“Tanggapin ang Isa’t-isa”!
Awit 155
“Tanggapin ang Isa’t-isa”!
1. O tanggapin isa’t isa na gaya ni Jesus!
Ang kapatid mo’y tanggapin, siya rin ay tinubos.
Malalakas at may gulang, mahina’y tulungan,
Nang pag-asa’y tumibay at kamtin ang katwiran.
Pagka’t mga propeta noong una’y naghayag,
Upang tayo ay aliwi’t pag-asa’y tumatag.
Pagbibigay-lugod sa sarili’y huwag sikapin,
Kapakanan ng kapatid parang atin na rin.
2. Ang nagtakwil sa digmaan, binubuklod ng Diyos.
Kapayapaan ay ibabalik na ni Jesus.
Sa bawa’t lahi, wika’t bayan sila’y kukunin,
Upang sa puso’t isipan batas niya’y itanim.
Sa pagluwalhati sa Diyos, lahat ay tanggapin,
Walang itinatangi, ang lahat ay mahalin.
Kagandahang loob ng Diyos ay ating tularan.
Gayahin din kanyang Anak at puso ay buksan.
3. Himukin ang lahat, Haring si Jah ay purihin,
Makigalak sa bayan niya, papuri’y awitin.
Kaya’t ihayag natin sa tahana’t lansangan,
Mabuting balita sa sinomang masumpungan.
Pribilehiyong ito’y di na muling mauulit.
Wakas ng mga masama ngayon ay sumapit.
Kapatiran ay ibigin, sa Diyos maging tapat;
Bawa’t isa ay tanggapin, ito’y nararapat.