ARALIN 14
Iniiwasan ng mga Kaibigan ng Diyos ang Masama
Tinutukso ni Satanas ang mga tao upang gumawa ng masasamang bagay. Ang isang nagnanais na maging kaibigan ng Diyos ay kailangang mapoot sa kinapopootan ni Jehova. (Awit 97:10) Narito ang ilang mga bagay na iniiwasan ng mga kaibigan ng Diyos:
Seksuwal na mga kasalanan. “Huwag kang mangangalunya.” (Exodo 20:14) Ang pagtatalik bago ang kasal ay mali rin.—1 Corinto 6:18.
Paglalasing. “Ang mga lasenggo . . . [ay hindi] magmamana ng kaharian ng Diyos.”—1 Corinto 6:10.
Pagpaslang, Aborsiyon. “Huwag kang papaslang.”—Exodo 20:13.
Pagnanakaw. “Huwag kang magnanakaw.”—Exodo 20:15.
Pagsisinungaling. Kinapopootan ni Jehova ang “bulaang dila.”—Kawikaan 6:17.
Awit 11:5) “Ang mga gawa ng laman ay [naglalakip sa] . . . mga silakbo ng galit.”—Galacia 5:19, 20.
Karahasan at Di-mapigil na Galit. “Ang sinumang umiibig sa karahasan ay kinapopootan nga [ni Jehova].” (Pagsusugal. “Tumigil sa pakikihalubilo sa sinumang . . . taong sakim.”—1 Corinto 5:11.
Panlahi at Etnikong mga Pagkakapootan. “Patuloy na ibigin ang inyong mga kaaway at ipanalangin yaong mga umuusig sa inyo.”—Mateo 5:43, 44.
Ang mga bagay na sinasabi sa atin ng Diyos ay ukol sa ating ikabubuti. Hindi laging madaling iwasan ang paggawa ng masasamang bagay. Sa tulong ni Jehova at sa tulong ng kaniyang mga Saksi, maiiwasan mo ang paggawa ng mga bagay na hindi kinalulugdan ng Diyos.—Isaias 48:17; Filipos 4:13; Hebreo 10:24, 25.