ARALIN 18
Maging Kaibigan ng Diyos Magpakailanman!
Nangangailangan ng pagsisikap upang magkaroon ng isang kaibigan; nangangailangan ng pagsisikap upang mapanatili ang isang kaibigan. Ang iyong pagsisikap na maging kaibigan ng Diyos at mapanatili iyon ay mayamang pagpapalain. Sinabi ni Jesus sa mga sumampalataya sa kaniya: “Ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32) Ano ang kahulugan nito?
Maaari mong tamasahin ang kalayaan ngayon. Maaari kang maging malaya mula sa huwad na mga turo at kasinungalingan na pinalaganap ni Satanas. Maaari kang maging malaya mula sa kawalang pag-asa na siyang namamayani sa buhay ng milyun-milyong tao na hindi nakakakilala kay Jehova. (Roma 8:22) Ang mga kaibigan ng Diyos ay malaya maging sa “takot sa kamatayan.”—Hebreo 2:14, 15.
Maaari mong tamasahin ang kalayaan sa bagong sanlibutan ng Diyos. Kamangha-mangha nga ang kalayaan na maaari mong tamasahin sa hinaharap! Sa Paraisong lupa, magkakaroon ng kalayaan mula sa digmaan, sakit, at krimen. Kalayaan mula sa karalitaan at gutom. Kalayaan mula sa pagtanda at kamatayan. Kalayaan mula sa takot, pang-aapi, at kawalang-katarungan. Ang Bibliya ay nagsasabi hinggil sa Diyos: “Binubuksan mo ang iyong kamay at sinasapatan mo ang nasa ng bawat bagay na may buhay.”—Awit 145:16.
Roma 6:23) Isipin na lamang kung ano ang magiging kahulugan sa iyo ng buhay na walang hanggan!
Ang mga kaibigan ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman. Ang buhay na walang hanggan ay isang mahalagang kaloob na ibibigay ng Diyos sa lahat ng nais makipagkaibigan sa kaniya. (Magkakaroon ka ng panahong gawin ang maraming bagay. Marahil ay nais mong matutong tumugtog ng isang instrumento sa musika. O marahil ay nais mong matutong magpinta ng mga larawan o maging isang karpintero. Kaypala’y nais mong matutuhan ang hinggil sa mga hayop o mga halaman. O baka nais mong maglakbay at makita ang iba’t ibang lupain at mga tao. Magiging posible ang lahat ng mga bagay na ito kung may buhay na walang hanggan!
May panahon kang magkaroon ng maraming kaibigan. Ang pagiging buháy magpakailanman ay magpapangyari na makilala mo ang marami pa na naging mga kaibigan ng Diyos. Malalaman mo ang kanilang mga kakayahan at maiinam na katangian, at sila rin ay magiging mga kaibigan mo. Iibigin mo sila, at sila’y iibig sa iyo. (1 Corinto 13:8) Ang pagkakaroon ng buhay na walang hanggan ay magbibigay sa iyo ng panahon upang maging kaibigan mo ang lahat ng nasa lupa! Higit sa lahat, ang iyong pakikipagkaibigan kay Jehova ay lalo pang titibay habang lumilipas ang mga siglo. Maging kaibigan ka nawa ng Diyos magpakailanman!