Patuloy na Manatiling Mapagbantay
Kabanata 33
Patuloy na Manatiling Mapagbantay
“YAMANG malinaw na sinabi ni Jesus na walang tao ang maaaring makaalam ng ‘araw na iyon’ o ‘ang oras’ ng pag-uutos ng Ama sa kaniyang anak na ‘pumarito’ laban sa balakyot na sistema ng mga bagay ni Satanas, maitatanong ng iba: ‘Bakit lubhang may pagkaapurahan ang mamuhay na laging hinihintay ang kawakasan?’ May pagkaapurahan ito sapagkat halos kasabay nito ay idinagdag ni Jesus: ‘Manatiling mapagmasid, manatiling gising . . . manatiling mapagbantay.’ (Mar. 13:32-35)”—Ang Bantayan, Hunyo 1, 1985.
Ilang dekada nang nananatiling mapagbantay ang mga Saksi ni Jehova. Ano ang kanilang inaabangan? Ang pagdating ni Jesus sa kapangyarihan ng Kaharian upang maggawad ng kahatulan laban sa balakyot na sistema ng mga bagay ni Satanas at upang ipaabot ang lahat ng kapakinabangan ng kaniyang pang-Kahariang pamamahala sa buong lupa! (Mat. 6:9, 10; 24:30; Luc. 21:28; 2 Tes. 1:7-10) Alam ng mga nagbabantay na ito na ang “tanda” ng pagkanaririto ni Jesus ay maliwanag na nakikita sapol noong 1914 at na ang kasalukuyang sistema ng mga bagay ay pumasok sa kaniyang mga huling araw noong taóng iyon.—Mat. 24:3–25:46.
Subalit, hanggang sa ngayon, hindi pa dumarating si Jesus bilang Tagapuksa at Tagapagligtas. Kaya papaano minamalas ng mga Saksi ni Jehova ang kasalukuyan nilang kalagayan?
‘Lubos na Nananalig’ sa Kanilang Pagkaunawa
Bilang isang pambuong-daigdig na kongregasyon, taglay nila ang “lubos na pananalig sa kanilang pagkaunawa.” (Col. 2:2) Hindi dahil sa kanilang nadarama na nauunawaan nila ang bawat detalye ng mga layunin ni Jehova. Patuloy na sinisiyasat nila ang mga Kasulatan nang may bukás na isipan, at patuloy silang natututo. Subalit ang kanilang natututuhan ay hindi nagpapabago sa saligang pangmalas nila tungkol sa pangunahing mga katotohanan ng Salita ng Diyos. Sila’y ‘lubos na nananalig’ sa pangunahing mga katotohanang ito; ang mga ito’y kanila nang kinilala at tinanggap sa loob ng maraming dekada. Gayunman, ang kanilang natututuhan ay patuloy na nagpapasulong sa kanilang pagkaunawa kung papaanong ang ilang mga teksto ay umaakma sa pangkalahatang balangkas ng katotohanan ng Bibliya at kung papaano nila higit na maikakapit ang payo ng Salita ng Diyos sa kanilang sariling buhay.
May “lubos na pananalig” din ang mga Saksi ni Jehova sa mga pangako ng Diyos. Sila’y lubos na nagtitiwala na wala sa kaniyang mga pangako ang mabibigo kahit sa kaliit-liitang detalye at na lahat ng mga ito ay matutupad sa kaniyang takdang panahon. Ang katuparan ng hula ng Bibliya na kanila nang nakita at naranasan ay nagdudulot sa kanila ng lubos na pananalig na ang kasalukuyang sanlibutan ay nasa kaniyang “panahon ng kawakasan” at na ang pangako ng Diyos na isang matuwid na bagong sanlibutan ay malapit nang matupad.—Dan. 12:4, 9; Apoc. 21:1-5.
Mar. 13:33, 35-37) Lubos na nababatid ng mga Saksi ni Jehova ang pangangailangan na manatiling nagbabantay.
Kung gayon, ano ang nararapat nilang gawin? “Manatiling mapagmasid, manatiling gising,” ang utos ni Jesus, “sapagkat hindi ninyo nalalaman kung kailan ang takdang panahon. Kaya manatiling mapagbantay . . . upang kapag biglang dumating [ang Panginoon], hindi kayo maratnan niyang natutulog. Subalit ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat, Manatiling mapagbantay.” (Ang labis na pananabik na ipinamamalas nila kung minsan tungkol sa katuparan ng ilang mga hula ay hindi naman nagpapabago sa bunton ng mga patotoo mula noong Digmaang Pandaigdig I na tayo’y nasa katapusan ng sistema ng mga bagay. Ang totoo, higit na mabuti ang maging masigasig—kahit labis na masigasig—na makita ang katuparan ng kalooban ng Diyos kaysa maging tulog sa espirituwal may kaugnayan sa katuparan ng kaniyang mga layunin!—Ihambing ang Lucas 19:11; Gawa 1:6; 1 Tesalonica 5:1, 2, 6.
Ano ang nasasangkot sa pananatiling mapagbantay?
Pananatiling Mapagbantay—Papaano?
Ang mapagbantay na mga Kristiyano ay hindi basta na lamang naghahalukipkip ng kanilang mga kamay at naghihintay. Hindi kailanman! Dapat silang manatiling nasa malusog na kalagayan sa espirituwal upang pagdating ni Jesus bilang Tagapuksa, siya’y magiging Tagapagligtas din nila. (Luc. 21:28) “Magbigay-pansin sa inyong mga sarili,” ang babala ni Jesus, “upang huwag malugmok ang inyong mga puso sa katakawan at sa labis na pag-inom at sa mga kabalisahan ng buhay, at dumating na bigla sa inyo ang araw na iyon bilang isang silo. . . . Manatili kayong gising.” (Luc. 21:34-36) Kaya, ang mapagbantay na mga Kristiyano ay kailangang unang ‘magbigay-pansin sa kanilang mga sarili,’ na maingat na namumuhay sa bawat araw gaya ng nararapat sa isang Kristiyano. Dapat silang manatiling lubos na gising sa Kristiyanong mga pananagutan at iwasan ang di-maka-kristiyanong paggawi na palasak sa isang sanlibutan na “nasa ilalim ng kapangyarihan ng balakyot na isa.” (1 Juan 5:19; Roma 13:11-14) Pagdating ni Kristo, dapat na maging handa sila.
Sino ang tunay na nananatiling gising, na nasa malusog na kalagayan sa espirituwal? Ang ulat ng kasaysayan na inilahad sa naunang mga kabanata ng publikasyong ito ay tumutukoy sa mga Saksi ni Jehova. Maliwanag na kanilang dinidibdib ang mga pananagutang nasasangkot sa pagiging mga Kristiyano. Sa panahon ng digmaan, halimbawa, sila’y handang mabilanggo at mamatay dahil sa pagiging gising sa pananagutan nilang hindi maging bahagi ng sanlibutan at magpakita ng mapagsakripisyo-sa-sariling pag-ibig sa isa’t isa. (Juan 13:34, 35; 17:14, 16) Ang mga taong nagmamasid sa kanila sa kanilang mga Kingdom Hall, sa kanilang malalaking kombensiyon, o maging sa kanilang sekular na trabaho ay natatawagan ng pansin dahil sa kanilang ‘mainam na pag-uugali.’ (1 Ped. 2:12) Sa sanlibutang ito na “hindi nakadarama ng kahihiyan,” sila’y kilala dahil sa pamumuhay nang tapat at malinis sa moral.—Efe. 4:19-24; 5:3-5.
Subalit, ang pananatiling mapagbantay ay nangangahulugan ng higit pa kaysa sa ‘pagbibigay-pansin sa inyong sarili.’ Dapat ipatalastas ng isang bantay sa iba kung ano ang kaniyang nakikita. Sa panahong ito ng kawakasan, ang mapagbantay na mga Kristiyano na nakikitang malinaw ang tanda ng pagkanaririto ni Kristo ay dapat magpahayag sa iba ng “mabuting balita ng kaharian” at magbabala sa kanila na Mat. 24:14, 30, 44) Sa ganitong paraan ay tinutulungan nila ang iba upang ihanay ang kanilang mga sarili ukol sa “pagkaligtas.”—Luc. 21:28.
si Kristo ay malapit nang dumating upang maggawad ng kahatulan laban sa balakyot na sistema ng mga bagay. (Sino ang napatunayang laging nagbabantay sa pagbibigay ng babala? Ang mga Saksi ni Jehova ay kilala sa buong daigdig dahil sa sigasig nila sa paghahayag ng pangalan at Kaharian ng Diyos. Ang pangangaral ay hindi nila inirereserba para sa isang piniling uri ng mga klero. Kinikilala nila ito bilang pananagutan ng lahat ng mga mananampalataya. Minamalas nila ito bilang mahalagang bahagi ng kanilang pagsamba. (Roma 10:9, 10; 1 Cor. 9:16) Ano ang naging resulta?
Sila ngayon ay bumubuo ng isang lumalagong kongregasyon na may milyun-milyong aktibong miyembro sa mahigit na 220 lupain sa buong lupa. (Isa. 60:22; ihambing ang Gawa 2:47; 6:7; 16:5.) Ilan sa pinakamakapangyarihang mga pamahalaan sa kasaysayan ng tao ang nagbawal sa kanilang gawain, lansakang umaaresto sa kanila, at nagtatapon sa kanila sa bilangguan. Subalit ang mga Saksi ni Jehova ay nagpatuloy pa rin sa pangangaral ng Kaharian ng Diyos! Ang kanilang determinasyon ay katulad ng sa mga apostol na, nang pinag-utusang huminto sa pangangaral, ay nagpahayag: “Kung para sa amin, hindi maaaring di namin salitain ang mga bagay na aming nakita at narinig.” “Dapat kaming sumunod sa Diyos bilang pinunò sa halip na sa mga tao.”—Gawa 4:18-20; 5:27-29.
“Hintayin Mong May Pananabik”
Ang kalagayan ng mga Saksi ni Jehova ngayon ay nakakahawig ng kalagayan ng unang-siglong mga Kristiyano sa Judea. Sila’y binigyan ni Jesus ng tanda upang malaman kung kailan ang tamang panahon ng pagtakas mula sa Jerusalem upang makaiwas sa pagkapuksa nito. “Kapag nakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, . . . magsitakas nga kayo,” ang sabi ni Jesus. (Luc. 21:20-23) Mahigit lamang na 30 taon pagkaraan, noong 66 C.E., ang Jerusalem ay nakubkob ng mga hukbong Romano. Nang biglang umurong ang mga puwersang Romano nang walang kadahi-dahilan, ang mga Kristiyano sa Judea ay sumunod sa mga tagubilin ni Jesus at tumakas—hindi lamang mula sa Jerusalem kundi mula sa buong lupain ng Judea—tungo sa isang lunsod sa Perea na tinatawag na Pella.
Doon, sa matiwasay na kalagayan, ay naghintay sila. Ang taóng 67 C.E. ay dumating at lumipas. Pagkatapos ang 68 ay sinundan ng 69. Gayunman, nanatili pa ring malaya ang Jerusalem. Dapat kaya silang bumalik? Tutal, hindi sinabi ni Jesus kung gaanong katagal sila dapat maghintay. Subalit kung may bumalik man, ito’y pinagsisihan niya, sapagkat noong 70 C.E. ang mga hukbong Romano ay bumalik na gaya ng isang di-mapipigilang daluyong, at ngayon ay hindi na sila umurong. Sa halip, kanilang winasak ang lunsod at pinatay ang mahigit na isang milyong tao. Kayligaya ng mga Judeanong Kristiyanong iyon na nasa Pella na sila’y naghintay hanggang sa takdang panahon ni Jehova upang maggawad ng kahatulan!
Gayundin kung para sa mga nananatiling mapagbantay sa ngayon. Lubos nilang natatanto na mientras tumatagal ang panahong ito ng kawakasan, nagiging higit na malaking hamon ang panatilihin ang ating may pananabik na paghihintay sa pagdating ni Jesus. Subalit hindi nawawala ang pananampalataya nila sa mga salita ni Jesus: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang salinlahing ito ay hindi lilipas sa anumang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.” (Mat. 24:34) Ang pananalitang “mga bagay na ito” ay tumutukoy sa iba’t ibang bahagi ng pinagsama-samang “tanda.” Ang tandang ito ay nakikita na mula pa noong 1914 at magwawakas pagsapit ng “malaking kapighatian.” (Mat. 24:21) Ang “salinlahi” na nabuhay mula noong 1914 ay mabilis nang nauubos. Maliwanag na hindi na malayo ang katapusan.
Samantala, lubos na determinado ang mga Saksi ni Jehova na manatiling mapagbantay, taglay ang buong pananampalataya na tutuparin ng Diyos ang lahat ng kaniyang mga pangako sa kaniyang takdang panahon! Isinasapuso nila ang mga salita ni Jehova kay propeta Habakuk. Tungkol sa waring pagpayag ni Jehova sa kabalakyutan sa kaharian ng Juda noong huling bahagi ng ikapitong siglo B.C.E., sinabi ni Jehova sa propeta: “Isulat mo ang pangitain [tungkol sa katapusan ng mapaniil na mga kalagayan], at iukit mong malinaw sa mga tapyas ng bato, upang ang bumabasa nang malakas mula rito ay makagawa nito nang may katatasan. Sapagkat ang pangitain ay sa panahon pang nakatakda, at nagmamadali hanggang sa katapusan, at hindi ito magbubulaan. Kahit ito man ay [waring] nagluluwat, hintayin mong may pananabik; sapagkat walang pagsalang darating. Hindi ito magtatagal.” (Hab. 1:2, 3; 2:2, 3) Sa kahawig na paraan, may pagtitiwala ang mga Saksi ni Jehova sa katuwiran at katarungan ni Jehova, at ito’y tumutulong sa kanila upang manatiling timbang at maghintay hanggang sa “takdang panahon” ni Jehova.
Mahusay na naipahayag ni F. W. Franz, na nabautismuhan noong 1913, ang damdamin ng mga Saksi ni Jehova. Noong 1991, bilang presidente ng Samahang Watch Tower, sinabi niya:
“Ang ating pag-asa ay isang katiyakan, at iyon ay lubusang matutupad hanggang sa kahuli-hulihang miyembro ng 144,000 na bumubuo ng munting kawan sa antas na hindi man lamang natin maguguniguni. Tayo na mga nalabi na naririto na noong taóng 1914, nang inaasahan natin noon na lahat tayo’y pupunta sa langit, ay hindi nawawalan ng ating pagpapahalaga sa pag-asang iyan. Kundi ito’y nananatiling matibay pa rin sa atin tulad ng dati, at lalo pa nating pinahahalagahan iyan habang tumatagal ang ating paghihintay. Iyan ay isang bagay na karapat-dapat hintayin, kahit na kailanganin ang isang milyong taon. Aking pinahahalagahan ang ating pag-asa nang higit kailanman, at hindi ko nais kailanman na mawala ang aking pagpapahalaga riyan. Ang pag-asa ng munting kawan ay nagbibigay rin ng katiyakan na ang inaasahan ng malaking pulutong ng mga ibang tupa, na walang anumang posibilidad na mabigo, ay matutupad nang higit pa sa pinakamaningning na ating maguguniguni. Kaya naman tayo ay nananatiling matatag hanggang sa mismong oras na ito, at tayo’y mananatiling matatag hanggang sa aktuwal na patunayan ng Diyos na siya’y tapat sa kaniyang ‘mahalaga at pagkadaki-dakilang mga pangako.’ ”—2 Ped. 1:4; Bil. 23:19; Roma 5:5.
Ang panahon ay mabilis na dumarating kapag ang pagkanaririto ni Kristo sa kapangyarihan ng Kaharian ay malinaw na ipamamalas sa buong sangkatauhan. Kung magkagayon, ang mga mapagbantay ay “tatanggap ng katuparan ng pangako.” (Heb. 10:36) Sa katunayan, ang kanilang mga pag-asa ay matutupad nang higit pa ‘sa kanilang maguguniguni.’ Anong pagkaligaya at kaylaki ng pasasalamat nila na sa huling mga kaarawan ng balakyot na sistemang ito ng mga bagay, sila yaong mga nagpatuloy sa pananatiling mapagbantay, yaong mga masigasig na naghayag ng Kaharian ng Diyos!
[Blurb sa pahina 713]
Lubos na pananalig na ang kasalukuyang sanlibutan ay nasa kaniyang “panahon ng kawakasan”
[Blurb sa pahina 714]
Na maingat na namumuhay sa bawat araw gaya ng nararapat sa isang Kristiyano
[Blurb sa pahina 715]
Sino ang napatunayang laging nagbabantay sa pagbibigay ng babala?
[Blurb sa pahina 716]
“Aking pinahahalagahan ang ating pag-asa nang higit kailanman, at hindi ko nais kailanman na mawala ang aking pagpapahalaga riyan”—F.W. Franz
[Kahon/Larawan sa pahina 717]
Mga Ulat ng Pambuong-daigdig na Pagpapatotoo
Taon Lupain
1920 ....... 46
1925 ....... 83
1930 ....... 87
1935 ...... 115
1940 ...... 112
1945 ...... 107
1950 ...... 147
1955 ...... 164
1960 ...... 187
1965 ...... 201
1970 ...... 208
1975 ...... 212
1980 ...... 217
1985 ...... 222
1992 ...... 229
Kabuuang Lupain
Ang dami ng mga lupain ay binibilang ayon sa pagkakahati ng lupa noong unang bahagi ng dekada ng 1990, hindi ayon sa pulitikal na mga pagkakahati na umiral, halimbawa, nang ang dating malalaking imperyo ay mamahala sa teritoryo na sa ngayon ay nahahati sa maraming independiyenteng mga bansa.
Taon Kong.
1940 ...... 5,130
1945 ...... 7,218
1950 ..... 13,238
1955 ..... 16,044
1960 ..... 21,008
1965 ..... 24,158
1970 ..... 26,524
1975 ..... 38,256
1980 ..... 43,181
1985 ..... 49,716
1992 ..... 69,558
Kabuuang Kongregasyon
Bago ang 1938 walang iningatang rekord sa buong daigdig ng kabuuang bilang ng mga kongregasyon.
Taon Mam.
1935 .. ... 56,153
1940 ...... 96,418
1945 ..... 156,299
1950 ..... 373,430
1955 ..... 642,929
1960 ..... 916,332
1965 ... 1,109,806
1970 ... 1,483,430
1975 ... 2,179,256
1980 ... 2,272,278
1985 ... 3,024,131
1992 ... 4,472,787
Kabuuang Mamamahayag ng Kaharian
Ang paraan ng pagbilang ng mga mamamahayag ay nagkaroon ng ilang pagbabago noong huling bahagi ng dekada ng 1920 at ng unang bahagi ng 1930. Ang mga ulat ng kongregasyon ay ipinadadala sa Samahan bawat linggo, sa halip na minsan sa isang buwan. (Ang buwanang mga ulat ay nagsimula lamang noong Oktubre 1932.) Upang maitala bilang isang manggagawa ng klase (mamamahayag ng kongregasyon), ang isa ay kailangang mag-ulat ng di-kukulangin sa 3 oras bawat linggo (o 12 bawat buwan) sa paglilingkod sa larangan, ayon sa “Bulletin” ng Enero 1, 1929. Ang mga “sharpshooter” (nabubukod na mga mamamahayag) ay kailangang gumugol ng di-kukulangin sa dalawang oras bawat linggo sa pagpapatotoo.
Taon Payunir
1920 ......... 480
1925 ....... 1,435
1930 ....... 2,897
1935 ....... 4,655
1940 ....... 5,251
1945 ....... 6,721
1950 ...... 14,093
1955 ...... 17,011
1960 ...... 30,584
1965 ...... 47,853
1970 ...... 88,871
1975 ..... 130,225
1980 ..... 137,861
1985 ..... 322,821
1992 ..... 605,610
Mga Payunir
Kalakip sa mga bilang na nakatala rito ay mga regular pioneer, auxiliary pioneer, special pioneer, misyonero, tagapangasiwa ng sirkito, at tagapangasiwa ng distrito. Ang mga payunir ay dating tinawag na mga colporteur, at ang auxiliary pioneer bilang mga auxiliary colporteur. Para sa halos lahat ng taon ang mga bilang ay tumutukoy sa buwanang mga aberids.
Taon Pa. Bib.
1945 ....... 104,814
1950 ....... 234,952
1955 ....... 337,456
1960 ....... 646,108
1965 ....... 770,595
1970 ..... 1,146,378
1975 ..... 1,411,256
1980 ..... 1,371,584
1985 ..... 2,379,146
1992 ..... 4,278,127
Pantahanang mga Pag-aaral sa Bibliya
Noong dekada ng 1930, may ilang pag-aaral na idinaos sa mga tao, ngunit ang idiniin ay ang pagtuturo sa mga tao kung papaano nila magagawa ito, para sa kanilang sarili gayundin sa pag-oorganisa ng mga pag-aaral na maaaring daluhan ng iba pang interesadong mga tao sa lugar na iyon. Nang maglaon, kapag nagpakita ang mga tao ng tunay na interes, ang mga pag-aaral ay idinaraos sa kanila hanggang sa sila’y mabautismuhan. Nang dakong huli pa, ibinigay ang pampasigla na ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang sa mabigyan ang tao ng sapat na tulong tungo sa pagiging maygulang na Kristiyano.
Taon Oras
1930-35 ....... 42,205,307
1936-40 ....... 63,026,188
1941-45 ...... 149,043,097
1946-50 ...... 240,385,017
1951-55 ...... 370,550,156
1956-60 ...... 555,859,540
1961-65 ...... 760,049,417
1966-70 .... 1,070,677,035
1971-75 .... 1,637,744,774
1976-80 .... 1,646,356,541
1981-85 .... 2,276,287,442
1986-92 .... 5,912,814,412
Kabuuang Oras
Walang pangkalahatang pag-uulat ng oras hanggang sa huling bahagi ng dekada ng 1920. Nagkaroon ng ilang pagbabago sa paraan ng pagbilang ng oras: Noong unang bahagi ng dekada ng 1930, ang oras lamang na ginugol sa pagpapatotoo sa bahay-bahay ang ibinilang—hindi ang ginugol sa mga pagdalaw-muli. Bagaman ang ulat na makikita rito ay tunay na nakatatawag-pansin, ang totoo ito’y isang pagtatantiya lamang sa napakalaking panahon na ginugugol ng mga Saksi ni Jehova sa paghahayag ng Kaharian ng Diyos.
Taon Naipa. Lit.
1920-25 ....... 38,757,639
1926-30 ....... 64,878,399
1931-35 ...... 144,073,004
1936-40 ...... 164,788,909
1941-45 ...... 178,265,670
1946-50 ...... 160,027,404
1951-55 ...... 237,151,701
1956-60 ...... 493,202,895
1961-65 ...... 681,903,850
1966-70 ...... 935,106,627
1971-75 .... 1,407,578,681
1976-80 .... 1,380,850,717
1981-85 .... 1,504,980,839
1986-92 .... 2,715,998,934
Naipamahaging Literatura
Maliban lamang sa ilang kaso, hindi kasama sa mga bilang ang nailagay na magasin para sa mga taon bago ang 1940, bagaman milyun-milyong kopya ang naipamahagi. Isinama sa mga bilang mula noong 1940 ang mga aklat, mga buklet, mga brosyur, at ang mga magasin, ngunit hindi ang daan-daang-milyong mga tract na ginamit din upang pukawin ang interes sa mensahe ng Kaharian. Ang kabuuang 10,107,565,269 na sipi ng literatura na ipinamahagi mula 1920 hanggang 1992 sa mahigit na 290 wika ay isang katunayan ng isang pambihirang pambuong-daigdig na pagpapatotoo.
Taon Dum. Naki.
1935 ...... 63,146 ... 52,465
1940 ...... 96,989 ... 27,711
1945 ..... 186,247 ... 22,328
1950 ..... 511,203 ... 22,723
1955 ..... 878,303 ... 16,815
1960 ... 1,519,821 ... 13,911
1965 ... 1,933,089 ... 11,550
1970 ... 3,226,168 ... 10,526
1975 ... 4,925,643 ... 10,550
1980 ... 5,726,656 .... 9,564
1985 ... 7,792,109 .... 9,051
1992 .. 11,431,171 .... 8,683
Bilang ng Dumalo at Nakibahagi sa Memoryal
Bago ang 1932, kadalasang hindi kumpleto ang nakukuhang bilang para sa dumadalo sa Memoryal. Kung minsan, mga grupo lamang ng 15, 20, 30, o higit pa ang isinasama sa inilathalang kabuuang bilang. Kapansin-pansin, sa halos lahat ng taon na may makuhang bilang ay lumilitaw na may ilan sa mga dumalo na hindi nakikibahagi. Noong 1933 ang bilang ng mga ito ay umabot na sa mga 3,000.