Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Qumran

Qumran

Ang wadi, o tuyong ilog, sa hilagang-kanlurang baybayin ng Dagat na Patay. Iniuugnay ito sa kalapít na mga guho ng isang sinaunang pamayanang Judio na nakilala dahil nadiskubre doon ang mga Dead Sea Scroll.

Tinatawag ngayon ang lugar na ito na Khirbet Qumran. Matatagpuan ito 13 km (8 mi) sa timog ng Jerico. Noong 1947 unang nakakita ng mga Dead Sea Scroll sa mga kuweba sa lugar na iyon. Sinasabing itinago ito ng mga naninirahan sa Qumran noong unang siglo, na ayon sa mga iskolar ay ang mga Essene, isang Judiong sekta. Itinago nila sa kuweba ang mahahalagang dokumento nila bago tumakas sa pananakop ng mga Romano noong 68 C.E. Winasak ng mga Romano ang pamayanang ito, at lumilitaw na may nakatayong Romanong garison dito hanggang mga 73 C.E.