Pagpapaabot ng Awa sa Iba
Awit 215
Pagpapaabot ng Awa sa Iba
1. Nang ipasiya ng Diyos ang paggunaw
Sa mga balakyot no’ng araw,
Si Noe’y binigyan niya ng utos:
‘Gumawa ng daong! Mangaral!’
Tumanggi ba si Noe sa atas,
Pagka’t siya’y walang karanasan?
Hindi nga, kundi sa Diyos umasa,
At ang atas niya’y ginampanan.
2. Ang sistema ngayo’y matatapos,
At sa awa ang Diyos nagpasiya,
Na balitang ito ay sabihin,
Nang lahat bibigyang babala.
Ang sinabi mo ba’y ‘Di ko kaya;
Di sanay sa pagsasalita’?
Nguni’t kung Diyos sa iyo’y mayro’ng awa,
Pangangaral ay magagawa.
3. Awa’t katotohana’y nagsama,
Dahil dito’y may kagalakan.
Ganyan ang kalagayang iiral
Sa ilalim ng Kaharian!
Awa ay dapat na ipakita,
Ang lahat ating pasiglahin:
‘Kilos na! Ang sarili’y ialay;
Kaharian ng Diyos ang sundin.’