SEKSIYON 4
Pananaig ng Kaharian—Legal na Pagtatatag ng Mabuting Balita
HABANG nagbabahay-bahay, may narinig kayong tunog ng sirena. Palakas ito nang palakas. Nang kakausapin mo na ang susunod na may-bahay, biglang napalingon ang partner mo nang may humintong sasakyan ng pulis. Lumapit sa inyo ang pulis, at sinabi: “Kayo bang dalawa ang nagbabahay-bahay at nakikipag-usap tungkol sa Bibliya? Nakatanggap kami ng mga reklamo!” Magalang kayong sumagot at nagpakilala bilang mga Saksi ni Jehova. Ano ang susunod na mangyayari?
Ang sagot ay nakadepende nang malaki sa kasaysayan. Sa nakalipas na mga taon, paano nakikitungo sa mga Saksi ni Jehova ang gobyerno sa inyong bansa? Mayroon bang kalayaan sa relihiyon? Kung oo, malamang na malaki ang naitulong diyan ng pagsisikap ng inyong espirituwal na mga kapatid sa nakalipas na mga dekada sa “pagtatanggol at sa legal na pagtatatag ng mabuting balita.” (Fil. 1:7) Saan ka man nakatira, tiyak na mapapatibay ka ng pagbubulay-bulay sa mahabang listahan ng tagumpay sa korte ng mga Saksi ni Jehova. Sa seksiyong ito, tatalakayin natin ang ilan sa mahahalagang kasong iyon. Ang ating mga tagumpay ay naglalaan ng nakakukumbinsing katibayan na ang Kaharian ay totoo, dahil kung sa atin lang, imposibleng makamit ang lahat ng iyon!
SA SEKSIYONG ITO
KABANATA 13
Dumudulog sa Korte ang mga Mángangarál ng Kaharian
Tinutularan ng mga hukom sa ilang mataas na korte sa ngayon ang pananaw ng guro ng Kautusan noon na si Gamaliel.
KABANATA 14
Tapat na Sumusuporta Tangi Lamang sa Gobyerno ng Diyos
Ang “ilog” ng pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova dahil sa kanilang pagiging neutral ay nilulon ng “lupa.”
KABANATA 15
Pakikipaglaban Para sa Malayang Pagsamba
Ang bayan ng Diyos ay nakipaglaban para sa karapatang sundin ang batas—ang batas ng Kaharian ng Diyos.