Westcott, Brooke Foss
(1825-1901) Isang British na iskolar ng Bibliya na nakipagtulungan kay Fenton J. A. Hort para mailathala ang The New Testament in the Original Greek noong 1881. (Tingnan ang HORT, FENTON JOHN ANTHONY.) Isa ito sa mga akademikong edisyon ng tekstong Griego na ginamit ng New World Bible Translation Committee sa paghahanda ng orihinal na New World Translation. Ginamit din itong reperensiya para sa 2013 na rebisyon.
Nag-aral si Westcott sa Trinity College, Cambridge, England, at naging kilalá siyang tagapagsalita at iskolar. Halos 30 taon silang magkatrabaho ni Hort. Ikinukumpara nila ang mga manuskrito at piraso ng Bibliya para makabuo sila ng tekstong Griego na sa tingin nila ay pinakamalapit sa orihinal na nakasulat sa Bibliya. Gumamit sila ng mas epektibong paraan ng pagsasaliksik, at kasama doon ang paggugrupo-grupo ng mga sinaunang manuskrito sa iba’t ibang kategorya. Dahil diyan, naging mas madaling maikumpara ang iba’t ibang manuskrito. Mula nang ilathala nina Westcott at Hort ang akda nila, marami pang bagong papiro ang nadiskubre, at nagkaroon din ng bagong mga akademikong edisyon ng tekstong Griego.—Tingnan ang study note sa Mat 27:49; tingnan din ang Ap. A3.