Ang mga Naaalay kay Jehova
Awit 196
Ang mga Naaalay kay Jehova
1. May bansa na hiwalay,
Taos pusong nag-alay.
Utos ng Diyos ang gabay,
Tulad tupa’y ’naakay.
2. Ang lubhang karamihan,
Sa Pastol ay kaibigan.
Nag-alay, may bautismo,
Gantimpala’y natamo.
3. Sa pangangaral nila,
Walang takot, pangamba.
Nalabi ay kasama,
Tulad ng hamog sila.
4. Nalabi’t ibang tupa
Pagpapala’y sagana.
Kay Kristo’y sumusunod,
Sa Diyos nakalulugod.