Dugo—Mahalaga sa Buhay
Dugo—Mahalaga sa Buhay
Papaano maililigtas ng dugo ang inyong buhay? Dapat kayong maging interesado rito sapagkat ang dugo ay kaugnay ng inyong buhay. Ito ay naghahatid ng oksihena sa loob ng katawan, nag-aalis ng carbon dioxide, tumutulong upang maibagay ninyo ang sarili sa mga pagbabago sa temperatura, at sa pakikibaka sa sakit.
Ang buhay ay matagal nang kaugnay ng dugo hindi pa man nababalangkas ni William Harvey ang circulatory system noong 1628. Ang saligang moralidad ng pangunahing mga relihiyon ay nakasentro sa Tagapagbigay-Buhay, na nagpahayag ng sarili tungkol sa buhay at dugo. Sinabi ng isang Judio-Kristiyanong abogado hinggil sa kaniya: “Siya rin ang nagkakaloob sa tao ng buhay at hininga at lahat ng bagay. Dahil sa kaniya tayo ay nabubuhay at kumikilos at umiiral.” a
May tiwala ang mga sumasampalataya sa Tagapagbigay-Buhay na ang mga utos niya ay sa walang-hanggan nilang kabutihan. Sinabi ng isang propetang Hebreo na siya “ang nagtuturo sa inyo ng pakikinabangan, ang umaakay sa daan na dapat ninyong lakaran.”
Ang katiyakang ito ng Isaias 48:17 ay nasa Bibliya, isang aklat na iginagalang dahil sa moral na mga pamantayan na ikabubuti ng lahat. Ano ang sinasabi nito hinggil sa dugo? Ipinakikita ba nito kung papaano ililigtas ng dugo ang buhay? Totoo, malinaw na ipinakikita ng Bibliya na ang dugo ay hindi lamang isang masalimuot na bayolohikal na likido. Mahigit na 400 na beses itong bumabanggit sa dugo, at ang ilan ay nagsasangkot sa pagliligtas ng buhay.
Sa isang sinaunang kapahayagan, ay sinabi ng Maylikha: “Lahat ng nabubuhay at kumikilos ay magiging pagkain ninyo. . . . Ngunit huwag kayong kakain ng laman na may dugo ng buhay.” Idinagdag pa niya: “Sapagkat ang inyong dugo ng buhay ay hihingan ko ng sulit,” at saka niya kinondena ang pagpatay. (Genesis 9:3-6, New International Version) Ito ay sinabi niya kay Noe, karaniwang ninuno na iginagalang ng mga Judio, Muslim, at Kristiyano. Kaya naipahiwatig sa sangkatauhan na, para sa Maylikha, ang dugo ay sumasagisag sa buhay. Hindi ito basta tuntunin sa pagkain. Malinaw na nasasangkot ang isang moral na simulain. Napakahalaga ang dugo ng tao at hindi ito dapat gamitin sa maling paraan. (Nang maglao’y idinagdag ng Maylikha ang mga detalye na tutulong sa pag-unawa ng moral na mga isyu na kaniyang iniugnay sa dugo ng buhay.)
Muli siyang tumukoy sa dugo nang ibigay niya ang Batas sa sinaunang Israel. Bagaman marami ang gumagalang sa karunungan at moralidad na nakapaloob sa kodigong yaon, kakaunti ang nakababatid sa mahihigpit na kautusan Levitico 17:10, 11, Tanakh) Pagkatapos ay ipinaliwanag ng Diyos kung ano ang dapat gawin ng isang mangangaso sa isang patay na hayop: “Ibubuhos niya ang dugo nito at tatabunan yaon ng lupa. . . . Huwag kayong kakain ng dugo ng alinmang laman, sapagkat ang buhay ng laman ay nasa dugo. Sinomang kumain niyaon ay ihihiwalay.”—Levitico 17:13, 14, Ta.
nito sa dugo. Halimbawa: “Kung kakain ng dugo ang sinoman sa sambahayan ni Israel o dayuhan na nakikipamayan sa kanila, ay ihaharap Ko ang Aking mukha laban sa taong kumakain ng dugo, at siya’y ihihiwalay ko sa kaniyang mga kaanak. Sapagkat ang buhay ng laman ay nasa dugo.” (Nababatid ngayon ng mga siyentipiko na ang Kautusang Judio ay nagtaguyod ng kalusugan. Halimbawa, ipinag-utos nito na ang dumi ng tao ay dapat itapon at tabunan sa labas ng kampamento at na hindi dapat kainin ang karne na maaaring maghatid ng sakit. (Levitico 11:4-8, 13; 17:15; Deuteronomio 23:12, 13) Bagaman ang batas sa dugo ay may mga aspetong pangkalusugan, higit pa ang nasasangkot. Ang dugo ay makasagisag. Kumakatawan ito sa dugo na ipinagkaloob ng Maylikha. Sa pagtatangi sa dugo, ipinapakita ng mga tao na ang kanilang buhay ay iniaasa nila sa Maylikha. Oo, ang pangunahing dahilan ng pag-iwas nila sa dugo ay hindi sapagkat ito ay mapanganib, kundi, para sa Diyos, mahalaga ang isinasagisag nito.
Paulit-ulit na binabanggit ng Batas ang pagbabawal ng Maylikha sa paggamit ng dugo bilang panustos sa buhay. b “Huwag kayong kakain ng dugo; ibuhos ito sa lupa na gaya ng tubig. Huwag ninyong kakanin ito, upang ikabuti ninyo at ng inyong mga anak na kasunod ninyo, sapagkat mabuti ang gagawin ninyong ito.”—Deuteronomio 12:23-25, NIV; Deu 15:23; Levitico 7:26, 27; Ezekiel 33:25.
Salungat sa pangangatuwiran ng marami sa ngayon, ang batas ng Diyos sa dugo ay hindi dapat waling-halaga kapag may bumangong kagipitan. Nang magipit sa digmaan, ang ilang sundalong Israelita ay pumatay ng mga hayop at “natuksong kainin pati ang dugo.” Dahil sa kagipitan, pinayagan ba sila na tustusan ng dugo ang kanilang buhay? Hindi. Ipinakita ng kanilang pinuno na ang ginawa nila ay malubhang pagkakasala. (1 Samuel 14:31-35) Kaya, kahit mahalaga ang buhay, kailanma’y hindi sinabi ng Tagapagbigay-Buhay na ang mga pamantayan niya ay maaaring itabi kapag may kagipitan.
ANG DUGO AT ANG TUNAY NA MGA KRISTIYANO
Saan nakatayo ang Kristiyanismo sa suliranin ng pagliligtas ng buhay ng tao sa pamamagitan ng dugo?
Si Jesus ay taong tapat, kaya siya ay naging kagalang-galang. Batid niya na ang paggamit ng dugo ay mali at na ang batas na ito ay maybisa. Kaya, matitiyak natin na itataguyod ni Jesus ang batas sa dugo kahit pilitin siya na labagin ito. Si Jesus ay “hindi nagkasala, ni nasumpungan man ang daya sa kaniyang mga labi.” (1 Pedro 2:22, Knox) Nag-iwan siya ng uliran sa mga tagasunod niya, pati na ang uliran ng paggalang sa buhay at dugo. (Sa dakong huli ay isasaalang-alang kung papaanong ang dugo mismo ni Jesus ay nauugnay sa mahalagang suliranin na nagsasangkot ng ating buhay.)
Pansinin ang nangyari (maraming taon pagkamatay ni Jesus) nang bumangon ang suliranin hinggil sa kung ang isang Kristiyano ay dapat sumunod sa lahat ng batas ng Israel. Tinalakay ito sa isang konsilyo ng lupong tagapamahala ng mga Kristiyano, na kinabilangan ng mga apostol. Si Santiago, kapatid-sa-ina ni Jesus, ay tumukoy sa mga kasulatan na bumabanggit ng mga utos sa dugo na ibinigay kay Noe at sa Israel. Kapit ba ito sa mga Kristiyano?—Gawa 15:1-21.
Ang desisyon ng konsilyo ay ipinadala sa lahat ng kongregasyon: Ang mga Kristiyano ay hindi saklaw ng batas na ibinigay kay Moises, subalit “kinakailangan” nila na “umiwas sa mga bagay na inihain sa diyusdiyosan at sa dugo at sa mga binigti [karneng hindi pinadugo] at sa pakikiapid.” (Gawa 15:22-29) Hindi basta rituwal o ordinansa sa pagkain ang iniharap ng mga apostol. Ito ay mga saligang panuntunang moral na tinupad ng sinaunang mga Kristiyano. Mga sampung taon pagkaraan nito kinilala nila na dapat pa rin “[silang] umiwas sa mga inihain sa diyusdiyosan at sa dugo . . . at sa pakikiapid.”—Gawa 21:25.
Milyun-milyon ang nagsisimba. Karamihan sa kanila ay tiyak na sasang-ayon na hindi bahagi ng Kristiyanong moralidad ang pagsamba sa mga idolo at ang imoralidad. Gayunman, dapat pansinin na ang pag-iwas sa dugo ay ipinantay ng mga apostol sa matayog na pamantayang moral na nagbabawal sa mga kasalanang ito. Ganito nagwakas ang kanilang desisyon: “Kung iiwasan ninyo ang mga ito, ay ikabubuti ninyo. Mabuting kalusugan sa inyo!”—Gawa 15:29.
Matagal nang kinilala ang bisa ng apostolikong dekrito. Bumanggit si Eusebius tungkol sa isang dalaga na pinahirapan noong matatapos ang ikalawang siglo na, bago mamatay, ay nagsabi na ang mga Kristiyano “ay pinagbabawalan na kumain maging ng dugo ng walang-isip na mga hayop.” Hindi iginiit ng dalaga ang karapatan niya na mamatay. Gusto niyang mabuhay, ayaw lamang niyang ikompromiso ang kaniyang mga prinsipyo. Hindi ba kagalang-galang yaong mga inuuna ang prinsipyo imbes na ang personal na kaalwanan?
Nagpasiya ang siyentipikong si Joseph Priestley: “Ang pagbabawal kay Noe na kumain ng dugo ay waring kumakapit sa lahat ng kaniyang magiging supling. . . . Kung ang pagbabawal ng mga apostol ay uunawain salig sa kaugalian ng sinaunang mga Kristiyano, at mahirap sabihin na hindi nila naunawaan ang kalikasan at saklaw nito, hindi natin maiiwasang ipasiya na ito’y nilayong maging ganap at walang-hanggan; sapagkat ang dugo ay hindi kinain ng alinmang Kristiyano sa loob ng maraming dantaon.”
KUMUSTA ANG PAGGAMIT NG DUGO BILANG GAMOT?
Ang pagbabawal ba ng Bibliya sa dugo ay sumasaklaw sa panggagamot, gaya ng pagsasalin, na tiyak namang hindi pa uso noong panahon nina Noe, Moises, o ng mga apostol?
Ang kasalukuyang mga panglunas na gumagamit ng dugo ay hindi pa umiiral nang panahong yaon, bagaman hindi makabago ang paggamit nito bilang gamot. Sa loob ng 2,000 taon, sa Ehipto at sa iba pang dako, ang “dugo [ng tao] ay itinuring na pinakamabisang lunas sa ketong.” Inihatol ito ng manggagamot sa anak na lalaki ni Haring Esar-hadon nang ang Asirya ay nakakalamang na sa teknolohiya: “[Ang prinsipe] ay umiigi na; ang hari, ang aking panginoon, ay maaari nang matuwâ. Pasimula sa ika-22 araw ay paiinumin ko (siya) ng dugo, iinumin niya (ito) sa loob ng 3 araw. Pagkatapos ay 3 araw pa akong magbibigay (ng dugo) para ipasok sa kaniyang katawan.” Si Esar-hadon ay nakitungo sa mga Israelita. Ngunit, palibhasa nasa kanila ang Batas ng Diyos, hindi sila maaaring uminom ng dugo bilang gamot. (Sino naman sa atin ang gagawa ng ganoon?)
Ang dugo ba ay ipinanggamot noong panahong Romano? Iniuulat ng naturalistang si Pliny (kontemporaryo ng mga apostol) at ni Aretaeus, ikalawang-siglong manggagamot, na ang dugo ng tao ay iginamot sa epilepsiya. Nang maglao’y sumulat si Tertullian: “Masdan ninyo sila na hayok sa pagkauhaw, kapag may pagtatanghal sa arena, na kumukuha ng sariwang dugo ng mga imbing kriminal . . . upang igamot sa epilepsiya.” Ipinakita niya ang pagkakaiba ng mga Kristiyano, na “hindi kumakain ng dugo ng hayop . . . Sa mga paglilitis ay inaalok ninyo ng longganisang dugo ang mga Kristiyano. Ngunit, batid ninyo na hindi [ito] matuwid sa kanila.” Oo, matamis pa sa kanila ang mamatay sa halip na kumain ng dugo.
“Ang karaniwang dugo ay hindi . . . naging lipas-sa-uso bilang sangkap sa medisina at mahika,” sabi ng aklat na Flesh and Blood (1975). “Halimbawa, noong 1483, si Louis XI ng Pransya ay malapit nang mamatay. ‘Araw-araw ay lumalala siya, at nawalan ng bisa ang mga gamot, bagaman kakatwa ang mga ito; sapagkat masidhi ang pagnanais niya na gumaling sa tulong ng dugo na kaniyang kinuha at nilagok mula sa mga bata.’ ”
Kumusta ang pagsasalin ng dugo? Ang pag-eeksperimento nito ay nagsimula maaga pa noong ika-16 na siglo. Si Thomas Bartholin (1616-80), propesor ng anatomiya sa Pamantasan ng Copenhagen, ay tumutol: ‘Yaong nagpipilit gumamit ng dugo ng tao bilang lunas sa sakit ay nagmamalabis at nagkakasala nang malubha. Kinasusuklaman natin ang mga cannibal (kumakain ng tao). Bakit hindi natin kamuhian sila na ang lalamunan ay may mantsa ng dugo ng tao? Ganoon din ang pagtanggap ng dugo ng iba mula sa isang putól na ugat, sa pamamagitan ng bibig o ng mga instrumento ng pagsasalin. Ang mga may-akda ng operasyong ito ay hinahatulan ng batas ng Diyos, na nagbabawal sa pagkain ng dugo.’
Hindi ba kapansinpansin na sa nakalipas na mga dantaon ang mga taong palaisip ay nakatatalos na ang batas ng Bibliya ay kumakapit sa pagpapasok ng dugo sa ugat na gaya rin niyaong sa bibig? Nagpasiya si Bartholin: “Ang dalawang paraang ito ng paggamit [ng dugo] ay may iisa at parehong layunin, na sa dugong ito, ang katawang maysakit ay napakakain at napagagaling.”
Ang panlahatang pagsasaalang-alang na ito ay tutulong upang maunawaan ang di-matatawarang relihiyosong paninindigan ng mga Saksi ni Jehova. Napakahalaga sa kanila ang buhay, at hangad nila ang mahusay na pangangalagang medikal. Subalit desidido sila na huwag labagin ang pamantayan ng Diyos, na hindi nagbabago kailanman: Ang gumagalang sa buhay bilang kaloob ng Maylikha ay hindi magsisikap na tustusan ang buhay sa pamamagitan ng dugo.
Gayunman, maraming taon nang inaangkin na ang dugo ay nagliligtas-buhay. Maisasalaysay ng mga doktor ang mga kaso na kung saan ang pasyente ay nawalan ng maraming dugo subalit nang ito ay salinan hindi nagtagal at ito ay gumaling. Kaya baka isipin ninyo, ‘Gaano kabuti o kasama ito batay sa medisina?’ Ang medikal na mga katuwiran ay inihaharap bilang alalay sa paggamit ng dugo, kaya utang ninyo sa sarili na suriin ang katotohanan upang kayo ay makagawa ng may-kabatirang pasiya hinggil sa dugo.
[Mga talababa]
a Si Pablo, sa Gawa 17:25, 28, New World Translation of the Holy Scriptures.
b Nang maglaon ang pagbabawal na ito ay napasulat din sa Qur’ān.
[Kahon sa pahina 4]
“Ang mga panuntunan na itinakda sa tiyak at sistematikong paraan [sa Gawa 15] ay itinuring na kailangang-kailangan at, sa isipan ng mga apostol, ay naglalaan ng pinakamatibay na patotoo na ito ay hindi isang temporaryong kaayusan, o pansamantalang hakbang.”—Propesor Édouard Reuss, Pamantasan ng Strasbourg.
[Kahon/Larawan sa pahina 5]
Tinukoy ni Martin Luther kung ano ang kasangkot sa utos ng mga apostol: “Kung nais natin ng isang iglesiya na umaayon sa konsilyong ito, . . . dapat nating ituro at igiit na magmula ngayon walang prinsipe, panginoon, taga-bayan, o taga-bukid ang makakakain ng gansa, usa, o karneng baboy na niluto sa dugo . . . Ang mga taga-bayan at taga-bukid lalung-lalo na ay dapat umiwas sa mapulang longganisa at longganisang dugo.”
[Credit Line]
Ukit sa kahoy ni Lucas Cranach
[Kahon sa pahina 6]
“Ang mga bagay-bagay ay minamalas ng Diyos at ng tao sa lubhang magkakaibang paraan. Ang tila napakahalaga sa ating paningin ay malimit na walang gaanong halaga sa tantiya ng walang-hanggang karunungan; at ang wari’y napakaliit para sa atin ay madalas na napakalaki para sa Diyos. Totoo ito noon pa mang pasimula.”—“An Enquiry Into the Lawfulness of Eating Blood.” Alexander Pirie (1787.)
[Larawan sa pahina 3]
Medicine and the Artist, ni Carl Zigrosser/Dover Publications
[Larawan sa pahina 4]
Sa isang makasaysayang konsilyo, tiniyak ng Kristiyanong lupong tagapamahala na ang batas ng Diyos sa dugo ay may bisa pa rin
[Larawan sa pahian 7]
Anoman ang mangyari, aayaw lumabag ang mga unang Kristiyano sa batas ng Diyos sa dugo
[Credit Line]
Larawang-guhit ni Gérôme, 1883, kagandahang-loob ng Walters Art Gallery, Baltimore