Ang Malaking Pulutong—Mabubuhay Ba sa Langit? O sa Lupa?
Kabanata 12
Ang Malaking Pulutong—Mabubuhay Ba sa Langit? O sa Lupa?
DI-TULAD ng mga miyembro ng mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan, ang karamihan ng mga Saksi ni Jehova ay may pag-asa ng walang-hanggang buhay, hindi sa langit, kundi sa lupa. Bakit gayon?
Hindi laging ganoon ang kalagayan. Ang unang-siglong mga Kristiyano ay umasa na sa hinaharap sila’y magpupunò kasama ni Jesu-Kristo bilang makalangit na mga hari. (Mat. 11:12; Luc. 22:28-30) Subalit, sinabi ni Jesus sa kanila na ang mga tagapagmana ng Kaharian ay magiging isang “munting kawan” lamang. (Luc. 12:32) Sinu-sino ang mapapabilang dito? Magiging ilan kaya sila? Noong dakong huli na lamang nila nalaman ang mga detalye.
Noong Pentecostes 33 C.E., ang unang Judiong mga alagad ni Jesus ay pinahiran ng banal na espiritu upang maging kasamang tagapagmana ni Kristo. Noong taóng 36 C.E., niliwanag ng pagkilos ng banal na espiritu na ang di-tuling mga Gentil ay makikibahagi rin sa manang iyan. (Gawa 15:7-9; Efe. 3:5, 6) Lumipas pa ang 60 taon bago isiniwalat kay apostol Juan na 144,000 lamang ang kukunin mula sa lupa upang makibahaging kasama ni Kristo sa makalangit na Kaharian.—Apoc. 7:4-8; 14:1-3.
May gayunding pag-asa si Charles Taze Russell at ang kaniyang mga kasamahan, gayundin ang karamihan ng mga Saksi ni Jehova hanggang noong kalagitnaan ng dekada ng 1930. Alam din nila, mula sa kanilang pag-aaral sa Kasulatan, na ang pagpapahid ng banal na espiritu ay hindi lamang nangangahulugan na ang mga tao ay nakahanay sa panghinaharap na paglilingkod bilang mga hari at saserdote kasama ni Kristo sa langit kundi na mayroon din silang pantanging gawain habang nasa laman pa. (1 Ped. 1:3, 4; 2:9; Apoc. 20:6) Anong gawain? Alam na alam nila at madalas na sinisipi ang Isaias 61:1, na nagsasabi: “Ang espiritu ng Soberanong Panginoong Jehova ay sumasaakin, sapagkat pinahiran ako ni Jehova upang ipangaral ang mabuting balita sa maaamo.”
Pangangaral na May Anong Layunin?
Bagaman iilan lamang sila, sinikap nilang ipabatid ang katotohanan tungkol sa Diyos at sa kaniyang layunin sa sinumang maaabot nila. Sila’y naglimbag at namahagi ng halos di-mabilang na mga babasahin na naghahayag ng mabuting balita tungkol sa kaniyang paglalaan ng kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo. Subalit hindi nila layunin na kombertihin ang lahat ng pinangangaralan nila. Kung gayon, bakit pa sila nangangaral sa kanila? Ipinaliwanag ng Watch Tower ng Hulyo 1889: “Tayo ang kinatawan niya [ni Jehova] sa lupa; ang karangalan ng kaniyang pangalan ay kailangang ipagbangong-puri sa harap ng kaniyang mga kaaway at sa harap
ng marami sa kaniyang nalinlang na mga anak; ang kaniyang maluwalhating plano ay kailangang ihayag sa lahat ng dako bilang pagsalungat sa lahat ng mga pakanang sinisikap na kathain ng mga tao batay sa karunungan ng sanlibutan.”Binigyan ng pantanging pansin yaong mga nag-aangking sila ang bayan ng Panginoon, na marami rito ay mga miyembro ng mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan. Ano ang layunin ng pangangaral sa mga ito? Gaya ng malimit na ipinaliwanag ni Brother Russell, ang hangarin ng unang mga Estudyante ng Bibliya ay hindi upang akitin ang mga miyembro ng simbahan na lumipat sa ibang organisasyon kundi upang tulungan silang higit na mapalapít sa Panginoon bilang mga miyembro ng iisang tunay na iglesya. Subalit, alam ng mga Estudyante ng Bibliya na, bilang pagtalima sa Apocalipsis 18:4, ang gayong mga tao ay kailangang lumabas sa “Babilonya,” na naunawaan nilang kumakapit sa naturingang iglesya, ang mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan pati na ang lahat ng di-maka-Kasulatang mga turo at nagkakabaha-bahaging mga sekta nito. Sa kauna-unahang isyu ng Watch Tower (Hulyo 1879), sinabi ni Brother Russell: “Ang unawa namin ay na ang layunin ng kasalukuyang pagpapatotoo ay ‘Upang kumuha ng isang bayan ukol sa Kaniyang pangalan’—ang Iglesya—na sa pagparito ni Kristo ay nakikiisa sa Kaniya, at tumatanggap ng Kaniyang pangalan. Apoc. iii. 12.”
Napagtanto nila na, noong panahong iyon, iisa lamang “pagtawag” ang ipinaaabot sa lahat ng tunay na mga Kristiyano. Ito’y ang imbitasyong maging miyembro ng kasintahan ni Kristo, na sa wakas ay aabot lamang sa bilang na 144,000. (Efe. 4:4; Apoc. 14:1-5) Sinikap nilang pukawin ang lahat ng nag-aangking sumasampalataya sa haing pantubos ni Kristo, mga miyembro man ito ng simbahan o hindi, na pagyamanin “ang mahalaga at napakadakilang mga pangako” ng Diyos. (2 Ped. 1:4; Efe. 1:18) Sinikap nilang pakilusin ang mga ito na magmasigasig sa pag-abot sa mga kahilingan para sa munting kawan ng mga tagapagmana ng Kaharian. Upang patibayin sa espirituwal ang lahat ng mga ito, na kanilang itinuturing na bumubuo ng “sambahayan ng pananampalataya” (yamang sila’y nag-aangking may pananampalataya sa pantubos), si Brother Russell at ang kaniyang mga kasamahan ay buong sikap na naglaan ng espirituwal na ‘pagkain sa takdang panahon’ sa mga tudling ng Watch Tower at iba pang mga publikasyong salig sa Bibliya.—Gal. 6:10; Mat. 24:45, 46, KJ.
Gayunpaman, natalos nila na hindi lahat ng mga nag-aangking nakagawa ng “pagtatalaga” (o, ‘lubusang ibinigay ang kanilang sarili sa Panginoon,’ gaya ng pagkaunawa nila rito) ay nakapagpatuloy na mamuhay na may pagsasakripisyo sa sarili, na inuuna ang paglilingkod sa Panginoon sa kanilang buhay. Ngunit, ayon sa paliwanag nila, ang natatalagang mga Kristiyano ay nagpasiyang kusang isuko ang kanilang buhay bilang tao, na tumatanaw sa makalangit na Heb. 6:4-6; 10:26-29) Subalit marami sa di-umano’y natatalagang mga Kristiyano ang tumatahak ng maalwang landasin, na hindi nagpapakita ng tunay na sigasig sa gawain ng Panginoon at umiiwas sa pagsasakripisyo sa sarili. Magkaganito man, waring hindi nila itinatatwa ang pantubos at may antas naman ng kalinisan sa kanilang mga buhay. Ano kaya ang mangyayari sa gayong mga tao?
mana; wala nang pag-urong; kung hindi nila matatamo ang buhay sa dako ng mga espiritu, ang ikalawang kamatayan ang maghihintay sa kanila. (Sa loob ng maraming taon inakala ng mga Estudyante ng Bibliya na ito ang grupong inilalarawan sa Apocalipsis 7:9, 14 (KJ), na tumutukoy sa “isang malaking pulutong” na lumalabas sa malaking kapighatian at nakatayo “sa harapan ng luklukan” ng Diyos at sa harapan ng Kordero, si Jesu-Kristo. Ang katuwiran nila ay na bagaman umiiwas ang mga ito na mamuhay nang may pagsasakripisyo sa sarili, sila’y mapapaharap sa mga pagsubok ng pananampalataya na hahantong sa kamatayan sa panahon ng kapighatian matapos luwalhatiin ang huling mga miyembro ng kasintahan ni Kristo. Naniwala sila na kung ang mga ito na sinasabing bahagi ng malaking pulutong ay tapat sa panahong iyon, sila’y bubuhayin tungo sa makalangit na buhay—hindi upang magpunò bilang mga hari kundi upang magkaroon ng katayuan sa harapan ng luklukan. Naisip na sila’y bibigyan ng gayong pangalawahing mga katayuan sapagkat ang kanilang pag-ibig sa Panginoon ay hindi naging lubusang maningas, sapagkat hindi sila nagpakita ng sapat na kasigasigan. Naisip noon na ang mga ito’y mga taong inianak ng espiritu ng Diyos subalit naging pabayâ sa pagtalima sa Diyos, at kaypala’y nanghahawakan pa rin sa mga iglesya ng Sangkakristiyanuhan.
Inakala rin nila na marahil—marahil lamang—ang “sinaunang mga karapat-dapat” na maglilingkod bilang mga prinsipe sa lupa sa panahon ng milenyo, sa pagtatapos ng panahong iyon, sa papaano man ay pagkakalooban ng makalangit na buhay. (Awit 45:16) Nangatuwiran sila na maaaring magkaroon ng kahawig na pag-asa ang sinumang “nagtalaga” ng kanilang sarili pagkatapos na ganap na piliin ang 144,000 tagapagmana ng Kaharian ngunit bago magsimula ang panahon ng pagsasauli sa lupa. Sa limitadong paraan, ito’y hango sa pangmalas ng Sangkakristiyanuhan na lahat ng gumagawa ng mabuti ay aakyat sa langit. Ngunit may isang paniniwala na pinanghawakan ng mga Estudyante ng Bibliya batay sa Kasulatan na nagpaging-iba sa kanila sa buong Sangkakristiyanuhan. Ano ba iyon?
Ang Mabuhay Magpakailanman sa Kasakdalan sa Lupa
Nakilala nila na samantalang isang limitadong bilang na kinukuha mula sa mga tao ang pagkakalooban ng makalangit na buhay, marami pa ang gagantimpalaan ng walang-hanggang buhay sa lupa, sa ilalim ng mga kalagayang kagaya niyaong sa Paraiso ng Eden. Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na manalangin: “Maganap nawa ang iyong kalooban, kung papaano sa langit, gayundin sa lupa.” Sinabi rin niya: “Maligaya ang maaamo, sapagkat mamanahin nila ang lupa.”—Mat. 5:5; 6:10.
Kasuwato nito, isang tsart a na inilathala bilang suplemento sa Watch Tower ng Hulyo-Agosto 1881 ang nagpakita na maraming tao ang tatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos sa panahon ng Milenyong Paghahari ni Kristo at siyang bubuo ng “sanlibutan ng sangkatauhan na aakayin tungo sa kasakdalan at buhay bilang tao.” Ang tsart na ito ay ginamit nang maraming taon bilang saligan ng mga pahayag sa mga grupo kapuwa maliliit at malalaki.
Ano ang magiging kalagayan ng mga taong mabubuhay sa lupa sa panahon ng milenyo? Ipinaliwanag ng The Watch Tower ng Hulyo 1, 1912: “Bago pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, ang Banal na paglalaan para sa ating unang mga magulang ay ang Halamanan ng Eden. Habang iniisip natin ito, ibaling natin ang ating pansin sa hinaharap, na ginagabayan ng Salita ng Diyos; at sa ating guniguni ay natatanaw natin ang naisauling Paraiso—hindi lamang isang halamanan, kundi ang buong lupa na ginawang maganda, mabunga, walang kasalanan, maligaya. Saka natin maaalaala ang kinasihang pangako na alam na alam natin—‘At papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni dalamhati o pananambitan, ni hirap pa man,’ sapagkat ang dating mga bagay tulad ng kasalanan at kamatayan ay nakalipas na, at ang lahat ng mga bagay ay ginawang bago!—Apoc. 21:4, 5.”
Sino ang Mabubuhay Magpakailanman sa Lupa?
Wala sa isip ni Brother Russell na ang sangkatauhan ay binibigyan ng Diyos ng pagpipilian—makalangit na buhay sa mga may ibig nito at buhay sa makalupang paraiso para sa mga mas nagnanais nito. Ang Watch Tower ng Setyembre 15, 1905 ay nagpaliwanag: “Ang pagtawag ay hindi batay sa sarili nating damdamin o mga pangarap. Kung hindi gayon ay lilitaw na tayo’y gumagawa ng sarili nating pagtawag. May kaugnayan sa ating pagkasaserdote, ang Apostol ay nagpapahayag, ‘Sinuman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito liban na kung tawagin siya ng Diyos,’ (Heb. 5:4), at ang pagsisiyasat upang tiyakin ang pagtawag ng Diyos ay hindi batay sa ating mga damdamin kundi sa pagsisiwalat ng mismong Salita ng Diyos.”
Tungkol sa pagkakataong mabuhay sa isinauling makalupang paraiso, naniwala ang mga Estudyante ng Bibliya na ito’y iaalok sa mga tao pagkatapos lamang na tanggapin ng munting kawan ang kanilang gantimpala at na ganap nang umiiral ang milenyo. Ayon sa kanilang pagkaunawa, iyon ang panahon ng “pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay,” na tinutukoy sa Gawa 3:21. (KJ) Sa panahong iyon maging ang mga patay ay bubuhayin upang ang lahat ay makapagtamasa ng maibiging paglalaang iyon. Ang pag-asa ng mga kapatid ay na sa panahong iyon ang buong sangkatauhan (bukod sa mga tinawag sa makalangit na buhay) ay bibigyan ng pagkakataon na pumili ng buhay. Ayon sa kanilang pagkaunawa noon, sa panahong iyon si Kristo, sa kaniyang makalangit na trono, ay magbubukud-bukod sa mga tao, gaya ng pastol na nagbubukud-bukod sa mga tupa at sa mga kambing. (Mat. 25:31-46) Ang mga masunurin, ipinanganak man na Judio o Gentil, ang siyang magiging “mga ibang tupa” ng Panginoon.—Juan 10:16. b
Nang matapos ang Panahon ng mga Gentil, inakala nila na malapit na ang panahon ng pagsasauli; kaya mula 1918 hanggang 1925, sila’y nagpahayag: “Angaw-angaw na ngayo’y nabubuhay ay hindi na mamamatay kailanman.” Oo, naunawaan nila na ang mga taong nabubuhay noon—ang sangkatauhan sa pangkalahatan—ay may pagkakataong makaligtas tungo sa panahon ng pagsasauli at saka sila tuturuan sa mga kahilingan ni Jehova ukol sa buhay. Kung masunurin, unti-unti nilang aabutin ang kasakdalang-tao. Kung mapaghimagsik, darating ang panahong sila’y lilipulin magpakailanman.
Noong unang mga taóng iyon, hindi sukat akalain ng mga kapatid na ang pabalita ng Kaharian ay ipahahayag nang ganiyang kalawak at ganiyang katagal na tulad ng nagaganap ngayon. Ngunit kanilang patuloy na siniyasat ang Kasulatan at sinikap na tupdin ang itinuturo nito may kaugnayan sa gawaing ipinagawa ng Diyos sa kanila.
“Mga Tupa” sa Kanang Kamay ni Kristo
Isang napakahalagang hakbang sa pagkaunawa ng layunin ni Jehova ang may kinalaman sa talinghaga ni Jesus tungkol sa mga tupa at mga kambing, sa Mateo 25:31-46. Sa talinghagang iyon ay sinabi ni Jesus: “Pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, at kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo’y luluklok siya sa maluwalhati niyang trono. At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa, at sila’y pagbubukdin-bukdin niya na gaya ng pagbubukud-bukod ng pastol sa mga tupa at sa mga kambing. At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanang kamay, datapuwat sa kaliwa ang mga kambing.” Gaya ng patuloy na ipinakikita ng talinghaga, ang “mga tupa” ay yaong mga tumutulong sa “mga kapatid” ni Kristo, na sinisikap na dulutan sila ng ginhawa kahit kung sila’y pinag-uusig at nasa bilangguan.
Matagal nang inakala na ang talinghagang ito ay matutupad sa panahon ng milenyo, sa panahon ng pagsasauli, at na ang pangwakas na paghuhukom na binabanggit sa talinghaga ay yaong magaganap sa katapusan ng Milenyo. Ngunit noong 1923, si J. F. Rutherford, presidente ng Samahang Watch Tower, ay nagharap ng mga dahilan ukol sa iba namang pangmalas, sa isang malinaw na pahayag sa Los Angeles, California. Ito’y inilathala sa dakong huli ng taong iyon sa isyu ng Oktubre 15 ng The Watch Tower.
Sa pagtalakay kung kailan matutupad ang makahulang talinghagang ito, ipinakita ng artikulo na ito’y inilakip ni Jesus bilang bahagi ng kaniyang tugon sa mga humihingi ng ‘tanda ng kaniyang pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay.’ (Mat. 24:3) Ipinaliwanag ng artikulo kung bakit ang “mga kapatid” na binabanggit sa talinghaga ay hindi maaaring maging ang mga Judio sa panahon ng Ebanghelyo ni mga taong sumasampalataya sa panahon ng pagsubok at paghatol sa milenyo kundi maliwanag na tumutukoy sa mga kasamang tagapagmana ni Kristo sa makalangit na Kaharian, kung kaya lumilitaw na ang katuparan ng talinghaga ay sa panahong nasa laman pa ang ilan sa mga kasamang tagapagmana ni Kristo.—Ihambing ang Hebreo 2:10, 11.
Ang mga karanasan ng mga pinahirang kapatid na iyon ni Kristo habang sinisikap nilang pangaralan ang mga klero at ang mga taong miyembro ng mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan ay nagpapahiwatig din na ang hulang inilakip sa talinghaga ni Jesus ay natutupad na ngayon. Sa papaano? Ang reaksiyon ng marami sa mga klero at prominenteng mga miyembro ng kanilang mga simbahan ay lipos ng pagkapoot—walang nakapagpapaginhawang baso ng tubig, maging literal o makasagisag; sa halip, ang ilan sa mga ito ay nagsulsol ng mga mang-uumog upang sirain ang kasuutan ng mga kapatid at bugbugin sila, o humiling sa mga opisyal na sila’y ibilanggo. (Mat. 25:41-43) Sa kabilang dako naman, maraming mapagpakumbabang mga miyembro ng simbahan ang buong-lugod na tumanggap sa pabalita ng Kaharian, na nagbigay-ginhawa sa mga nagdala nito, at gumawa ng kanilang makakaya upang tulungan ang mga ito kahit nang mabilanggo ang mga pinahiran dahil sa mabuting balita.—Mat. 25:34-36.
Ayon sa abót ng pagkaunawa noon ng mga Estudyante ng Bibliya, yaong mga tinukoy ni Jesus bilang mga tupa ay naroon pa rin sa mga iglesya ng Sangkakristiyanuhan. Ang mga ito, katuwiran nila, ay mga taong hindi nag-aangking sila’y itinalaga sa Panginoon subalit may malaking paggalang kay Jesu-Kristo at sa kaniyang bayan. Gayunpaman, maaari ba silang manatili sa mga simbahan?
Naninindigang Matatag Ukol sa Dalisay na Pagsamba
Isang pagsusuri sa makahulang aklat ng Bibliya na Ezekiel ang nagbigay-liwanag dito. Ang una sa tatluhang-tomo na komentaryo na pinamagatang Vindication Ezek. 8:5-18; 16:26, 28, 29; 20:32) Sa lahat ng ito, sila’y katulad na katulad ng Sangkakristiyanuhan; kaya, kaayon dito, igagawad ni Jehova ang kaniyang kahatulan sa Sangkakristiyanuhan gaya ng ginawa niya sa di-tapat na Juda at Jerusalem. Ngunit ipinakikita ng kabanata 9 ng Ezekiel na bago dumating ang banal na paggagawad ng kahatulan, may ilan na tatandaan upang maligtas. Sinu-sino ang mga ito?
ay inilathala noong 1931. Ipinaliwanag nito ang kahulugan ng isinulat ni Ezekiel tungkol sa galit ni Jehova laban sa sinaunang apostatang Juda at Jerusalem. Bagaman inaangkin ng mga tao sa Juda na sila’y naglilingkod sa nabubuhay at tunay na Diyos, sila’y nakibahagi sa relihiyosong mga ritwal ng nakapalibot na mga bansa, naghandog ng kamangyan sa walang-buhay na mga idolo, at imoral na naglagak ng kanilang tiwala sa mga pulitikal na alyansa, sa halip na sumampalataya kay Jehova. (Sinasabi ng hula na yaong mga tatandaan ay “nagbubuntong hininga at nagsisidaíng dahil sa lahat ng kasuklam-suklam na nagagawa” sa gitna ng Sangkakristiyanuhan, o antitipikong Jerusalem. (Ezek. 9:4) Kung gayon, tiyak na hindi sila maaaring sadyang makibahagi sa paggawa ng kasuklam-suklam na mga bagay na iyon. Dahil dito ipinakilala ng unang tomo ng Vindication ang mga may tanda bilang mga taong tumatangging maging bahagi ng mga organisadong iglesya ng Sangkakristiyanuhan at na gumagawa ng hakbang upang manindigan sa panig ng Panginoon.
Ang materyal na ito ay sinundan noong 1932 ng pagtalakay ng ulat ng Bibliya may kinalaman kay Jehu at Jonadab at sa makahulang kahulugan nito. Si Jehu ay inatasan ni Jehova bilang hari sa sampung-tribong kaharian ng Israel at upang igawad ang kahatulan ni Jehova laban sa balakyot na sambahayan nina Ahab at Jesebel. Habang si Jehu ay naglalakbay patungong Samaria upang pawiin ang pagsamba kay Baal, si Jehonadab (Jonadab), anak ni Rechab, ay sumalubong sa kaniya. Tinanong ni Jehu si Jehonadab: “Ang iyo bang puso ay tapat sa akin?” at sumagot si Jehonadab: “Tapat.” “Iabot mo sa akin ang iyong kamay,” ang anyaya ni Jehu, at isinampa niya si Jehonadab sa kaniyang karo. Saka hinimok ni Jehu: “Sumama ka sa akin at tingnan mo ang aking sigasig kay Jehova.” (2 Hari 10:15-28) Bagaman hindi Israelita, si Jehonadab ay sang-ayon sa ginagawa ni Jehu; alam niya na si Jehova, ang tunay na Diyos, ang dapat pag-ukulan ng bukod-tanging pagsamba. (Ex. 20:4, 5) Mga ilang siglo pagkaraan, ang mga inapo ni Jehonadab ay nagpakita pa rin ng espiritung sinasang-ayunan ni Jehova, kaya Kaniyang ipinangako: “Si Jonadab na anak ni Rechab ay hindi kukulangin ng lalaki na tatayo sa harap ko magpakailanman.” (Jer. 35:19) Dahil dito ay bumangon ang tanong, Mayroon bang mga tao sa lupa sa ngayon na hindi espirituwal na mga Israelitang may makalangit na mana subalit katulad ni Jehonadab?
Ipinaliwanag ng Ang Bantayan ng Agosto 1, 1932 (sa Ingles): “Si Jehonadab ay kumatawan o naging anino ng grupo ng mga tao na nasa lupa ngayon . . . [na] hindi kaayon ng organisasyon ni Satanas, na naninindigan sa panig ng katuwiran, at sila ang mga ililigtas ng Panginoon sa panahon ng Armagedon, itatawid sa kapighatiang iyon, at bibigyan ng buhay na walang hanggan sa lupa. Ang mga ito ang uring ‘tupa’ na tumatangkilik sa mga pinahiran ng Diyos, sapagkat alam nila na ang mga pinahiran ng Panginoon ay gumaganap ng gawain ng Panginoon.” Yaong mga nagpapamalas ng gayong espiritu ay inanyayahang makibahagi sa paghahatid Apoc. 22:17.
ng pabalita ng Kaharian sa iba katulad din ng ginagawa ng mga pinahiran.—Noon ay mayroong ilan (bagaman kakaunti lamang noong panahong iyon) sa mga nakikisama sa mga Saksi ni Jehova ang nakatanto na hindi iniluwal ng espiritu ng Diyos sa kanila ang pag-asa sa makalangit na buhay. Sila’y nakilala bilang mga Jonadab, sapagkat, gaya ng sinaunang Jonadab (Jehonadab), itinuring nilang pribilehiyo na makapiling ang pinahirang mga lingkod ni Jehova, at nagagalak silang makibahagi sa mga pribilehiyong itinakda para sa kanila ng Salita ng Diyos. Lálakí kaya ang bilang ng gayong mga tao na may pag-asang hindi kailanman mamatay bago dumating ang Armagedon? Posible kaya, katulad ng sinabi noon, na ang bilang ay umabot sa milyun-milyon?
Ang “Malaking Pulutong”—Sino Sila?
Nang ipatalastas na may isasaayos na kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa Washington, D.C., mula Mayo 30 hanggang Hunyo 3, 1935, sinabi ng Ang Bantayan: “Dati-rati ay hindi gaanong maraming Jonadab ang nagkaroon ng pribilehiyong dumalo sa isang kombensiyon, at ang kombensiyon sa Washington ay maaaring magdulot ng tunay na kaaliwan at kapakinabangan sa kanila.” Talagang napatunayang totoo ito.
Sa kombensiyong iyon binigyan ng pantanging atensiyon ang Apocalipsis 7:9, 10, na kababasahan ng: “Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito! isang malaking pulutong, na di-mabilang ng sinuman, na mula sa bawat bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Kordero, na nadaramtan ng mapuputing damit; at may mga palma sa kanilang mga kamay. At sila’y nagsisigawan nang malakas na tinig, na nagsasabi: ‘Ang kaligtasan ay utang namin sa aming Diyos, na nakaupo sa luklukan, at sa Kordero.’” Sinu-sino ang bumubuo ng malaking pulutong na ito o “lubhang karamihan”?—KJ.
Sa nagdaang mga taon, maging hanggang noong 1935, ang unawa ay na ang mga ito’y hindi kapareho ng mga tupa sa talinghaga ni Jesus tungkol sa mga tupa at mga kambing. Gaya ng nabanggit na, inakala na sila’y isang pangalawahing uring makalangit—pangalawahin sapagkat sila’y naging pabayâ sa pagtalima sa Diyos.
Subalit, ang pangmalas na iyan ay nagbangon ng sunud-sunod na mga tanong. Ang ilan sa mga ito ay napag-usapan noong unang bahagi ng 1935 sa tanghalian sa punong tanggapan ng Samahang Watch Tower. Ang ilan na nagkomento noong panahong iyon ay nagmungkahi na ang lubhang karamihan ay isang uring makalupa. Si Grant Suiter, na nang dakong huli ay naging miyembro ng Lupong Tagapamahala, ay nakagunita: “Sa isang pag-aaral sa Bethel, na pinangasiwaan ni Brother T. J. Sullivan, nagtanong ako: ‘Yamang nagtatamo ng walang hanggang buhay ang lubhang karamihan, yaon bang bumubuo ng grupong iyon ay nananatiling tapat?’ Marami ang nagkomento rito ngunit walang tiyak na sagot.” Buweno, noong Biyernes, Mayo 31, 1935, sa kombensiyon sa Washington, D.C., isang kasiya-siyang sagot ang naibigay. Si Brother Suiter ay nakaupo sa balkonahe na minamasdan ang mga tao sa ibaba, at kaylaki ng kaniyang tuwa sa unti-unting pagliwanag ng pahayag!
Di-natagalan matapos ang kombensiyon, inilathala ang nilalaman ng pahayag na iyon sa Ang Bantayan sa mga labas ng Agosto 1 at 15, 1935 (sa Ingles). Ipinaliwanag nito na ang isang mahalagang salik sa wastong pagkaunawa ng mga bagay-bagay ay ang pagpapahalaga sa katotohanan na ang pangunahing layunin ni Jehova ay hindi ang kaligtasan ng tao kundi ang pagbabangong-puri ng kaniyang sariling pangalan (o, gaya ng sinasabi natin ngayon, ang pagbabangong-puri ng kaniyang soberanya). Kaya ang pagsang-ayon ni Jehova ay nasa mga nananatiling tapat sa kaniya; hindi siya nagbibigay ng gantimpala sa mga nangangakong gagawin nila ang kaniyang kalooban at pagkatapos ay umuupasala sa kaniyang pangalan dahil sa pakikipagkompromiso sa organisasyon ng Diyablo. Ang kahilingang ito ng katapatan ay kumakapit sa lahat ng tatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos.
Kasuwato nito, sinabi ng Ang Bantayan: “Ang Apocalipsis 7:15 ang siyang talagang susi sa pagkakakilanlan ng lubhang karamihan. . . . Ang paglalarawang ito sa Apocalipsis ng lubhang karamihan ay na ‘sila’y nasa harapan ng luklukan ng Diyos, at hayagang naglilingkod sa kaniya’ . . . Kanilang natatalos at nauunawaan at sinusunod ang mga salita ni Jesus, ang Kordero ng Diyos, na nagsasabi sa kanila: ‘Sa Panginoon mong Diyos sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran’; na ang mga salitang ito’y kumakapit sa lahat ng mga nilalang na sinasang-ayunan ni Jehova.” (Mat. 4:10) Kaya, ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa lubhang karamihan, o malaking pulutong, ay hindi wastong maituturing na isang kaayusan upang iligtas ang mga taong nagpapanggap na may pag-ibig sa Diyos subalit ipinagwawalang-bahala ang paggawa ng kaniyang kalooban.
Kung gayon, ang malaking pulutong ba ay isang uring makalangit? Ipinakita ng Ang Bantayan na ang mga salitang ginamit sa kasulatan ay hindi umaakay sa gayong konklusyon. Tungkol sa kanilang dako “sa harapan ng luklukan,” ipinakita nito na ang Mateo 25:31, 32 ay nagsasabing ang lahat ng bansa ay tinitipon sa harapan ng trono ni Kristo, gayunpaman nasa lupa ang mga bansang yaon. Ngunit ang malaking pulutong ay “nakatayo” sa harapan ng luklukan sapagkat taglay nila ang pagsang-ayon ng Isa na nasa trono.—Ihambing ang Jeremias 35:19.
Apocalipsis 7:4-8), mga taong sumasampalataya sa pantubos (na makasagisag na naghugas ng kanilang mga damit sa dugo ng Kordero), mga taong nagbubunyi kay Kristo bilang Hari (na may dalang mga sanga ng palma sa kanilang kamay, katulad ng pulutong na bumati kay Jesus bilang Hari sa pagpasok niya sa Jerusalem), mga taong tunay na humaharap sa trono ni Jehova upang siya’y paglingkuran? Mayroon bang umiiral na gayong grupo ng mga tao sa lupa?
Subalit saan masusumpungan ang gayong grupo—mga taong “mula sa bawat bansa,” mga taong hindi bahagi ng espirituwal na Israel (na inilarawan una pa, saSa pamamagitan ng pagtupad sa sarili niyang makahulang salita, si Jehova mismo ang naglaan ng kasagutan. Natandaan ni Webster Roe, na dumalo sa kombensiyon sa Washington, na sa isang tampok na bahagi ng kaniyang pahayag, humiling si Brother Rutherford: “Mangyari lamang na lahat ng mga may pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa ay magsitayo.” Ayon kay Brother Roe, “mahigit sa kalahati ng mga tagapakinig ang nagsitayo.” Kaayon nito, sinabi ng Ang Bantayan ng Agosto 15, 1935 (sa Ingles): “Ngayon ay nakikita natin ang isang pulutong na katugmang-katugma ng paglalarawang ibinibigay sa Apocalipsis siyete tungkol sa lubhang karamihan. Sa nakaraang ilang taon, at sa panahong ‘ipinangangaral ang ebanghelyong ito ng kaharian bilang patotoo’, may makapal na bilang na dumating (at patuloy na dumarating) na tumatanggap sa Panginoong Jesus bilang kanilang tagapagligtas at kay Jehova bilang kanilang Diyos, na kanilang sinasamba sa espiritu at katotohanan at buong lugod na pinaglilingkuran. Sila’y tinatawag din na ‘mga Jonadab’. Ang mga ito’y nababautismuhan bilang sagisag, sa gayo’y nagpapatunay na sila’y . . . naninindigan sa panig ni Jehova at naglilingkod sa kaniya at sa kaniyang Hari.”
Noong panahong iyon naging maliwanag na ang malaking pulutong ng Apocalipsis 7:9, 10 ay bahagi ng “mga ibang tupa” na binanggit ni Jesus (Juan 10:16); sila ang mga tumutulong sa “mga kapatid” ni Kristo (Mat. 25:33-40); sila ang mga taong tinatandaan ukol sa pagkaligtas sapagkat nanlulumo sila sa kasuklam-suklam na mga bagay na nagaganap sa Sangkakristiyanuhan at tinatalikuran nila ang mga ito (Ezek. 9:4); sila’y katulad ni Jehonadab, na hayagang pumanig sa pinahirang lingkod ni Jehova sa pagsasakatuparan ng kaniyang bigay-Diyos na atas (2 Hari 10:15, 16). Natatalos ng mga Saksi ni Jehova na ang mga ito ay tapat na mga lingkod ng Diyos na makaliligtas sa Armagedon na may pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa na isinauli sa pagiging Paraiso.
Isang Apurahang Gawain
Ang pagkaunawa nila sa mga kasulatang ito ay nagkaroon ng pangmalawakang epekto sa gawain ng mga lingkod ni Jehova. Napagtanto nila na hindi sila ang pipili at magtitipon sa malaking pulutong; hindi sila ang magsasabi sa mga tao kung ang pag-asa ba nila ay makalangit o makalupa. Ang Panginoon ang papatnubay sa mga bagay na ito ayon sa kaniyang kalooban. Ngunit bilang mga Saksi ni Jehova, mayroon silang mabigat na pananagutan. Sila’y maglilingkod bilang mga tagapaghayag ng Salita ng Diyos, na ibinabahagi sa iba ang mga katotohanang ipinauunawa Niya sa kanila, upang mabatid ng mga tao ang mga paglalaan ni Jehova at bigyan sila ng pagkakataong tumugon sa mga ito nang may pagpapahalaga.
Karagdagan pa, natalos nila na may pagkaapurahan ang kanilang gawain. Sa isang serye ng mga artikulong pinamagatang “Pagtitipon sa Karamihan,” na inilathala noong 1936, ipinaliwanag ng Ang Bantayan: “Matibay na sinusuhayan ng Kasulatan ang konklusyon na sa Armagedon ay lilipulin ni Jehova ang mga tao sa lupa, at ang ililigtas lamang ay yaong mga tumatalima sa kaniyang mga tuntunin na pumanig sa kaniyang organisasyon. Noong unang panahon milyun-milyon ang namatay at nailibing na hindi man lamang nakarinig tungkol sa Diyos at kay Kristo, at ang mga ito sa takdang panahon ay kailangang gisingin mula sa kamatayan at turuan ng kaalaman sa katotohanan, upang makapamilì sila. Gayunman, iba ang kalagayan ng mga taong nasa lupa ngayon. . . . Yaong mga kabilang sa lubhang karamihan ay kailangang tumanggap ng pabalita ng ebanghelyo bago ang araw ng digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, ang Armagedon. Kung ang lubhang karamihan ay hindi bibigyan ng pabalita ng katotohanan ngayon, magiging huli na kapag nagsimula na ang gawaing pagpaslang.”—Tingnan ang 2 Hari 10:25; Ezekiel 9:5-10; Zefanias 2:1-3; Mateo 24:21; 25:46.
Bunga ng pagkaunawang ito sa Kasulatan, ang mga Saksi ni Jehova ay napuspos ng panibagong sigasig para sa gawaing pagpapatotoo. Si Leo Kallio, na nang dakong huli ay naglingkod bilang naglalakbay na tagapangasiwa sa Finland, ay nagsabi: “Wala akong naranasang kagalakan at sigasig na katulad noon, ni natandaan kong ganoong kabilis ang pagpapatakbo ko ng aking bisikleta nang nagmamadali kong inihatid sa mga interesado ang balita na, dahil sa di-sana-nararapat na awa ni
Jehova, sila’y binigyan ng pag-asang walang-hanggang buhay sa lupa.”Nang sumunod na limang taon, samantalang dumarami ang mga Saksi ni Jehova, ang mga nakikibahagi sa mga emblema sa taunang Memoryal ng kamatayan ni Kristo ay umunti nang umunti. Gayunman, ang pagpasok ng malaking pulutong ay hindi simbilis ng inaasahan ni Brother Rutherford. Minsan ay sinabi pa niya kay Fred Franz, na naging ikaapat na presidente ng Samahan: “Wari ngang ang ‘lubhang karamihan’ ay hindi naman pala magiging lubhang napakarami.” Ngunit mula noon, mabilis na dumami ang mga Saksi ni Jehova anupat naging milyun-milyon, samantalang ang bilang ng mga umaasa sa makalangit na mana, sa kabuuan, ay patuloy na umuunti.
Isang Kawan sa Ilalim ng Isang Pastol
Walang pagpapaligsahan sa pagitan ng uring pinahiran at ng malaking pulutong. Hindi hinahamak ng mga may makalangit na pag-asa ang mga sabik na umaasa sa buhay na walang hanggan sa makalupang paraiso. Tinatanggap ng bawat isa nang may pasasalamat ang pribilehiyong iniaalok sa kaniya ng Diyos, na hindi nag-iisip na ang kaniyang katayuan sa papaano man ay nagpapaangat sa kaniya o nagpapababa sa kaniya kaysa sa iba. (Mat. 11:11; 1 Cor. 4:7) Gaya ng inihula ni Jesus, ang dalawang grupo ay tunay na naging “isang kawan,” na naglilingkod sa ilalim niya bilang kanilang “isang pastol.”—Juan 10:16.
Ang damdaming taglay ng pinahirang mga kapatid ni Kristo sa kanilang mga kasamahan na kabilang sa malaking pulutong ay inilalahad na mabuti sa aklat na Worldwide Security Under the “Prince of Peace”: “Mula noong Digmaang Pandaigdig II, ang katuparan ng hula ni Jesus sa ‘katapusan ng sistema ng mga bagay’ ay lalung-lalo nang dahilan sa bahaging isinasagawa ng ‘malaking pulutong’ ng ‘ibang tupa’. Ang liwanag mula sa may dingas na mga ilawan ng nalabi ay nagbigay-liwanag sa mga mata ng kanilang mga puso, at sila’y natulungan na ipabanaag ang liwanag sa iba pa na nananatili sa kadiliman ng sanlibutang ito. . . . Sila ay naging di-maihihiwalay na mga kasama ng nalabi ng uring kasintahang babae. . . . Kaya nga, maraming-maraming salamat sa internasyonal, maraming-wikang ‘malaking pulutong’ dahil sa malaking bahagi na ginagampanan nila sa pagtupad sa hula ng Nobyo sa Mateo 24:14!”
Subalit, samantalang ang mga Saksi ni Jehova, kasama na ang malaking pulutong, ay may pagkakaisang naghahayag ng maluwalhating mabuting balita ng Kaharian ng Diyos, sila’y nakilala sa madla dahil sa iba namang bagay bukod sa kanilang masigasig na pagpapatotoo.
[Mga talababa]
a Ang “Chart of the Ages” na ito ay inilathala nang dakong huli sa aklat na The Divine Plan of the Ages.
b Zion’s Watch Tower, Marso 15, 1905, p. 88-91.
[Blurb sa pahina 159]
Ang karamihan ng mga Saksi ni Jehova ay may pag-asa ng walang-hanggang buhay sa lupa
[Blurb sa pahina 161]
Isang paniniwalang nagpaging-iba sa kanila sa buong Sangkakristiyanuhan
[Blurb sa pahina 164]
Panahon ng katuparan ng talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing
[Blurb sa pahina 165]
Sila’y nakilala bilang mga Jonadab
[Blurb sa pahina 166]
Noong Mayo 31, 1935, malinaw na ipinakilala kung sino ang “lubhang karamihan”
[Blurb sa pahina 170]
Isang makalangit na pag-asa o isang makalupa—sino ang makaaalam nito?
[Kahon sa pahina 160]
Isang Panahon ng Kaunawaan
Mahigit sa 250 taóng nakalilipas, si Sir Isaac Newton ay may nakawiwiling isinulat tungkol sa pagkaunawa sa hula, pati na ang isa na may kinalaman sa “malaking pulutong” ng Apocalipsis 7:9, 10. Sa kaniyang “Observations Upon the Prophecies of Daniel, and the Apocalypse of St. John,” na inilathala noong 1733, sinabi niya: “Ang mga Hulang ito ni Daniel at ni Juan ay hindi mauunawaan hanggang sa panahon ng katapusan: ngunit sa panahong iyon ang ilan ay manghuhula batay sa mga ito sa isang namimighati at malungkot na kalagayan nang mahabang panahon, at ito’y may kalabuan, anupat kakaunti lamang ang makukumberte. . . . Sa panahong iyon, ani Daniel, marami ang paparoo’t parito, at ang kaalaman ay lalago. Sapagkat ang Ebanghelyo ay kailangang ipangaral sa lahat ng bansa bago ang malaking kapighatian, at ang katapusan ng sanlibutan. Ang pulutong na nagdadala ng mga palma, na lumalabas sa malaking kapighatiang ito, ay hindi maaaring maging isang di mabilang na karamihan mula sa lahat ng bansa, malibang sila’y magkagayon sa pamamagitan ng sa pangangaral ng Ebanghelyo bago ito dumating.”
[Kahon sa pahina 168]
Ang Lupa, Walang Hanggang Tahanan ng Tao
Ano ang orihinal na layunin ng Diyos para sa sangkatauhan?
“Sila’y binasbasan ng Diyos at sa kanila’y sinabi ng Diyos: ‘Kayo’y magpalaanakin at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at inyong supilin, at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat at sa mga ibon sa himpapawid at sa bawat hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.’”—Gen. 1:28.
Nagbago ba ang layunin ng Diyos para sa lupa?
“Ang aking salita . . . ay hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at magtatagumpay sa bagay na aking pinagsuguan.”—Isa. 55:11.
“Ganito ang sabi ni Jehova, ang Maylikha ng langit, Siya na tunay na Diyos, ang Nag-anyo sa lupa at Gumawa niyaon, Siya ang Isa na nagtatag nito, at hindi niya nilikha nang walang kabuluhan, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ‘Ako si Jehova, at wala nang iba.’”—Isa. 45:18.
“Magsidalangin nga kayo ng ganito: ‘Ama namin na nasa mga langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang kaharian mo. Maganap nawa ang iyong kalooban, kung papaano sa langit, gayundin naman sa lupa.’”—Mat. 6:9, 10.
“Ang mga manggagawa ng kasamaan ay puputulin, ngunit yaong mga umaasa kay Jehova ang magmamana ng lupa. Mamanahin ng matuwid ang lupa, at sila’y tatahan doon magpakailanman.”—Awit 37:9, 29.
Anong mga kalagayan ang iiral sa lupa sa ilalim ng Kaharian ng Diyos?
“May mga bagong langit at isang bagong lupa na ating hinihintay ayon sa kaniyang pangako, at ang mga ito’y tatahanan ng katuwiran.”—2 Ped. 3:13.
“Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma. At sila’y uupo bawat isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos, at walang tatakot sa kanila; sapagkat sinalita ng bibig ni Jehova ng mga hukbo.”—Mik. 4:3, 4.
“Sila’y magtatayo ng mga bahay at kanilang tatahanan; at sila’y magtatanim ng mga ubasan at kakain ng bunga niyaon. Sila’y hindi magtatayo at iba ang tatahan; sila’y hindi magtatanim at iba ang kakain. Sapagkat kung papaano ang mga kaarawan ng isang punungkahoy ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan; at ang aking mga pinili ay magagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.”—Isa. 65:21, 22.
“At walang mamamayan ang magsasabing: ‘Ako’y maysakit.’”—Isa. 33:24.
“Ang Diyos din ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man o ng hirap pa man. Ang mga dating bagay ay naparam na.”—Apoc. 21:3, 4; tingnan din ang Juan 3:16.
“Sinong hindi matatakot sa iyo, Jehova, at luluwalhati sa iyong pangalan, sapagkat ikaw lamang ang tapat? Sapagkat ang lahat ng mga bansa ay darating at sasamba sa harapan mo, sapagkat ang iyong mga matuwid na kautusan ay nahayag.”—Apoc. 15:4.
[Kahon sa pahina 169]
Yaong mga Aakyat sa Langit
Ilang tao ang aakyat sa langit?
“Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat nalulugod ang inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.”—Luc. 12:32.
“Tumingin ako, at, narito! ang Kordero [si Jesu-Kristo] na nakatayo sa [makalangit na] Bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apatnapu’t apat na libo na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na nakasulat sa kani-kanilang noo. At sila’y nag-aawitan ng wari’y isang bagong awit sa harapan ng luklukan at sa harap ng apat na nilalang na buháy at ng matatanda; at sinuman ay hindi maaaring matuto ng awit na iyan kundi ang isang daan at apatnapu’t apat na libo lamang, na siyang mga binili mula sa lupa.”—Apoc. 14:1, 3.
Ang lahat ba ng 144,000 ay mga Judio?
“Walang Judio o Griego man, walang alipin o malaya man, walang lalaki o babae man; sapagkat kayong lahat ay iisa kay Kristo Jesus. At, kung kayo’y kay Kristo, kayo nga’y binhi ni Abraham, mga tagapagmana ayon sa pangako.”—Gal. 3:28, 29.
“Siya’y hindi Judio kung sa labas lamang, ni sa nakikitang laman ang pagtutuli. Kundi siya’y Judio sa loob, at ang kaniyang pagtutuli ay yaong sa puso sa pamamagitan ng espiritu, at hindi sa nasusulat na kautusan.”—Roma 2:28, 29.
Bakit ang ilan ay dinadala ng Diyos sa langit?
“Sila’y magiging mga saserdote ng Diyos at ni Kristo, at maghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.”—Apoc. 20:6.
[Kahon/Graph sa pahina 171]
Ulat ng Memoryal
Sa nakaraang 25 taon, ang bilang ng dumadalo sa Memoryal ay mahigit na 100 ulit kaysa sa bilang ng mga nakikibahagi
[Graph]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Mga Nakibahagi
Bilang ng Dumalo
1,500,000
1,250,000
1,000,000
750,000
500,000
250,000
1935 1940 1945 1950 1955 1960
[Mga larawan sa pahina 167]
Sa kombensiyon sa Washington D.C., 840 ang nabautismuhan