahain sa kanilang mga diyos.”—1Ha 11:1-8.
Bagaman naganap ito noong “panahon ng pagtanda ni Solomon,” hindi natin dapat isipin na ang kaniyang paglihis ay dahil sa pag-uulianin, sapagkat bata pa rin naman si Solomon nang lumuklok sa trono, at ang haba ng kaniyang paghahari ay 40 taon. (1Cr 29:1; 2Cr 9:30) Hindi sinasabi ng ulat na lubusang iniwan ni Solomon ang pagsamba sa templo at ang paghahandog doon ng mga hain. Lumilitaw na sinikap niyang magsagawa ng isang uri ng haluang pananampalataya, upang paluguran ang kaniyang mga asawang banyaga. Dahil dito, “si Jehova ay nagalit kay Solomon, sapagkat ang kaniyang puso ay kumiling upang lumayo kay Jehova na Diyos ng Israel, na siyang nagpakita sa kaniya nang makalawang ulit.” Sinabihan ni Jehova si Solomon na, bilang resulta nito, pupunitin Niya ang isang bahagi ng kaharian mula sa kaniya, ngunit hindi sa mga araw ni Solomon, alang-alang kay David at sa Jerusalem. Ngunit gagawin niya iyon sa mga araw ng anak ni Solomon, anupat ang maiiwan lamang sa anak na iyon ay isang tribo (bukod pa sa Juda), ang tribo ni Benjamin.—1Ha 11:9-13.
Mga kalaban ni Solomon. Mula nang panahong iyon, si Jehova ay nagsimulang magbangon ng mga kalaban ni Solomon, pangunahin na si Jeroboam ng tribo ni Efraim, na noong panahon ni Rehoboam ay nagtalikod ng sampung tribo mula sa pagiging matapat sa hari at nagtatag ng hilagang kaharian na tinawag na Israel. Bilang isang kabataan, si Jeroboam, dahil sa kaniyang kasipagan, ay inatasan ni Solomon na mamahala sa lahat ng sapilitang paglilingkod ng sambahayan ni Jose. Nagdulot din ng kaligaligan kay Solomon si Hadad na Edomita at si Rezon, isang kaaway ni David na naging hari ng Sirya.—1Ha 11:14-40; 12:12-15.
Ang paglayo ni Haring Solomon mula sa Diyos ay nagkaroon ng masamang epekto sa kaniyang pamamahala. Ito ay naging mapaniil, tiyak na bilang resulta ng pagkaunti ng pananalapi dahil naging napakamagastos ng kaniyang pamahalaan. Nagkaroon din ng pagkadiskontento sa gitna ng mga tinawag niya para sa puwersahang pagtatrabaho, at walang alinlangang sa gitna rin ng kanilang mga tagapangasiwang Israelita. Dahil tinalikdan ni Solomon ang pagsunod sa Diyos taglay ang sakdal na puso, hindi na niya tatanggapin ang pagpapala at kasaganaang mula kay Jehova o ang karunungan upang makapamahala sa katuwiran at katarungan at malutas ang mga suliraning bumabangon. Gaya ng sinabi mismo ni Solomon: “Kapag dumarami ang matuwid, ang bayan ay nagsasaya; ngunit kapag ang balakyot ang may hawak ng pamamahala, ang bayan ay nagbubuntunghininga.”—Kaw 29:2.
Ang pagbangon ng ganitong situwasyon ay nililinaw ng ulat hinggil sa naganap di-kalaunan pagkamatay ni Solomon, noong namamahala si Rehoboam. Sa pamamagitan ng propetang si Ahias, ang Diyos ay nagpadala ng isang mensahe kay Jeroboam, anupat sinabi sa kaniya na ibibigay ng Diyos sa kaniya ang sampung tribo at kung tutuparin niya ang Kaniyang mga batas, ipagtatayo siya ng Diyos ng isang namamalaging sambahayan, gaya ng ginawa 1Ha 11:26-40; 12:12-20.
niya para kay David. Pagkatapos nito, sinikap ni Solomon na patayin si Jeroboam, na tumakas patungong Ehipto, na pinamamahalaan na noon ng isang kahalili ng ama ng asawang Ehipsiyo ni Solomon. Nanatili roon si Jeroboam hanggang sa mamatay si Solomon. Pagkatapos ay pinangunahan niya ang bayan sa pagrereklamo kay Rehoboam at nang dakong huli ay sa paghihimagsik.—Bagaman ikiniling ni Solomon ang kaniyang puso upang lumayo kay Jehova, siya ay “humigang kasama ng kaniyang mga ninuno, at inilibing sa Lunsod ni David na kaniyang ama.”—1Ha 11:43; 2Cr 9:31.
Si Jesus, Legal na Tagapagmana ni Solomon. Tinalunton ni Mateo ang mga inapo ni Solomon hanggang kay Jose, ang ama-amahan ni Jesus, sa gayon ay ipinakitang may legal na karapatan si Jesus sa trono ni David sa pamamagitan ng makaharing linya. (Mat 1:7, 16) Tinalunton naman ni Lucas ang angkan ni Jesus mula kay Heli (lumilitaw na ama ni Maria) sa pamamagitan ni Natan, na isa pang anak nina David at Bat-sheba at sa gayon ay tunay na kapatid ni Solomon. (Luc 3:23, 31) Ang dalawang linya ng angkan ay nagsanib kina Zerubabel at Sealtiel at muling naghiwalay at naging dalawang linya ng angkan. (Mat 1:12, 13; Luc 3:27) Si Maria na ina ni Jesus ay isang inapo sa pamamagitan ni Natan, at si Jose na kaniyang ama-amahan ay nagmula kay Solomon, anupat si Jesus ay kapuwa ang likas at legal na inapo ni David, na may lubos na karapatan sa trono.—Tingnan ang TALAANGKANAN NI JESU-KRISTO.
Kailangang Bantayan ang Puso. Hangga’t nag-iingat si Solomon ng isang “masunuring puso,” na sinikap niyang gawin sa pasimula, sumasakaniya ang lingap ni Jehova at siya ay nananagana. Ngunit ipinakikita ng kaniyang masamang kinahinatnan na ang kaalaman, pambihirang kakayahan, o kapangyarihan, kayamanan, at katanyagan ay hindi siyang pinakamahahalagang bagay, at na ang pagtalikod kay Jehova ay pagtatakwil sa karunungan. Napatunayang totoo ang sariling payo ni Solomon: “Higit sa lahat na dapat bantayan, ingatan mo ang iyong puso, sapagkat nagmumula rito ang mga bukal ng buhay.” (1Ha 3:9; Kaw 4:23) Inilalarawan ng nangyari sa kaniya na ang puso ng makasalanang tao ay mapandaya at mapanganib, ngunit higit pa riyan, ipinakikita nito na ang pinakamabubuting puso ay maaaring madaya kung hindi palaging babantayan. Ang pag-ibig sa iniibig ni Jehova at pagkapoot sa kinapopootan niya, anupat patuloy na hinahanap ang kaniyang patnubay at ginagawa ang kalugud-lugod sa kaniya, ay isang matibay na pananggalang.—Jer 17:9; Kaw 8:13; Heb 1:9; Ju 8:29.
Mesiyanikong mga Hula. Maraming pagkakahawig ang paghahari ni Solomon at ang pamamahala ng dakilang Hari na si Jesu-Kristo, gaya ng inihula sa Kasulatan. Sa maraming aspekto, ang pamamahala ni Solomon, noong masunurin siya kay Jehova, ay isang maliit na paglalarawan ng Mesiyanikong Kaharian. Si Jesu-Kristo, “isang higit pa kaysa kay Solomon,” ay dumating bilang isang taong mapayapa, at lumilitaw na nagsagawa siya ng isang espirituwal na gawaing pagtatayo na partikular na nauugnay sa pagsasauli ng tunay na pagsamba sa gitna ng kaniyang mga pinahirang tagasunod sa dakilang espirituwal na templo ni Jehova. (Mat 12:42; 2Co 6:16; Ju 14:27; 16:33; Ro 14:17; San 3:18) Si Solomon ay mula sa linya ni David, gaya rin ni Jesus. Ang pangalan ni Solomon (mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “kapayapaan”) ay angkop sa niluwalhating si Jesu-Kristo bilang ang “Prinsipe ng Kapayapaan.” (Isa 9:6) Ang kaniyang pangalang Jedidias (nangangahulugang “Minamahal ni Jah”) ay kasuwato ng mismong pananalita ng Diyos tungkol sa kaniyang Anak noong panahong bautismuhan si Jesus: “Ito ang aking Anak, ang minamahal, na aking sinang-ayunan.”—Mat 3:17.
Ang Awit 72 ay isang mapanalangining kapahayagan hinggil sa pamamahala ni Solomon: “Ang mga bundok nawa ay magdala ng kapayapaan sa bayan . . . Sa kaniyang mga araw ay sisibol ang matuwid, at ang kasaganaan ng kapayapaan hanggang sa mawala na ang buwan. At magkakaroon siya ng mga sakop sa dagat at dagat [lumilitaw na ang Mediteraneo at ang Dagat na Pula (Exo 23:31)] at mula sa Ilog [Eufrates] hanggang sa mga dulo ng lupa.”—Aw 72:3-8.
Tungkol sa Awit 72:7 (“hanggang sa mawala na ang buwan”), ang Commentary ni Cook ay nagsabi: “Ang talatang ito ay mahalaga upang ipakita na ang ideya hinggil sa isang Hari na mamamahala hanggang sa katapusan ng panahon ay malinaw na malinaw sa isip ng Salmista. Ipinakikita nito ang Mesiyanikong katangian ng buong komposisyon.” At tungkol sa talata 8, sinabi niya: “Ang kaharian ay magiging pambuong-daigdig, anupat sasaklaw hanggang sa mga dulo ng lupa. Ang saklaw ng kaharian ng Israel sa ilalim nina David at Solomon ay sapat na upang ipahiwatig ang pag-asang iyon, at maaaring ituring ng Salmista bilang isang pangako na iyon ay magkakatotoo, ngunit kung uunawain kaugnay ng naunang mga talata, ang kapahayagang ito ay bukod-tanging Mesiyaniko.”
Sa isang hula ng propetang si Mikas, na tinatanggap ng halos lahat bilang Mesiyaniko, binanggit niya ang kalagayang inilarawan noong naghahari si Solomon, na “ang Juda at ang Israel ay patuloy na nanahanan nang tiwasay, ang bawat isa sa ilalim ng 1Ha 4:25; Mik 4:4) Sinipi ng hula ni Zacarias (Zac 9:9, 10) ang Awit 72:8, at ikinapit naman ni Mateo kay Jesu-Kristo ang hula ni Zacarias.—Mat 21:4, 5.
kaniyang sariling punong ubas at sa ilalim ng kaniyang sariling puno ng igos, . . . sa lahat ng mga araw ni Solomon.” (