Nagkakaisa sa Paggawa ng Kalooban ng Diyos
Nagkakaisa sa Paggawa ng Kalooban ng Diyos
Inaasahan namin na ang impormasyon na iniharap ng brosyur na ito tungkol sa ministeryo, mga pulong, at organisasyon ng mga Saksi ni Jehova ay tutulong sa iyo na mambabasa na lalo pang makisama sa kanila sa pagsamba sa Diyos. Aming inaanyayahan ka na tuwirang alamin ang tungkol sa mga Saksi sa pamamagitan ng personal na pakikisama sa isang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova at pagdalo sa kanilang mga asamblea. Malaki ang magagawa nito sa pagkaunawa mo ng kalooban ng Diyos sa panahong ito.—Tito 2:11-14.
Samantalang iniaayon mo ang iyong buhay sa pamantayan ng Bibliya ng mabubuting gawa, magkakaroon ka rin ng pribilehiyo na makasama ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang mga aktibidades. Bukod sa tatamasahin mo ang masiglang pakikihalubilo sa isang pambuong-daigdig na samahan ng magkakapatid, ikaw ay may pag-asa na makaligtas sa wakas ng kasalukuyang sistema ng mga bagay tungo sa isang bagong sistema na kung saan kapayapaan at katuwiran ang iiral.—2 Pedro 3:13.
[Mga larawan sa pahina 30, 31]
Mga tanawin buhat sa 18 ng mahigit na 200 mga bansa at isla sa dagat na kung saan ang mga Saksi ni Jehova ay nagkakaisa sa paggawa ng kalooban ng Diyos
Nigeria
Austria
Brazil
Hapon
Canada
Guatemala
Argentina
Alemanya
Taiwan
Pinlandya
Timog Aprika
India
Estados Unidos
Fiji
Chile
Italya
Bolivia
Pilipinas