Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Uncial

Uncial

Istilo ng pagsulat na gumagamit ng matataba, pabilog, at hiwa-hiwalay na malalaking letra. Karaniwan nang hindi pinaghihiwa-hiwalay ang mga salita sa ganitong istilo, at kaunti rin ang mga tuldik at bantas. Tumutukoy rin ang terminong ito sa manuskritong isinulat sa ganitong istilo. Ang istilong ito ng pagsulat ay karaniwang ginagamit ng mga tagakopya ng Griegong mga manuskrito ng Bibliya noong ikaapat hanggang ikasiyam na siglo C.E.

Ang pinakamahahalagang manuskritong uncial ay isinulat sa pergamino, gaya ng Codex Sinaiticus, Codex Alexandrinus, Codex Vaticanus, Codex Ephraemi Syri rescriptus, at Codex Bezae Cantabrigiensis. Dahil sa edad at kalidad ng Griegong mga manuskritong uncial, itinuturing itong pinakamahalagang sinaunang manuskrito na magagamit sa pagtiyak ng orihinal na teksto ng Septuagint at ng Kristiyanong Griegong Kasulatan.