Mag-imbak ng Kayamanan sa Langit
Awit 67
Mag-imbak ng Kayamanan sa Langit
1. O ibigin si Jehova,
Siyang Ama ng liwanag!
Sakdal na mga kaloob,
Ay sa kanya natanyag.
Tahanan, damit, pagkain,
Ang ulan, binhi’t araw,
Atin ngang pasalamatan,
Siya ang buhay at tanglaw.
2. Kawalang katalinuhan
Na panaho’y sayangin,
Sa pag-iimbak ng yaman,
Buhay di rin kakamtin!
Sa halip ay masiyahan
Sa tinataglay natin;
Sa gawang mabuti’y tangan,
Tunay na buhay kamtin.
3. Gamitin panaho’t yaman,
Kalakasan sa dukha,
Sa gutom ang Kaharian
Dapat ay ibalita.
Kaibigan tayo ng Diyos,
Sa tapat na paggawa,
At nag-iimbak sa langit,
Yamang di masisira.