Masayang Pagpuri kay Jehova
Awit 75
Masayang Pagpuri kay Jehova
1. Ang labi’y mag-aawitan,
Halina at papurihan
Si Jehovang naglalaan
Lahat ng ating kailangan.
Ang puso’y nag-aawitan
Sa Diyos na may kapurihan.
Siya’y dapat nating pasalamatan;
Kalul’wa’y may kagalakan.
2. Anak niya ay ibinigay,
Naglaan ng kaligtasan.
Nakataas ating kamay,
Dalangi’y sa kapurihan.
Ang pagiging kaibigan niya,
Ay kay gandang pagyamanin.
Pag-ibig natin ay walang hangga;
Buong pusong sasabihin.
3. Karilagan niya’y malasin,
Patnubay niya’y kay ligaya!
Diyos malugod na sambahin
Ng ating buong kalul’wa.
Sa lilim ng kanyang pakpak,
May maibiging kalinga!
Puso nati’y aawit sa galak;
Sa pagmamahal sa kanya.