Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay

Mababasa sa aklat na ito ang bawat pangyayari sa buhay ni Jesus na nakaulat sa Bibliya.

INTRODUKSIYON

Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay

Puwedeng magbago ang buhay mo dahil sa mga turo at ginawa ni Jesus, na matatagpuan sa mga Ebanghelyo.

KABANATA 1

Dalawang Mensahe Mula sa Diyos

Inihatid ng anghel na si Gabriel ang mga mensaheng hindi madaling paniwalaan.

KABANATA 2

Pinarangalan si Jesus Bago Pa Isilang

Paano pinarangalan si Jesus ni Elisabet at ng sanggol sa sinapupunan nito?

KABANATA 3

Isinilang ang Maghahanda ng Daan

Nang muling makapagsalita si Zacarias, naghayag siya ng isang mahalagang hula.

KABANATA 4

Maria—Nagdadalang-Tao Pero Walang Asawa

Naniwala ba si Jose kay Maria nang sabihin nitong nagdadalang-tao siya, hindi dahil sa ibang lalaki, kundi sa pamamagitan ng banal na espiritu?

KABANATA 5

Saan at Kailan Isinilang si Jesus?

Paano natin nalaman na si Jesus ay hindi isinilang nang Disyembre 25?

KABANATA 6

Ang Batang Ipinangako

Nang dinala nina Jose at Maria ang sanggol na si Jesus sa templo, dalawang may-edad na Israelita ang humula tungkol kay Jesus.

KABANATA 7

Dinalaw ng mga Astrologo si Jesus

Bakit sa masamang haring si Herodes sila unang inakay ng bituing nakita nila mula sa Silangan, sa halip na kay Jesus?

KABANATA 8

Tumakas Sila Mula sa Napakasamang Tagapamahala

Tatlong hula sa Bibliya tungkol sa Mesiyas ang natupad noong bata si Jesus.

KABANATA 9

Lumaki sa Nazaret

Ilan ang naging kapatid ni Jesus?

KABANATA 10

Naglakbay ang Pamilya Nina Jesus Patungong Jerusalem

Nataranta sina Jose at Maria noong hindi nila mahanap si Jesus. Nagtaka naman si Jesus kung bakit hindi nila naisip agad kung saan siya puwedeng makita.

KABANATA 11

Inihanda ni Juan Bautista ang Daan

Nang puntahan siya ng ilang Pariseo at Saduceo, hinatulan sila ni Juan. Bakit?

KABANATA 12

Nagpabautismo si Jesus

Bakit nagpabautismo si Jesus gayong hindi naman siya nagkasala?

KABANATA 13

Matuto Mula sa Pagharap ni Jesus sa Tukso

Pinatutunayan ng pagtukso kay Jesus ang dalawang mahalagang katotohanan tungkol sa Diyablo.

KABANATA 14

Nagsimulang Gumawa ng mga Alagad si Jesus

Ano ang nakakumbinsi sa unang anim na alagad ni Jesus na nakita na nila ang Mesiyas?

KABANATA 15

Ang Kaniyang Unang Himala

Ipinakita ni Jesus sa kaniyang ina na anumang gagawin niya ngayon ay magmumula sa utos, hindi ng sinumang tao, kundi ng kaniyang Ama sa langit.

KABANATA 16

Ang Sigasig ni Jesus Para sa Tunay na Pagsamba

Pinapayagan ng Kautusan ng Diyos ang mga tao na bumili sa Jerusalem ng mga hayop na ihahandog. Kung gayon, bakit nagalit si Jesus sa mga nagtitinda sa templo?

KABANATA 17

Tinuruan Niya si Nicodemo sa Gabi

Ano ang ibig sabihin ng “ipanganganak muli”?

KABANATA 18

Dumarami si Jesus Habang Kumakaunti si Juan

Naiinggit ang mga alagad ni Juan Bautista, kahit na si Juan mismo ay hindi naman naiinggit.

KABANATA 19

Pagtuturo sa Isang Samaritana

May sinabi si Jesus sa kaniya na malamang na hindi pa nito nasasabi kahit kanino.

KABANATA 20

Ang Ikalawang Himala sa Cana

Pinagaling ni Jesus ang isang bata kahit mga 25 kilometro ang layo nito.

KABANATA 21

Sa Sinagoga sa Nazaret

Ano ang sinabi ni Jesus kung kaya gusto siyang patayin ng mga kababayan niya?

KABANATA 22

Apat na Alagad ang Magiging Mangingisda ng Tao

Tinawag niya sila para iwan ang pangingisda at simulan ang isa pang uri ng pangingisda.

KABANATA 23

Gumawa si Jesus ng Dakilang mga Bagay sa Capernaum

Nang magpalayas si Jesus ng mga demonyo, sinaway sila ni Jesus at pinatahimik dahil sinasabi nilang siya ang Anak ng Diyos. Bakit?

KABANATA 24

Pinalawak ang Kaniyang Ministeryo sa Galilea

Pumupunta kay Jesus ang mga tao para mapagaling sila, pero ipinaliwanag ni Jesus na may mas dakilang layunin ang kaniyang ministeryo.

KABANATA 25

Nahabag Siya sa Isang Ketongin at Pinagaling Ito

Sa isang simple pero nakaaantig na pagkilos, pinatunayan ni Jesus na talagang nagmamalasakit siya sa mga taong pinagagaling niya.

KABANATA 26

“Pinatatawad Na ang mga Kasalanan Mo”

Paano ipinakita ni Jesus ang kaugnayan ng kasalanan at ng pagkakasakit?

KABANATA 27

Tinawag si Mateo

Bakit kumain si Jesus kasama ng mga kilaláng makasalanan?

KABANATA 28

Bakit Hindi Nag-aayuno ang mga Alagad ni Jesus?

Sumagot si Jesus gamit ang ilustrasyon tungkol sa sisidlang balat.

KABANATA 29

Puwede Bang Gumawa ng Mabuti Kapag Sabbath?

Bakit pinag-usig ng mga Judio si Jesus nang pagalingin niya ang lalaking 38 taon nang may sakit?

KABANATA 30

Ang Kaugnayan ni Jesus sa Kaniyang Ama

Iniisip ng mga Judio na ginagawa ni Jesus ang kaniyang sarili na kapantay ng Diyos, pero nilinaw ni Jesus na ang Diyos ay nakatataas sa kaniya.

KABANATA 31

Pagpitas ng Butil sa Araw ng Sabbath

Bakit tinawag ni Jesus ang kaniyang sarili na “Panginoon ng Sabbath”?

KABANATA 32

Ano ang Tamang Gawin Kapag Sabbath?

Ang mga Saduceo at Pariseo, na karaniwan nang may alitan, ay nagkasundo sa isang bagay.

KABANATA 33

Tinupad ang Hula ni Isaias

Bakit inutusan ni Jesus ang mga pinagaling niya na huwag sabihin sa iba kung sino siya at kung ano ang ginawa niya?

KABANATA 34

Pumili si Jesus ng 12 Apostol

Ano ang pagkakaiba ng apostol at ng alagad?

KABANATA 35

Ang Tanyag na Sermon sa Bundok

Kumuha ng paliwanag tungkol sa pangunahing mga punto mula sa pahayag ni Jesus.

KABANATA 36

Ang Malaking Pananampalataya ng Isang Senturyon

Ano ang ginawa ng opisyal ng hukbong ito na ikinamangha ni Jesus?

KABANATA 37

Binuhay-Muli ni Jesus ang Anak ng Isang Biyuda

Naunawaan ng mga nakakita sa himalang ito ang tunay na kahulugan nito.

KABANATA 38

Gustong Makibalita ni Juan kay Jesus

Bakit nagtanong si Juan Bautista kung si Jesus ang Mesiyas? Nagdududa ba si Juan?

KABANATA 39

Kaawa-awa at Manhid na Henerasyon

Sinabi ni Jesus na sa Araw ng Paghuhukom, mas magaan pa ang parusa sa lupain ng Sodoma kaysa sa Capernaum, na naging tirahan niya nang ilang panahon.

KABANATA 40

Isang Aral sa Pagpapatawad

Nang sabihin ni Jesus sa isang babaeng imoral na pinatatawad na ang kasalanan nito, sinasabi ba ni Jesus na hindi masamang lumabag sa utos ng Diyos?

KABANATA 41

Mga Himala—Kaninong Kapangyarihan?

Inisip ng mga kapatid ni Jesus na nababaliw na siya.

KABANATA 42

Sinaway ni Jesus ang mga Pariseo

Ano ang “tanda ng propetang si Jonas”?

KABANATA 43

Mga Ilustrasyon Tungkol sa Kaharian

Naglahad si Jesus ng walong ilustrasyon tungkol sa mga aspekto ng Kaharian ng langit.

KABANATA 44

Pinatigil ni Jesus ang Isang Bagyo

Nang patigilin ni Jesus ang hangin at alon, nagturo siya ng isang mahalagang aral tungkol sa gagawin ng Kaharian sa hinaharap.

KABANATA 45

Mas Makapangyarihan Kaysa sa mga Demonyo

Puwede bang saniban ng higit pa sa isang demonyo ang isang tao?

KABANATA 46

Gumaling Nang Hipuin ang Damit ni Jesus

Ipinakita ni Jesus ang kaniyang kapangyarihan at awa sa makabagbag-damdaming tagpong ito.

KABANATA 47

Nabuhay-Muli ang Isang Batang Babae!

Pinagtawanan ng mga tao si Jesus nang sabihin niyang hindi patay ang batang babae kundi natutulog lang. Ano ang alam niya na hindi nila alam?

KABANATA 48

Gumawa ng Himala, Pero Itinakwil Kahit sa Nazaret

Itinakwil ng mga taga-Nazaret si Jesus, hindi dahil sa kaniyang mga turo o himala, kundi dahil sa ibang bagay.

KABANATA 49

Pangangaral sa Galilea at Pagsasanay sa mga Apostol

Ano ba talaga ang kahulugan ng mga salitang ‘ang Kaharian ng langit ay malapit na’?

KABANATA 50

Handang Mangaral Kahit Pag-usigin

Bakit sinabi ni Jesus sa mga apostol na tumakas sila kapag pinag-usig gayong sinabi rin niya na hindi sila dapat matakot mamatay?

KABANATA 51

Pagpaslang sa Isang Selebrasyon ng Kaarawan

Gayon na lang ang tuwa ni Herodes sa pagsayaw ni Salome kaya nangako siyang ibibigay ang anumang hilingin nito. Ano ang karumal-dumal na hiniling nito?

KABANATA 52

Libo-libo ang Napakain sa Kaunting Tinapay at Isda

Gayon na lang kahalaga ang himalang ito ni Jesus kaya iniulat ito sa apat na Ebanghelyo.

KABANATA 53

Isang Tagapamahalang May Kontrol sa Kalikasan

Ano ang natutuhan ng mga apostol nang maglakad si Jesus sa ibabaw ng tubig at pakalmahin ang hangin?

KABANATA 54

Si Jesus—“Ang Tinapay ng Buhay”

Bakit sinaway ni Jesus ang mga tao kahit na nagsikap silang puntahan siya?

KABANATA 55

Marami ang Nagitla sa Sinabi ni Jesus

May itinuro si Jesus na talagang nakakagilta kaya marami sa kaniyang mga alagad ang umiwan sa kaniya.

KABANATA 56

Ano ang Talagang Nagpaparumi sa Tao?

Ang pumapasok ba sa bibig, o ang lumalabas dito?

KABANATA 57

Pinagaling ni Jesus ang Isang Batang Babae at Isang Lalaking Bingi

Bakit hindi nagdamdam ang babae nang ikumpara ni Jesus ang mga kalahi nito sa maliliit na aso?

KABANATA 58

Pinarami ang Tinapay at Nagbabala Tungkol sa Lebadura

Naintindihan din ng mga alagad ni Jesus kung anong lebadura ang tinutukoy niya.

KABANATA 59

Sino ang Anak ng Tao?

Ano ang mga susi ng Kaharian? Sino ang gagamit sa mga ito, at paano?

KABANATA 60

Ang Pagbabagong-Anyo—Isang Sulyap sa Kaluwalhatian ni Kristo

Ano ang pagbabagong-anyo? Ano ang ibig sabihin nito?

KABANATA 61

Pinagaling ni Jesus ang Isang Binatilyong Sinasaniban ng Demonyo

Sinabi ni Jesus na ang kakulangan sa pananampalataya ay hindi makapagpapagaling. Pero sino ba ang dapat na may malakas na pananampalataya? Ang binatilyo, ang ama nito, o ang mga alagad ni Jesus?

KABANATA 62

Isang Mahalagang Aral sa Kapakumbabaan

May mahalagang matututuhan ang mga adulto mula sa isang bata.

KABANATA 63

Nagpayo si Jesus Tungkol sa Pagtisod at Kasalanan

Nagbigay siya ng tatlong hakbang kung paano lulutasin ang malubhang di-pagkakaunawaan ng magkakapananampalataya.

KABANATA 64

Kailangang Magpatawad

Gamit ang ilustrasyon tungkol sa walang-awang alipin, ipinakita ni Jesus kung ano ang tingin ng Diyos sa ating pagiging handang magpatawad sa iba.

KABANATA 65

Nagtuturo Habang Naglalakbay Patungo sa Jerusalem

Sa tatlong pakikipag-usap ni Jesus, ipinakita niya ang mga saloobing puwedeng makahadlang sa isang tao sa pagsunod sa kaniya.

KABANATA 66

Nasa Jerusalem Para sa Kapistahan ng mga Tabernakulo

Bakit inisip ng mga nakikinig kay Jesus na sinasapian siya ng demonyo?

KABANATA 67

“Wala Pang Sinuman ang Nakapagsalita Nang Tulad Niya”

Halos ang buong mataas na hukumang Judio ay salansang kay Jesus, pero isang miyembro nito ang lakas-loob na nagtanggol sa kaniya.

KABANATA 68

“Ang Liwanag ng Sangkatauhan”—Ang Anak ng Diyos

Sinabi ni Jesus na “ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” Mapalalaya saan?

KABANATA 69

Sino ang Kanilang Ama—Si Abraham o ang Diyablo?

Ipinaliwanag ni Jesus kung paano makikilala ang mga anak ni Abraham, pati na ang tunay niyang Ama.

KABANATA 70

Pinagaling ni Jesus ang Lalaking Ipinanganak na Bulag

Nagtanong ang mga alagad kung bakit ipinanganak na bulag ang lalaki. Kasalanan ba niya o ng mga magulang niya? Iba-iba ang reaksiyon nang mapagaling siya ni Jesus.

KABANATA 71

Kinompronta ng mga Pariseo ang Lalaking Dating Bulag

Ikinagalit ng mga Pariseo ang argumento ng lalaking dating bulag. Gaya ng ikinatatakot ng kaniyang mga magulang, itiniwalag ng mga Pariseo sa sinagoga ang lalaki.

KABANATA 72

Nagsugo si Jesus ng 70 Alagad Para Mangaral

Sa Judea, nagsugo si Jesus ng 70 alagad bilang mga tagapaghayag ng Kaharian, nang dala-dalawa. Saan nangaral ang mga alagad—sa mga sinagoga o sa bahay ng mga tao?

KABANATA 73

Isang Samaritano na Naging Tunay na Kapuwa

Paano ginamit ni Jesus ang kuwento tungkol sa mabuting Samaritano para magturo ng isang mahalagang aral?

KABANATA 74

Aral sa Pagtanggap sa Bisita at Panalangin

Dinalaw ni Jesus sina Maria at Marta. Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa pagtanggap sa bisita? Ano ang itinuro niya tungkol sa panalangin?

KABANATA 75

Ipinakita ni Jesus Kung Paano Magiging Maligaya

Sinagot ni Jesus ang mga kritiko, na sinasabi sa kanila ang tungkol sa “daliri ng Diyos” at kung paano dumating ang Kaharian ng Diyos nang hindi nila namamalayan. Ipinakita rin niya kung paano magiging tunay na maligaya ang mga tao.

KABANATA 76

Kumain Kasama ng Isang Pariseo

Ibinunyag ni Jesus ang pagpapaimbabaw ng mga eskriba at Pariseo. Anong mabibigat na pasan ang ipinapapasan nila sa mga tao?

KABANATA 77

Nagpayo si Jesus Tungkol sa Kayamanan

Nagbigay si Jesus ng ilustrasyon tungkol sa taong mayaman na nagtayo ng mas malalaking kamalig. Anong payo ang inulit niya tungkol sa panganib ng paghahanap ng kayamanan?

KABANATA 78

Tapat na Katiwala, Manatiling Handa!

Interesado si Jesus sa espirituwalidad ng kaniyang mga alagad. Ano ang papel ng katiwala? Bakit napakahalaga ng payong manatiling handa?

KABANATA 79

Kung Bakit May Darating na Pagkapuksa

Sinabi ni Jesus na nanganganib mapuksa ang mga tinuturuan niya kapag hindi sila nagsisi. Matututo ba sila sa mahalagang aral na itinuturo ni Jesus tungkol sa kanilang katayuan sa harap ng Diyos?

KABANATA 80

Ang Mabuting Pastol at ang mga Kulungan ng Tupa

Inilalarawan ng ugnayan ng pastol at ng tupa kung ano ang damdamin ni Jesus sa mga alagad niya. Tatanggapin ba nila ang kaniyang turo at susundan siya?

KABANATA 81

Kaisa ng Ama, Pero Hindi Siya ang Diyos

May mga umaakusa kay Jesus na sinasabi raw niyang kapantay niya ang Diyos. Paano niya sinagot ang kanilang akusasyon?

KABANATA 82

Ministeryo ni Jesus sa Perea

Ipinaliwanag ni Jesus sa kaniyang mga tagapakinig kung ano ang dapat gawin para maligtas. Napakahalaga ng kaniyang payo noon. Mahalaga pa rin ba ito ngayon?

KABANATA 83

Imbitasyon sa Salusalo—Sino ang Imbitado ng Diyos?

Habang kumakain sa bahay ng isang Pariseo, nagbigay si Jesus ng ilustrasyon tungkol sa isang engrandeng hapunan. May importanteng aral para sa bayan ng Diyos. Ano iyon?

KABANATA 84

Pagiging Alagad—Gaano Kaseryoso?

Malaking responsibilidad ang pagiging alagad ni Kristo. Sinabi ni Jesus kung ano ang nasasangkot dito. Nagulat ang ilan sa sinabi niya.

KABANATA 85

Nagsasaya Dahil sa Nagsising Makasalanan

Pinipintasan ng mga Pariseo at eskriba si Jesus sa pakikisama sa ordinaryong mga tao. Nagbigay siya ng ilustrasyon para ipakita ang tingin ng Diyos sa mga nagkakasala.

KABANATA 86

Ang Pagbabalik ng Nawalang Anak

Anong mga aral ang matututuhan natin sa ilustrasyon ni Jesus tungkol sa alibughang anak?

KABANATA 87

Patiunang Magplano—Maging Marunong sa Praktikal na Paraan

Ginamit ni Jesus ang isang ilustrasyon tungkol sa di-matuwid na katiwala para magturo ng isang mahalagang katotohanan.

KABANATA 88

Ang Nagbagong Kalagayan ng Taong Mayaman at ni Lazaro

Para maintindihan ang ilustrasyon ni Jesus, kailangang malaman kung sino ang inilalarawan ng dalawang pangunahing tauhan.

KABANATA 89

Nagtuturo sa Perea Habang Papunta sa Judea

Itinampok niya ang isang katangian na kailangan para makapagpatawad tayo kahit sa mga paulit-ulit na nagkakasala sa atin.

KABANATA 90

“Ang Pagkabuhay-Muli at ang Buhay”

Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang banggitin niya na ang mga nananampalataya sa kaniya ay “hindi na kailanman mamamatay”?

KABANATA 91

Binuhay-Muli si Lazaro

May dalawang mahalagang bagay tungkol sa pangyayaring ito na nagpapatunay na totoo ang himala kaya hindi ito maikakaila kahit ng mga sumasalansang kay Jesus.

KABANATA 92

Sampung Ketongin ang Pinagaling—Isa Lang ang Nagpasalamat

Hindi lang si Jesus ang pinasalamatan ng lalaking pinagaling.

KABANATA 93

Isisiwalat ang Anak ng Tao

Paanong magiging tulad ng kidlat ang presensiya ni Kristo?

KABANATA 94

Dalawang Mahalagang Bagay—Panalangin at Kapakumbabaan

Sa ilustrasyon tungkol sa masamang hukom at isang biyuda, idiniin ni Jesus ang isang mahalagang katangian.

KABANATA 95

Pagtuturo Tungkol sa Diborsiyo at Pagmamahal sa mga Bata

Ang pananaw ni Jesus sa mga bata ay ibang-iba sa pananaw ng mga alagad. Bakit?

KABANATA 96

Ang Sagot ni Jesus sa Isang Mayamang Tagapamahala

Bakit sinabi ni Jesus na mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa makapasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos?

KABANATA 97

Ilustrasyon Tungkol sa mga Manggagawa sa Ubasan

Paanong ang mga nahuhuli ay mauuna, at ang mga nauuna ay mahuhuli?

KABANATA 98

Muling Naghangad ng Posisyon ang mga Apostol

Gusto nina Santiago at Juan ng espesyal na posisyon sa Kaharian, pero hindi lang sila ang naghahangad nito.

KABANATA 99

Pinagaling ni Jesus ang mga Lalaking Bulag at Tinulungan si Zaqueo

Paano mapagtutugma ang dalawang ulat sa Bibliya na parang magkasalungat tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa lalaking bulag malapit sa Jerico?

KABANATA 100

Ilustrasyon Tungkol sa Sampung Mina

Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niya: “Ang bawat isa na mayroon ay bibigyan pa, pero ang sinumang wala, kahit ang nasa kaniya ay kukunin”?

KABANATA 101

Hapunan sa Bahay ni Simon sa Betania

Si Maria, na kapatid ni Lazaro, ay may ginawa na naging dahilan ng usap-usapan, pero ipinagtanggol siya ni Jesus.

KABANATA 102

Pumasok sa Jerusalem ang Hari Sakay ng Isang Bisiro

Tinupad niya ang limang-daang-taóng hula.

KABANATA 103

Muling Nilinis ang Templo

Mukhang legal naman ang negosyo ng mga nagtitinda sa Jerusalem, kaya bakit sila tinawag ni Jesus na mga magnanakaw?

KABANATA 104

Narinig ng mga Judio ang Tinig ng Diyos—Mananampalataya Kaya Sila?

May pagkakaiba ba ang pananampalataya kay Jesus at ang pagkilos ayon dito?

KABANATA 105

Ginamit ang Puno ng Igos Para Magturo Tungkol sa Pananampalataya

Tinuruan ni Jesus ang mga alagad tungkol sa kapangyarihan ng pananampalataya at ipinaliwanag kung bakit itinatakwil ni Jehova ang bansang Israel.

KABANATA 106

Dalawang Ilustrasyon Tungkol sa Ubasan

Alamin ang kahulugan ng ilustrasyon tungkol sa isang lalaking nag-utos sa kaniyang dalawang anak na magtrabaho sa kaniyang ubasan at sa isang lalaki na may masasamang magsasaka.

KABANATA 107

Tinawag ng Hari ang mga Imbitado sa Handaan ng Kasal

Ang ilustrasyon ni Jesus ay isang hula.

KABANATA 108

Binigo ni Jesus ang Pakanang Hulihin Siya

Napatahimik niya ang mga Pariseo, pagkatapos ay ang mga Saduceo, at panghuli ay ang nagsanib-puwersang mga lider ng relihiyon.

KABANATA 109

Binatikos ang mga Mananalansang

Bakit hindi kinunsinti ni Jesus ang pagkukunwari ng mga lider ng relihiyon?

KABANATA 110

Ang Huling Araw ni Jesus sa Templo

Ginamit niya ang halimbawa ng mahirap na biyuda para magturo ng isang napakahalagang aral.

KABANATA 111

Humingi ng Tanda ang mga Apostol

May katuparan ang hula niya noong unang siglo. May katuparan din kaya ito sa hinaharap?

KABANATA 112

Aral sa Pagiging Mapagbantay—Ang mga Dalaga

Itinuro ba ni Jesus na kalahati sa kaniyang mga alagad ay mangmang at ang kalahati ay matatalino?

KABANATA 113

Isang Aral sa Kasipagan—Ang mga Talento

Ipaliliwanag ng ilustrasyon ni Jesus ang sinabi niya: “Ang bawat isa na mayroon ay bibigyan pa.”

KABANATA 114

Pagdating ni Kristo, Hahatulan Niya ang mga Tupa at Kambing

Gumamit si Jesus ng isang ilustrasyon para ipakita ang magiging batayan ng walang-hanggang paghatol.

KABANATA 115

Malapit Na ang Huling Paskuwa ni Jesus

Bakit kapansin-pansin na nagkasundo ang mga lider ng relihiyon na bayaran si Hudas ng 30 pirasong pilak para traidurin si Jesus?

KABANATA 116

Nagturo ng Kapakumbabaan Noong Huling Paskuwa

Nagulat ang mga apostol nang gampanan niya ang gawain ng isang alipin.

KABANATA 117

Ang Hapunan ng Panginoon

Pinasimulan ni Jesus ang isang memoryal na dapat ipagdiwang ng kaniyang mga tagasunod taon-taon tuwing Nisan 14.

KABANATA 118

Pagtatalo Kung Sino ang Pinakadakila

Nalimutan agad ng mga apostol ang aral na katatapos lang ituro ni Jesus nang gabing iyon.

KABANATA 119

Si Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay

Itinuro ni Jesus ang tanging paraan kung paano lalapit sa Diyos.

KABANATA 120

Mga Sangang Namumunga at mga Kaibigan ni Jesus

Paano “namumunga” ang mga alagad ni Jesus?

KABANATA 121

“Lakasan Ninyo ang Inyong Loob! Dinaig Ko ang Sanlibutan”

Paanong nadaig ni Jesus ang sanlibutan gayong ito mismo ang pumatay sa kaniya?

KABANATA 122

Pansarang Panalangin ni Jesus sa Silid sa Itaas

Ipinakita ni Jesus na di-hamak na higit pa sa pagliligtas sa sangkatauhan ang nagawa niya.

KABANATA 123

Nanalangin sa Panahon ng Labis na Kalungkutan

Sinabi ni Jesus sa panalangin: “Alisin mo sa akin ang kopang ito.” Bakit? Tinatalikuran ba niya ang kaniyang papel bilang pantubos?

KABANATA 124

Tinraidor si Kristo at Inaresto

Nakita ni Hudas si Jesus kahit sa kadiliman ng gabi.

KABANATA 125

Dinala si Jesus kay Anas, Pagkatapos ay kay Caifas

Ang ginawang paglilitis kay Jesus ay pagbaluktot sa katarungan.

KABANATA 126

Ikinaila ni Pedro si Jesus

Paano nagawang talikuran ni Pedro, isang lalaking may pananampalataya at debosyon, si Jesus?

KABANATA 127

Nilitis ng Sanedrin, Pagkatapos ay ni Pilato

Isiniwalat ng mga Judiong lider ng relihiyon ang kanilang maitim na balak.

KABANATA 128

Napatunayang Walang-Sala sa Harap ni Pilato at ni Herodes

Bakit ipinadala ni Pilato si Jesus kay Herodes? Wala bang kapangyarihan si Pilato na hatulan si Jesus?

KABANATA 129

Sinabi ni Pilato: “Narito ang Tao!”

Nakita maging ni Pilato ang mahusay na katangian ni Jesus.

KABANATA 130

Ibinigay si Jesus Para Patayin

Bakit sinabi ni Jesus sa mga babaeng umiiyak na huwag siyang iyakan kundi ang kanilang sarili at mga anak nila?

KABANATA 131

Isang Haring Walang Kasalanan ang Ipinako sa Tulos

Pinangakuan ni Jesus ng buhay sa hinaharap ang kriminal sa tabi niya.

KABANATA 132

“Tiyak na ang Taong Ito ang Anak ng Diyos”

Iisa lang ang ibig sabihin ng makahimalang kadiliman, lindol, at pagkapunit ng kurtina sa templo.

KABANATA 133

Inihanda ang Katawan ni Jesus Para Ilibing

Bakit inilibing agad si Jesus bago lumubog ang araw?

KABANATA 134

Walang Laman ang Libingan—Buháy si Jesus!

Matapos buhaying muli si Jesus, sa mga babaeng alagad muna siya nagpakita imbes na sa mga apostol.

KABANATA 135

Nagpakita sa Marami ang Binuhay-Muling si Jesus

Paano pinatunayan ni Jesus sa kaniyang mga alagad na binuhay siyang muli?

KABANATA 136

Sa Dalampasigan ng Lawa ng Galilea

Tatlong beses na sinabi kay Pedro kung paano niya patutunayang mahal niya si Jesus.

KABANATA 137

Daan-daan ang Nakakita sa Kaniya Bago ang Pentecostes

Matapos buhaying muli si Jesus at bago siya umakyat sa langit, paulit-ulit niyang idiniin sa kaniyang mga alagad kung ano ang tatanggapin nila at kung paano nila iyon gagamitin.

KABANATA 138

Si Kristo sa Kanan ng Diyos

Ano ang ginawa ni Jesus habang hinihintay niya ang oras ng kaniyang pagkilos laban sa kaniyang mga kaaway?

KABANATA 139

Ibabalik ni Jesus ang Paraiso at Tatapusin ang Kaniyang Atas

Marami pa siyang gagawin bago niya isauli ang Kaharian sa kaniyang Diyos at Ama.

Maging Gaya ni Jesus na . . .

Sa buong buhay ni Jesus sa lupa, may walong katangian siyang laging ipinapakita.

Indise ng mga Teksto

Gamitin ang indiseng ito para makita kung saan tinalakay sa aklat na ito ang bawat teksto sa mga Ebanghelyo.

Indise ng mga Ilustrasyon

Hanapin ang kabanata sa aklat na ito kung saan tinatalakay ang bawat isa sa ilustrasyon ni Jesus.

Ilang Hula Tungkol sa Mesiyas

Tingnan kung paano natupad kay Jesus ang mga hula sa Bibliya na nagpapatunay na siya ang Mesiyas at kung saan sa aklat na ito tinalakay ang mga iyon.

Mga Lugar Kung Saan Nanirahan at Nagturo si Jesus

Makikita sa mapang ito kung saan nangaral at nagturo si Jesus.