Ang mga Espiritu ay Hindi Nabuhay at Namatay sa Lupa
Umiiral ang mga espiritu! Sa dako ng di-nakikitang espiritu, may kapuwa mabubuti at masasamang espiritu. Sila ba ay mga taong nabuhay at namatay dito sa lupa?
Hindi, hindi sila mga tao. Kapag ang isang tao ay namatay, hindi siya nagtutungo sa daigdig ng mga espiritu, gaya ng inaakala ng marami. Papaano natin nalalaman ito? Dahil ito ang binabanggit ng Bibliya. Ang Bibliya ay isang aklat ng katotohanan na nagmumula sa tanging tunay na Diyos, na ang pangalan ay Jehova. Si Jehova ang lumalang sa mga tao; alam na alam niya kung ano ang nangyayari sa kanila kapag sila ay namatay.—Awit 83:18; 2 Timoteo 3:16.
Binabanggit ng Bibliya na inanyuan ng Diyos si Adan, ang unang lalaki, “mula sa alabok ng lupa.” (Genesis 2:7) Inilagay siya ng Diyos sa Paraiso, ang hardin ng Eden. Kung sinunod ni Adan ang batas ni Jehova, hindi sana siya namatay; buháy pa sana siya sa lupa ngayon. Ngunit nang sadyang sinuway ni Adan ang batas ng Diyos, sinabi ng Diyos sa kaniya: “Ikaw ay mauuwi sa lupa; sapagkat diyan ka kinuha. Sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.”—Genesis 3:19.
Ano ang kahulugan nito? Buweno, nasaan si Adan bago siya nilalang ni Jehova mula sa alabok? Wala pa siya. Hindi siya isang di-pa-naisisilang na espiritu sa langit. Hindi siya umiiral. Samakatuwid nang sabihin ni Jehova na si Adan ay “mauuwi sa lupa,” ibig niyang sabihin na si Adan ay mamamatay. Hindi siya tumawid sa dako ng mga espiritu. Sa kamatayan, si Adan ay muling naging walang buhay, hindi umiiral. Ang kamatayan ay ang kawalan ng buhay.
Ngunit papaano naman ang mga ibang namatay? Sila rin ba ay di-umiiral? Ang Bibliya ay sumasagot:
-
“Lahat [kapuwa mga tao at hayop] ay nagsisiyaon sa isang dako. Lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay nangauuwi sa alabok uli.”—Eclesiastes 3:20.
-
“Hindi nalalaman ng patay . . . ang anumang bagay.”—Eclesiastes 9:5.
-
“Ang kanilang pag-ibig at ang kanilang pagkapoot at kanilang pananaghili ay nawala na.”—Eclesiastes 9:6.
-
“Walang gawa ni katha man ni kaalaman man ni karunungan man sa Sheol [ang libingan], na iyong pinaparunan.”—Eclesiastes 9:10.
-
“Ang [tao] ay nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pag-iisip.”—Awit 146:4.
Nahihirapan ba kayong tanggapin ang mga kasulatang ito? Kung gayon, isipin ito: Sa maraming pamilya, ang lalaki ay kumikita ng Awit 115:17.
salapi upang tustusan ang kaniyang sambahayan. Kapag namatay ang lalaki, ang kaniyang pamilya ay kadalasang dumaranas ng kahirapan. Kung minsan ang asawa at ang mga anak ay wala man lamang sapat na pera upang ibili ng pagkain. Baka pagmalupitan sila ng kaaway ng lalaki. Ngayon ay tanungin ang inyong sarili: ‘Kung ang lalaking iyon ay buháy sa daigdig ng mga espiritu, bakit hindi siya patuloy na maglaan para sa kaniyang pamilya? Bakit hindi niya ipagsanggalang ang kaniyang pamilya mula sa masasamang tao?’ Ito’y dahil sa ang mga kasulatan ay tumpak. Na ang lalaking iyon ay walang buhay, hindi makagawa ng anumang bagay.—Nangangahulugan ba ito na ang mga patay ay hindi na muling mabubuhay? Hindi, hindi naman gayon. Tatalakayin natin ang tungkol sa pagkabuhay-muli mayamaya. Ngunit ito’y talagang nangangahulugan na hindi nalalaman ng mga patay ang inyong ginagawa. Hindi nila kayo makita, marinig, o makausap man. Hindi ninyo sila dapat katakutan. Hindi nila kayo maaaring tulungan, at hindi nila kayo kayang pinsalain.—Eclesiastes 9:4; Isaias 26:14.