Sanhi ng Kagalakan ng Sion
Awit 83
Sanhi ng Kagalakan ng Sion
1. Si Jehova’y may bayan;
Ngayon ay isinilang.
Iniluwal di’y lupain
Na walang kalumbayan.
Ang makalangit na Sion
—Biglaan ay nagluwal
Ng mga taong ngalan
Ng Diyos ay itinanghal.
(Koro)
2. Bagong bansa’y ’sinilang,
Dulot ay kagalakan.
Ito’y naglilingkuran
Sa Kaharia’t kawan.
Tapat ang sakop ng Sion,
Diyos ay pinakikinggan.
Sila ay nangangaral,
Hindi na mapigilan.
(Koro)
3. Layunin ni Jehova
Bansa’y kanyang yanigin.
At ang kanilang yaman
Sa Bundok Sion ay dalhin.
Dakilang karangalan
Na ang Diyos ay itanyag,
At Diyos ang yuyukura’t
Sa ngalan niya’y tatawag.
(KORO)
Mangagalak na kasabay ng Sion!
Ang pag-ibig ni Jah’y kanya ngayon!
Ang anak niya ay nagsisilbing tanda,
Sa dulang ng Diyos nananagana.