ARALIN 8
Sino ang mga Kaaway ng Diyos?
Ang pangunahing kaaway ng Diyos ay si Satanas na Diyablo. Siya’y isang espiritung nilalang na naghimagsik kay Jehova. Si Satanas ay patuloy na nakikipaglaban sa Diyos at lumilikha ng malaking problema para sa mga tao. Si Satanas ay masama. Siya’y isang sinungaling at isang mamamatay-tao.—Juan 8:44.
Ang ibang mga espiritung nilalang ay sumama kay Satanas sa kaniyang paghihimagsik sa Diyos. Tinatawag sila ng Bibliya na mga demonyo. Kagaya ni Satanas, ang mga demonyo ay kaaway ng mga tao. Gusto nilang saktan ang mga tao. (Mateo 9:32, 33; 12:22) Si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ay pupuksain ni Jehova magpakailanman. Mayroon na lamang silang natitirang maikling panahon upang lumikha ng problema para sa mga tao.—Apocalipsis 12:12.
Kung nais mong maging kaibigan ng Diyos, hindi mo dapat gawin ang gustong ipagawa ni Satanas sa iyo. Si Satanas at ang mga demonyo ay napopoot kay Jehova. Sila’y mga kaaway ng Diyos, at nais nilang gawin kang kaaway ng Diyos. Kailangan mong piliin kung sino ang nais mong paluguran—si Satanas o si Jehova. Kung nais mo ang buhay na walang hanggan, kailangan mong piliin ang paggawa ng kalooban ng Diyos. Maraming pandaraya at pamamaraan si Satanas upang linlangin ang mga tao. Maraming tao ang nalilinlang niya.—Apocalipsis 12:9.