Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tetrarka

Tetrarka

Ang terminong Griego na te·tra·arʹkhes ay literal na nangangahulugang “tagapamahala ng sangkapat”—ibig sabihin, sangkapat ng isang distrito, o lalawigan.

Ang mga tetrarka, o tagapamahala ng distrito, na binanggit sa Bibliya ay sina Herodes Antipas, tagapamahala ng Galilea at Perea; ang kapatid niyang si Felipe, tagapamahala ng Iturea at Traconite; at si Lisanias, tagapamahala ng Abilinia. Lahat sila ay namahala sa teritoryong sakop ng Roma, at itinakda ng Roma ang saklaw ng pamamahala nila. (Luc 3:1) Ang opisyal na Romanong titulo ni Herodes Antipas ay “tetrarka,” pero mas madalas siyang tawaging “hari,” malamang bilang paggalang.—Tingnan ang study note sa Mat 14:1, 9; Mar 6:14; Luc 3:1.